Chapter 7

83 12 1
                                    

Chapter 7
Petunia

SHAEN'S POV
"Ira!" Napatalon ako sa aking kama habang hinahabol ang aking hininga. Hay naku salamat panaginip lang pala.

"Shaen, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Carl habang pinupunasan ang aking buong mga pawis.

"Ayos lang ako." Tipid kong sagot.

"Anong napanaginipan mo? Kanina pa kita ginigising pero ayaw mo namang gumising. Pinapasok nako ni Risa dito kasi pagdating ko, tulog ka pa." Ani Carl.

"Hinahabol kami ni Ira ng isang nakamask na lalaki. May dala syang itak." Saad ko habang nakatulala ako sa kawalan.

"Nagtago kami sa likod ng puno ngunit nahuli nya si Ira at agad nya itong pinatay gamit ang kanyang itak." Dagdag ko.

Napabuntong hininga na lamang si Carl.

"Wag ka na kasing masyadong mag-isip ng kahit na ano Shaen, makakasama yan sayo." Suhestiyon nya sa tonong puno ng pag-aalala.

Maya maya pa ay pumasok si Keira sa kwarto ko dala ang sopas na ipinaluto ni Carl kay Risa.

"Pinapadala ni Ate Risa." Ani Keira Sabay lapag nung tray sa side table ko.

"Dun na ako kay kuya titira simula mamaya. Buntis si Ate Alex kaya ako ang mag-aasikaso sa kanya. Kaya mo naman siguro sarili mo dito ate diba? And besides, nandyan naman si Ate Risa. Wag mong kakalimutang mag-ingat." Paalala nya sabay labas sa aking kwarto.

Muli akong nilingon ni Carl sabay abot sa aking kamay.

"Shaen,I know there's this part of you who wants to blame yourself regarding what happened to your late friends and teacher. Pero sana naman wag mong masyadong pahirapan yung sarili mo." He said looking so concern.

"Ingatan mo sarili mo please, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa iyo." Paalala nya sabay tayo to plant a kiss on my forehead.

"I'll leave you muna sa ngayon babygirl ha? Wag kang mag-alala, dito nako uuwi simula mamaya. May imimeet lang akong kliyente sa labas." Paalam nya.

"Wait, what? Dito kana uuwi?" Gulat kong tanong sa kanya.

Umupo ulit sya saglit at muling hinawakan ang aking kamay.

"I know hindi mo pako sinasagot at wala pakong karapatang magdesisyon. Pero I'll never gonna risk your life. Nagpaalam na ako sa kuya mo. And gustuhin mo man o hindi, babantayan kita." Dagdag nya.

"Pero kase, yung bahay mo Carl, sinong titira dun?" Nag-aalala kong tanong.

"I'll leave it to our maids. Sila ang mag-aasikaso nun. Kung gusto mo, pwede rin tayong dumalaw doon kung minsan." At tumayo na ulit sya. Wala na akong ibang nagawa kundi tumango na lamang at sumang ayon sa kanya. Mahirap nang makipagtalo gayong alam ko namang di ako mananalo.

"Osya, aalis nako. Text me if you're going outside. Let me know whatever you're doing. Okay?" Bilin nya.

Tumango na lamang ako at pinagmasdan syang unti unting naglalakad papalabas ng aming pintuan.

Nang maisarado nya na ang pinto, nagtungo ako sa may balcony ng kwarto ko upang tingnan kung nakalabas na ba si Carl sa aming gate. Maya maya pa ay biglang tumunog ang aking cellphone.

"Hello, Larra napatawag ka?" Sagot ko nang makita ang pangalan ni Larra na tumatawag sa akin.

"Meet me outside your gate girl. Susunduin kita, punta tayo sa bahay." Sagot nya.

Finding NarcissusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon