Chapter 20

49 8 0
                                    

Chapter 20
Vengeance

Shaen's POV
"We're not safe. I know." Bungad ko sa kanila.
Kasalukuyan kaming nasa isang cafe nina Ira,Carl,Lazarus,Crystal,Zoie,Zeph at Gino upang pag-usapan ang ginawang pagtakas ni Jude sa kulungan. Yes! Tumakas si Jude.

Hindi na sya naabutan ng mga pulis dahil mabilis syang nakatakas. At sigurado akong hindi nya kami tatantanan lalo pa ngayon na nasa labas na sya ng selda.

"I'll go find him." Sagot ko nang makitang parang walang balak magsalita ang kahit ni isa sa kanila.

"Hey Shaen, I won't let you do that." Ani Carl sabay hawak sa aking kamay.

"You've risked too much tapos ngayon hahanapin mo pa din sya? Shaen naman. You're not obliged to find him. The cops should do their Job." Dagdag nya pa.

Hindi ko pinansin si Carl sa halip ay nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at tumayo.

"Taas ang kamay ng gustong sumama. Cowards have no space in this game kaya kung ayaw nyo, wag na." I said in a voice full of authority. Pinipilit akong paupuin ni Carl ngunit pinagwalang bahala ko lamang ang kanyang ikinilos.

Nagtaas ng kamay si Zoie,Ira at Gino. Si Zeph,Crystal at Carl naman ay hindi sang ayon. Si Lazarus naman ay naunang di nagtaas ngunit nang ginawaran sya ng matatalim na titig ni Ira, agad na din itong nagtaas ng kamay. I smell something fishy.

"Zeph, what's bothering you? Bat di ka sang-ayon?" Zoie asked.

"Kung nababaliw na kayo, kayo lang. wag nyo akong idamay. Hindi ko isusuko ang buhay ko kay kamatayan ng dahil lang sa kahibangang yan. Mahanap nyo man sya, hindi nya na din naman maibabalik ang mga buhay na nasayang. Wag nyo nang dagdagan ang mga buhay na masasayang ako na nakikiusap sa inyo." Mangiyak ngiyak na sagot ni Zeph na agad namang niyakap ni Zoie.

"S-Sasama ako Shaen." Nanginginig na tugon ni Crystal habang nakapako sa sahig ang kanyang mga mata.

"Well, majority wins. Carl, pwede mo naman akong hintayin sa bahay kung hindi ka talaga interesadong sumama." I said.

"I'll go with you." Sagot naman ni carl habang ang kanyang mukha ay nakabusangot.

"So here's the instruction." Panimula ko.

"We'll wait until tomorrow hanggang sa magmessage sa atin si Jude or simply known as Narcissus. Chat him first Crystal malay mo magreply sayo. I know he'll come after us dahil alam kong malaki ang galit nya sa ating lahat. Now kung wala pading message galing sa Erotic Lair, means walang dapat ipagpanic." Patuloy ko.

"But do not let your guards down. As possible magtabi kayo ng patalim pag matutulog na kayo sa gabi. Set your speed dials na din para pag kailangan nyong tumawag, hindi nyo na kailangang hanapin yung pangalan ng tatawagin nyo. Are we clear?" Dagdag ko pa.

They all nodded in unison. Maya maya pa ay biglang tumunog ang cellphone ni Ira.

"Hey! He messaged me." Ani Ira. Dali dali kaming lumapit sa kanya at tiningnan kung anong laman ng mensaheng natanggap.

I'm stronger than any lightning,thunder,earthquake and everything strong in this planet. I own a fire inside that no one can tame. Now,You'll gonna pay the price of making my life miserable. Take note little ducks, everything cruel has its very own Price tag. Adieu!
-Narcissus

Magtitipa na sana si Ira ng response but another sound came from her device telling us that there's another message received.

I'll be leaving clues later at 6pm stay tuned.
-Narcissus

"Gahd it's already 5. Dun na muna tayo sa bahay." Ani Lazarus. Malapit lang kase ang bahay nila dito sa cafe na pinagkitaan namin. Nagsitanguan kaming lahat at dali daling nagsipunta sa aming mga sasakyan. Naiwan si Zeph sa loob ng cafe na hanggang ngayon ay wala pading pinoproject na expression sa kanyang mukha.

Nang marating namin ang bahay ni Lazarus, naagstay muna kami sa kanilang balcony. Medyo nagulat nga ang kanyang mga magulang kung bakit ang dami namin dito ngunit inexplain naman ng maayos ni Lazarus sa kanila kaya agad naman nilang naintindihan.

Ilang sandali pa ay binungad ng pinto si Lazarus na may dalang malaking bag. Nang buksan nya ito, bumungad kaagad sa amin ang iba't-ibang klase ng kutsilyo,baril at syringe. May gas din syang inilagay sa naturang bag.Mahihinuha na napakaeager nyang gawin ang isang bagay na to. Kahit na kanina ay medyo nagdadalwang isip pa sya.

Ilang minuto din ang aming hinintay bago tumuntong sa alas sais ang kamay ng orasan. At sa pagtungtong nito sa naturang oras ay sya rin namang pagtunog ng cellphone ni Ira. At last, Jude sent his message. Or shall I say, Clue.

Dali dali naming binuksan ang message na naglalaman ng isang video file. Nagulantang na lamang kami nang makita ang duguang mukha ni Zeph. Nakatali ito sa isang upuan at natatakpan ng isang electrical tape ang kanyang bibig.

Maya maya pa ay marahas na tinanggal ni Jude ang electrical tape na nakatakip sa bibig ni Zeph dahilan upang mapahiyaw ito. Sumisigaw ito ng tulong habang si Jude naman ay tumatawa ng mala demonyo.

"Surprise! I've been following ya'll since kanina. And I saw this poor little girl walking across the street. So sinama ko na sya dito para hindi na sya malungkot. Well, the only clue I can give to you right now is nasa abandonadong building kami. Malapit lang sa bahay ng isa sa inyo. Medyo patago pero pwede na. I'll be waiting for you guys till 9. Medyo mahaba haba pa ang party little chickens! Come early or I'll end this girl's life sooner than early." Ani Jude bago tuluyang namatay ang vid.

Napatingin ako sa direksyon ni Zoie. Halos mabasag na ang mga ngipin nito sa sobrang rahas ng kanyang pagtitiim bagang. Marahas ding nakakuyom ang kanyang mga kamay. Maging ako siguro ang nasa posisyon nya nag-aalab na galit din ang igagawad ko kay Jude sa mga kademonyohang ginagawa nya.

Naunang lumabas si Zoie at sumunod naman ang iba. Papalabas na din sana ako ng bigla akong hinila ni Carl.

"Baby, Keep safe please. I know I'll be with you pero keep safe padin. I can't afford to lose you." Mangiyak ngiyak nyang tugon.

"I will. We will." Sagot ko sabay hawak sa kanyang kamay. Agad nya naman itong inalis at niyakap ako ng sobrang higpit. Damn, ako din Carl. Ayoko ding mawala ka.

Matapos ang yakapan session, dali dali na din kaming naglakad papalabas at sumakay sa sasakyan ni Carl.

Just wait a little while Narcissus. Tatapusin na namin ang iyong sinimulan. And I'll make sure that the last breathe that you have will be worthwhile. I'll make sure that your death will be more dreadful and inhumane than what you did to the ones you mercilessly killed.

Finding NarcissusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon