Chapter 13
Run baby runElaine's POV
"Run for your life Delaney." Dumadagundong sa buong kagubatan ang boses ni Larra.Halos sumabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog nito. Nanginginig ang aking buong katawan at nababalot ng takot ang aking buong pagkatao habang hinahagilap ang cellphone sa aking bulsa to send a message to Damon.
Nang mahagilap ko na ito nanginginig na dali dali kong hinanap ang number ni Damon at nagpasa ng mensahe sa kanya. Gustuhin ko mang tumawag, hindi pwede dahil baka marinig ako ni Larra.
Matapos kong nagtipa, agad akong tumakbo upang matakasan si Larra. Sa kalagitnaan ng aking pagtakbo bigla ko nalang naramdaman ang isang bubog na bumaon ng malalim sa aking paa.
Pinigilan kong mapasigaw kahit napakasakit na. Nagpatuloy padin ako sa pagtakbo habang patuloy ding nililingon kung nakasunod padin si Larra sa akin.
Nang mapansin kong wala nang humahabol sa akin at tahimik na buong lugar,umupo ako sa likod ng isang malaking puno upang tanggalin ang bubog na bumaon sa aking paa.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang paghiyaw dahil sa sobrang hapdi nung sugat. Bubunutin ko na sana ito nang biglang.
"Gotcha! Not good enough when it comes to hide and seek baby delaney." Bungad ni Larra sa aking harapan na may dalang pala.
Itinutok nya ito sa akin at biglang nagdilim ang buong paligid.
Narcissus' POV
"May alam na si Delaney baby. Ano nang gagawin natin ngayon?" Natatakot na nagsumbong sa akin si Larra linggo ng umaga.Pinaikot ko ang inuupuan kong swivel chair, sumimsim ng isang beses sa aking brewed coffee saka Humalakhak na parang wala lang lahat.
"You're not taking this thing seriously Narcissus." Pagalit nyang sabi sa akin.
"Pwede tayong makulong pag nalaman ng mga pulis to. At yun ang hinding hindi ko hahayaang mangyari. I'd rather die than go to jail." Dagdag nya.
Sumeryoso ang aking mukha habang marahas akong nagtiim bagang. Tiningnan ko sya ng deretsahan saka tumayo mula sa pagkakaupo sa aking swivel chair para lapitan sya.
"Fix your own mess or I'll fix you? That's all your fault." Nanggagalaiti kong bulong sa kanya.
"Careless." Huling banat ko bago tuluyang lumabas sa aking opisina.
Shaen's POV
Nag iilusyon lang siguro si Elaine para sirain ang friendship namin ni Larra. At sino namang tanga ang maniniwala sa kanya?"Damon Finn"
"Absent" sabay sabay naming sagot sa pagtatawag ng attendance ni sir Javier.Nakatunganga lang ako sa labas ng bintana ng aming classroom habang iniisip ang mga pwedeng mangyari sa mga susunod na araw. Sa ngayon wala namang gulo, sana tuloy tuloy na.
"Good morning everyone, sorry I'm late." Bungad ni Larra nang iluwa sya ng pintuan.
Napaka unusual. Ngayon ko lang sya nakitang nahuli sa klase.
"Sit Down Miss.Hortencia." Utos ni sir Javier kay Larra na sya namang sinunod nito.
Nilingon ko si Ira na kanina pa nanggigigil na pinaglalaruan ang kanyang ballpen.
Nang tiningnan ko kung kanino sya nakatingin, natawa na lamang ako dahil nakadako ang kanyang tingin kay Lazarus.
Naikwento nya din sakin ang naging engkwentro nila ni Lazarus nung nakaraang linggo. At sa aking konklusyon. They do have this oh so thing called "Chemistry."

BINABASA MO ANG
Finding Narcissus
Tajemnica / ThrillerThis world is a rendezvous of devils dwelling inside an angel's mask. Trust none. (HIGHEST RANK: #99 in Mystery/Thriller)