Chapter 12

60 13 0
                                    

Chapter 12
Revelation

Elaine's POV
Isang linggo na ang nakakalipas nang hindi pumapasok si Larra. Tinatawagan ko sya pero hindi naman sya sumasagot. Ang sabi ni Shaen sakin may sakit daw ito kaya hindi na ako masyadong nagtanong.

Today is sunday kaya walang pasok.
Nagpaalam si Damon sa akin na pupunta daw sya sa family Reunion nila at Sa island na mailap ang signal daw ito gaganapin kaya hindi nya ako masyadong matitext or matatawagan man lang.

Kasalukuyan akong nakahiga sa aking queen sized bed while looking outside of my window witnessing how the sunset changes the color of my surrounding.

Inabot ko ang aking side table upang hagilapin ang aking cellphone. Since wala naman akong ginagawa, tatawagan ko nalang si Larra.

Nakasampung tawag na ako bago nya ito binaba. Tumawag ulit ako pero out of reach na sya. Galit kaya sya sakin? Bakit? Ano na naman bang ginawa ko?

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at kumuha ng trench blazer. Kung hindi nya ako sasagutin, pupuntahan ko nalang sya sa bahay nila.

10 minutes and I'm already there. Nagdoorbell ako ngunit walang lumalabas sa pinto ng bahay nila. Imposible namang walang tao gayong nakabukas naman lahat ng ilaw sa loob.

Aalis nalang sana ako nang bigla kong napansin ang nakaawang na gate. Hindi ito nakalock kaya agad akong pumasok. Hindi naman siguro magagalit si Larra sa akin gayong magkaibigan naman din kami.

Dire diretso akong pumasok hanggang sa marating ko ang pintuan ng bahay nya. Pinihit ko ang doorknob sa pagbabakasakaling nakabukas ito. At hindi nga ako nabigo dahil bukas ito.

Nang makapasok ako, hinanap ko agad sya sa sala pero wala naman sya kaya napagdesisyunan kong umakyat sa kwarto nya.

Nakaawang ang pintuan papasok sa kwarto ni Larra. Narinig kong tumatawa sya na parang wala naman ata syang sakit.

Sinilip ko ang awang ng kanyang pinto at nakitang may kinakausap ito sa harap ng laptop nya.

Papasok na sana ako ng bigla akong naestatwa sa aking narinig.

"Narcissus, handa akong patayin silang lahat kung yun ang gusto mo. I can even burn the whole school kahit on going yung classes. Just tell me when to do it and I'm more than willing to do as you said.Sagot nya sa lalaking kausap sabay halakhak na parang demonyo.

Dahan dahan akong umatras, hindi ko namalayan na nabunggo ko pala ang isang flower vase na nasa gilid ng pinto. Nabasag ito dahilan upang magproduce ito ng ingay.

Dali dali kong tinakbo ang hagdan pababa sa kwarto ni Larra at tinungo ang labas ng kanyang bahay.

Narcissus? Diba yun yung pumatay ka Jude,Abby at Ayna? Yung lalaking dahilan kung bat nagpakamatay si Ma'am Vanellope?Yung misteryosong may-ari ng site na Erotic Lair at yung taong persistent na ginugulo si Shaen at nagpadala ng bangkay ni Abby sa mismong bahay ni Shaen?

Ibig sabihin ba nito kasabwat si Larra ng mamamatay taong iyon? Kumikirot ang aking ulo habang pinipilit na pinoproseso sa isip ko ang mga impormasyong nakalap.

Larra's POV
Nagulat ako nang bigla akong nakarinig na nabasag na vase. Dali dali akong lumabas para habulin ang kung sinumang nangahas na pumasok sa bahay ko ng walang paalam.

Nang makumpirma ko kung sino iyon, mas lalong kumulo yung dugo ko. Hindi sya maaaring magtagal sa mundong to gayong mayroon na syang alam na pwedeng ikapahamak ko.

Finding NarcissusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon