Chapter 21

38 8 0
                                    

Chapter 21
Save Zeph Operation
"'May nahanap ba kayong building malapit sa bahay nyo Lazarus?" Tanong ko kay Lazarus mula sa tawag.

Nang matanggap namin ang mensahe ni Jude kanina, naisipan naming maghiwa-hiwalay upang mas mapadali ang aming pag-hahanap. Si Lazarus at Ira ay magkasama sa isang sasakyan,si Crystal,Zoie at Gino naman ang magkasama habang Ako at si Carl naman ang magkasama.

"Unfortunately Shaen, wala pa din. Call us later pag nakahanap na kayo. Hindi kami titigil ni Ira sa paghahanap." Ani nito bago tuluyang ibinaba ang tawag.

"Carl, I'm losing my hope." I said in a tone full of hopelessness. Hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko na matibay ako. Dahil sa totoo lang, konting konti nalang gusto ko nang sumuko.

Hinawakan ni Carl ang aking kamay habang patuloy na nakatingin sa daanan. Iniangat nya ito at dinampian ng isang halik.

"Everything's going to be fine babygirl. Trust God's plan. He'll never fail us I know." He said in a very soft tone.

Napabuntong hininga na lamang ako at tumingin nalang din sa daan. Maya maya pa ay biglang tumunog ang aking phone. Zoie's Calling.

"We found the abandoned building nasa St.Luke Street Nasa likod lang ng bahay nila Crystal. You'll see a big gate na madaming vine and that's it.It's 8:00pm na kaya bilisan nyo. I texted Ira and Lazarus na din at papunta na sila dito. We shouldn't waste even just a second Shaen. Ako na nakikiusap sa inyo." Zoie said in a very heated voice.

Anger and everything painful is evident in her voice which made me feel the same way too. I immediately put an end to the phone call and told every details to Carl. He drove as fast as he can which is very effective naman dahil nakarating kami sa naturang lugar ng 8:20 pm.

Pagkababa ko sa sasakyan, kumpleto na sila. Hindi nagpapigil si Zoie sa malakas na pagsipa sa malaking kinakalawang na gate dahilan upang matumba ito. Sumunod naman si Lazarus na dala dala ang bag na may lamang mga armas at gas.

Pinilit ko naman si Carl na alalayan si Crystal dahil halatang nanginginig na ito habang kami naman ni Ira ay tumakbo din kasunod nila Lazarus. Si Gino naman ang nagsilbing tagabantay naming lahat dahil sya ang nasa hulihan ng pila.

Dalawang palapag ang naturang abandonadong gusali. Walang kailaw ilaw. Tanging ang flashlight lamang ng aming dala dalang smartphones ang nagsisilbing ilaw namin sa aming paglalakad.

Nang marating namin ang ikalawang palapag, bigla akong nakaramdam ng pangingilabot at galit nang marinig ko ang humahagulgol na si Zeph.

"Uhm,g-guys, tumawag nalang kaya tayo ng pulis." Ani Crystal.

Napalingon sa kanya si Zoie at ginawaran sya ng malapunyal na titig.

"Gusto mo unahin na kitang patayin Crystal? Nakatakas nga sa kulungan si Jude diba tapos ipapaubaya mo pa ulit sa pulis? Nag-iisip ka ba ng matino?" Inis na tugon ni Zoie.

"S-sorry." Ani Crystal.

Napayuko na lamang si Crystal at mas pinili nalang na manahimik. Batid kong batid nya na nadala lamang ng emosyon si Zoie. Knowing Crystal na palaging ang kabutihan ang nakikita sa kahit kanino regardless of the fact that they're more vile than Satan or Hades.

Napahinto kami sa harap ng isang pinto. Tinubuan na ito ng ligaw na mga halaman ngunit halatang may tao sa loob dahil may awang ng liwanag sa labas. Agad itong sinipa ni Zoie. Ngunit hindi ito bumukas. Sisipain nya na naman sana ulit ito ngunit pinigilan na sya ni Gino.

"Zoie, don't let your anger swallow your rationality. I know you're in great rage at this very moment but please keep your rational thoughts intact. Remember the 90/10 rule." Ani Gino. Napataas naman ang kilay ni Zoie sa huling sinabi ng binata.

"90 percent of what will happen to your day today is not controllable by you. And 10 percent is how you react to it. If you react negatively, it'll affect the 90 percent. Chill." Dagdag ni Gino sabay pihit sa doorknob ng naturang pinto.

Nang nabuksan na ito ni Gino, agad na bumungad sa amin ang mala demonyong pagmumukha ni Jude na may hawak na baril sa kaliwang kamay at sigarilyo naman sa kanan.Katabi nito si Zeph na nahihilamos sa dugo ang mukha. Marahil dahil ito sa ginawang pambubugbog ni Jude sa kanya kanina.

"Hindi ba kayo marunong kumatok?" Panimula. Ni Jude sabay tawa ng malakas.

Sa sobrang inis ni Zoie ay umamba syang lapitan si Jude.

"I'm telling you my beloved ex Zoie, pasasabugin ko yang bungo mo pag lumapit ka pa kahit isang hakbang lang dito." Ani Jude sabay tutok ng baril sa bandang ulo ni Zoie.

"Hah! Hanggang ngayon Jude, duwag ka padin? Fuck! Lumaban ka ng patas. Wag kang bakla." Nang aasar na sagot ni Zoie.

Tinawanan lamang sya ni Jude.

"Patas? Ang dami nyo, mag isa lang ako. Mukhang di naman ata patas yun." Sagot ni Jude sa sinabi ni Zoie.

Nagtiim bagang na lamang si Zoie habang mariing ikinuyom ang kanyang kamay. Gustuhin nya mang lumapit, wala naman syang magagawa dahil malamang buhay ang kapalit ng katigasan ng kanyang ulo.

Nabigla nalang kaming lahat ng biglang humalik sa sahig ang mukha ni Jude. Oh Jeez, Zeph kicked his ass. Hawak ang baril agad itong ipinutok ni Jude sa direksyon ni Zeph.

Sa sobrang galit, agad na sinipa ni Zoie ang baril sa kamay ni Jude hanggang sa mabitawan ito ni Jude. Nakatayo pa si Jude at nakuha ang baril. Imbis na iputok ito kay Zoie. Itinutok nya sa aking direksyon ang bunganga ng kanyang baril at pinutok ito ng isang beses.

Tumagos sa aking tiyan ang bala ng baril hanggang sa unti unti nang lumabo ang aking paningin. I don't know if this is the fate of my end but please Lord, if everything about my risk will end at this very point, please give the justice to those in need of them. Patuloy na lumabo ang aking paningin hanggang sa wala nakong mahinuha sa aking paligid.

Finding NarcissusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon