Chapter 8

88 12 1
                                    

Chapter 8
Puzzle

"Ayos ka lang ba Shaen?" Tanong ni Larra nang mapansin nyang nakatulala ako sa kawalan.

"Hindi mo ba nagustuhan yung bulaklak na binigay sayo?" Dagdag nya.

"Mind if I ask you kung sinong nagbigay nitong bulaklak?" I asked in return.

Napansin ko ang biglaang pag igting ng kanyang panga at pagbabago ng kanyang ekspresyon bago sya sumagot sa tanong ko.

"It's a delivery boy from a Flowershop. Ayaw daw ipasabi nung sender kung sino sya." Sagot nya.

"Bakit? May mali ba sa bulaklak Shaen? Kung gusto mo, itatapon ko nalang." Dagdag nya akmang pupulutin ang bouquet na nakalagay sa lamesa; ngunit bago nya pa man ito maabot, agad ko na syang pinigilan.

"Hindi, ano ka ba. Nacucurious lang kase ako kung sinong nagpabigay." Sagot ko nang may halong pilit na tawa. Mukhang hindi naman ata nila alam na hindi maganda ang sinisimbolo ng petunia.

"Sus Shaen, baka si Carl nagpabigay nyan. Malay mo sa ganyang paraan ka nya gustong sorpresahin." Sambat ni Crystal na kasalukuyang nagsasalin ng malamig na tubig sa hawak nyang baso.

"Oo nga naman Shaen. Tapos mamaya pag-uwi mo, may nakalatag na palang scented Candles sa bahay nyo tapos may red carpet sa may pintuan nyo na nakalatag hanggang sa kwarto mo na may nakasaboy na Petals ng red roses." Pangangantyaw ni Aimah.

"Magsitigil nga kayo. Napaka ano nyo." Saway ko sabay tawa at tumawa na din sila.

"Asikasuhin ko lang sila Ira ha? Kayo nang bahala dito. Kayang kaya nyo yan." Pagpapaalam ni Larra sabay kindat sa aming tatlo.

Kasabay nang pag-alis ni Larra ang sya din namang pagtunog ng aking Cellphone. Hudyat na mayroong nagmessage sa akin. Agad ko itong kinuha at binasa ang mensaheng natanggap.

From: Carl
Shaen, tumawag ako kay Risa sabi wala ka pa daw sa bahay. Nasa kanila Larra ka padin ba? Sunduin na kita.

Matapos kong mabasa ang mesaheng iyon galing sa kanya, agad akong nagtipa ng aking tugon.

To: Carl
Ah oo nandito pa ako. Hindi pa tapos ang party. Wag mo muna akong sunduin mamaya nalang.

Ilang segundo pa lamang simula nang ipinasa ko ang mensaheng aking naitipa tumunog ulit ang aking Cellphone hudyat na nagreply na si Carl sa last message ko.

From: Carl
Is it okay if I pick you up by 6pm?

To: Carl
Yes.

At hindi na ulit ako nakareceive nang message galing sa kanya matapos ang conversation na iyon.

5:30pm pa lamang ay dumating na si Carl upang sunduin ako. Nagpaalam na sya sa mga kaibigan ko na hihiramin nya nako at pumayag naman ang mga ito kaya umalis na din kami kaagad.

Nang makarating kami sa pinagparkingan nya ng kanyang itim na BMW X3 ay agad nya akong pinagbuksan ng pinto. Matapos nya itong gawin, pumanhik na sya sa Driver's seat upang buhayin ang makina ng kanyang sasakyan at makaalis na.

Bago nya tuluyang paandarin ang kanyang sasakyan, may kinuha muna syang isang paperbag na kulay silver galing sa backseat at isang maliit na gift box galing sa kanyang bag.

Iniabot nya sa akin ang paperbag at tila hinihintay nya na buksan ko ito.

"Ano to?" Tanong ko.

"Buksan mo" sagot nya.

"Para sakin to?" Tanong ko ulit. Ngumiti na lamang sya sabay tango tanda ng pagkukumpirma na akin nga ang naturang regalo.

Dahan dahan kong binuksan ang paperbag at nakitang isang black na Louis Vuitton bag ang laman nito.I think this is the Sc MM Cappola Noir.Last time I checked online, ito yung isa sa pinakatrendy yet most expensive one in their list nung nakaraang buwan. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya at panghihinayang.

Finding NarcissusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon