Chapter 11
Not a love story.Ira's POV
Naalimpungutan ako nang tumunog ang aking alarm. Sinilip ko ang aking digital clock na nakapatong sa aking side table. 5:00am it says.Medyo masakit padin ang ulo ko. Napadami din kasi ang nainom ko kagabi sa bar. With my eyes half open, tumayo ako at walang kabuhay buhay na tinahak ang Cr sa aking kwarto.
Matapos kong maligo ay agad na akong na akong lumabas sa aking kwarto.
Sa Kusina, naabutan ko si Daddy at Si Mommy Marguarette na nag aalmusal. Inaya nila ako ngunit tumanggi ako at sinabing sa labas nalang ako kakain. Dinagdagan ni daddy ang aking allowance for today.
Imbis na dalawang libo lang ang binibigay nya sakin araw-araw, ginawa nya itong limang libo nang sinabi kong kakain ako sa labas. Ayan ang gusto ko kay daddy e napakagalante.
Hinatid ako ng aming personal driver sa school. Saktong 6:00 palang ay nakarating na ako.
Naglalakad ako papunta sa aming cafeteria ng biglang may kung sinong bumunggo sakin dahilan upang mabitawan ko ang dala kong apat na makakapal na libro.
Nanggigil kaagad ako kaya sinigawan ko sya.
"Hoy Moron!" Nanggagalaiti kong sigaw mula sa kanyang likuran.
Nagpatuloy lamang sya sa paglalakad na parang walang nangyari. Napakabastos! Walang modo.
Naiinis kong pinulot ang aking mga libro at naiinis din akong tumayo upang pumunta sa Cafeteria. Ang aga aga, badtrip kaagad ako. Jeez!
Nang marating ko ang Cafeteria, agad kong tinungo ang counter para umorder ng isang espresso at isang savory crêpe gallete.
Limang minuto ang nakalipas bago ko nakuha ang order ko. Dala ang aking tray na naglalaman ng order ko,Naglakad ako papunta sa bakanteng upuan na nasa may gilid nitong cafeteria.
Sa kalagitnaan ng aking paglalakad, nabunggo ako ng isang nakatalikod na lalaki dahilan upang mabuhos sa tray ang tasa ng aking espresso at dumausdos ang laman nito sa aking uniform.
Nang mapansin nya na parang meron syang nabunggo mula sa kanyang likuran, agad syang humarap sa akin at tinanggal ang kanyang headset upang tingnan ako.
Natatandaan ko ganito rin yung tikas ng lalaking bumangga sakin kanina. At sa pagkakatanda ko, ito yung isa sa bago naming kaklase. Si Lazarus.
Mababakas sa kanyang mukha ang pagkagulat ngunit agad nya naman itong napalitan ng natatawang expression.
"Ano ba naman yan, ang dugyot. Maganda ka sana." Nangangantyaw nyang sabi sabay tawa ng nakakainis.
Halos mapudpod ang aking mga ngipin sa aking pagtitiim bagang. konting pasensya lang Ira, pakiusap. Kumbinsi ko sa sarili ko.
"Ikaw ba yung Janitor nila dito?" Nangangantyaw nyang tanong.
Napigtas ang aking kakarampot na pasensya at binuhos ko sa kanya ang natitirang espresso sa aking tasa. Hindi pa ako nakuntento at hinagis ko sa mukha nya yung Crêpe na kakainin ko sana.
Magutom na kung magutom. Wala na din naman akong ganang kumain ng dahil sa walang hiyang nasa harapan ko.
Nang makuntento nako sa nakita ko, inilapag ko ang tray sa lamesang pinakamalapit sa akin at nakapamewang syang hinarap.
"Ang gwapo mo sana, kaso ang dugyot mo." Pang-aasar ko pabalik sa kanya. What goes around comes back around Jerk! Wag mokong simulan.
Pinagtitinginan na kami ng mga taong nasa loob ng Cafeteria. Hindi man gaanong madami ang pumapasok, alam kong napahiya ko sya sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Finding Narcissus
Mystery / ThrillerThis world is a rendezvous of devils dwelling inside an angel's mask. Trust none. (HIGHEST RANK: #99 in Mystery/Thriller)