Chapter 9
WelcomeNaalimpungutan ako nang maramdaman kong nalaglag na pala ako sa aking kama. Idinilat ko ang mata ko at napansing maliwag na sa labas.
Dahan dahan akong tumayo habang hinihimas ko ang aking balakang upang buksan ang pinto papunta sa aming balkonahe.
"It's a good day to seek for the hidden truth." Kausap ko sa sarili ko habang pinapakiramdaman ko ang malamig na hangin sa labas. It's 6:30 in the morning na.
Maya maya biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto agad ko itong nilingon at iniluwa agad nito si Carl na may dala dalang tray ng pagkain at bihis na bihis na. Mukhang papunta na ata to sa trabaho nya.
"Hey Princess,Good morning." Bati nya habang naglalakad papunta sa side table.
"Na late ka ata ng gising ngayon?" Tanong nya sabay lapag nung tray ng pagkain na dala nya.
"Ah,oo. Medyo napasarap tulog ko." Tipid kong sagot.
"Hindi ka papasok?" Tanong nya.
"Hindi." Sagot ko sabay harap ulit sa view ng aming balkonahe.
Nagulat ako ng bigla akong may naalala.
"Carl, Anong Araw ngayon?" Gulat kong tanong.
"Monday Shaen. Napaalala mo nga sakin kagabi na gisingin kita. Pero pagdating ko dito gising ka na." Sagot nya.
Dali dali akong tumakbo papuntang banyo para maligo.Shit, muntik ko nang makalimutan tapos na nga pala semestral break namin. Lagot ako nito.
Matapos kong maligo at magbihis agad kong nilantakan ang pagkaing dinala nya para sa akin kanina. Napapansin ko ang natatawang reaksyon nya pero wala akong pakealam. Magkalabasan na ng pintas basta ayokong malate.
Matapos kong kumain, agad akong tumakbo papunta sa baba para hagilapin yung sapatos ko. Nang makita ko na agad to, dali dali ko itong sinuot at tumakbo na papunta sa sasakyan ni Carl.
Naglalakad na nakasunod lamang sa Akin si Carl habang tawang tawa akong tinitingnan. Nang makapasok sya sa sasakyan, hinimas himas nya ang kanyang tiyan habang mangiyak ngiyak sya kakatawa.
"Hindi nakakatawa Carl." Hinihingal at medyo asar kong sagot.
Pinigilan nya ang kanyang pagtawa sabay umiling iling.
"Asan ba kase si Risa? Dapat five palang ginising nya na ako." Asar kong sagot.
"Pinag day-out ko muna si Risa kase alam kong gusto nya nang umuwi sa kanila." Sagot nya.
Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi nya at sinuklay ang aking buhok.
Sinilip ko ang aking Wrist watch upang tingnan kung anong oras na. 6:55 na. Limang minuto nalang bago magsimula ang klase namin.Hindi naman gaanong malayo yung school namin sa bahay pero traffic kase pag umaga kaya panigurado late na ako nito.
Nang tumigil ang sasakyan ni Carl sa tapat ng school gate namin, mabilis akong bumaba at kumaway sa kanya. Natatawa nya lang naman akong tiningnan.
"I'm sorry everyone, I'm late." Hinihingal kong paghingi ng paumanhin.
Napatigil ako nang Nagsitinginan silang lahat sa akin pati na rin si Ma'am Principal at ang limang estudyanteng hindi pamilyar ang mukha sa akin. Tatlong babae at dalawang lalaki. Nasa gilid naman si Sir Javier.
"Maupo ka na sa iyong upuan Ms.Marshall" utos ng aming principal na agad ko namang sinunod.
Nang makaupo na ako, nagpatuloy na sya sa pagsasalita.

BINABASA MO ANG
Finding Narcissus
Misteri / ThrillerThis world is a rendezvous of devils dwelling inside an angel's mask. Trust none. (HIGHEST RANK: #99 in Mystery/Thriller)