[1]: Meet Mr. Terror

2.1K 40 4
                                    

SOPHIE

First day of school, new room, new classmates, new plastics friends.

Ay, hindi pala classmate ko pala ang dati kong kaklase sa grade 8. Eto na nga siya papalapit na siya sa pwesto ko na may malawak na ngiti sa kanyang labi at siguradong uupo siya sa tabi ko dahil may bakante pa sa tabi ko.

"Sophie! Long time no see, 'musta?" hindi pa talaga siya nagbabago hyper parin siya tulad ng dati.

"Classmate parin tayo? Nakakasawa na ang mukha mo," biro ko sa kanya. Ngumuso naman siya at mahina na pinalo ang braso ko, the truth is we're not close, i mean 'pag siya kasama mo maiisip ng iba na close friends kayo.

"Kahit mukha mo nakakasawa, pero ayos na lang wala akong kilala dito eh." sabi niya. Tumahimik siya at pinagmasdan ang mga bagong kaklase namin nang bigla siyang napapalo sa arm chair niya kaya napatingin ang ibang kaklase namin sa pwesto niya.

Bumaling siya sa akin, "Anyway magt-try out ako sa volleyball, how 'bout you? Tuloy ka sa basketball?"

Oh that thing, dati pa 'tong adik si Shaira sa volleyball pati yung isa kong barkada na classmate din namin dati.

Well, they all know I love basketball, and in that try out thingy, "I'll try, mukhang payag naman si mama eh." I said that makes her nod. May pumasok na bagong estudyante na nakatakip sa kanyang bibig gamit ang handkerchief niya na tingin ko ay bagong kaklase namin.

"Bakit kaya siya nakatakip sa bibig niya?" bulong na tanong ko kay Shaira na nakatingin din sa babae na kakapasok lang.

"Dalawa lang 'yan, either mabaho hininga niya o bungi siya," napatawa naman ako sa opinyon niya, grabe talaga magisip ng babaeng 'to.

"Grabe ka naman kung maka-bungi," bulong ko muli. Umupo na siya sa kabilang row, nananatili parin siyang nakatakip sa bibig niya nang bigla siyang napatingin sa amin.

"Kabute!" gulat na sabi ng katabi ko at mabilis kaming humiwalay sa isa't-isa.

"Ang obvious non huh." sambit niya at kinuha sa bulsa ang cellphone niya, "Nako, kailangan ko na ng bago." sambit niya muli na ang tinutukoy ang phone niyang keypad na, Torque.

Habang naghihintay sa adviser namin ay na baling ang tingin ko sa labas ng room, nang biglang may marinig akong sigaw hindi galit ang boses nito, pero alam mo sumisigaw ito, hindi naman humihingi ng tulong, o ano.

"I WANT YOUR HAIR TO BE CUT OR ELSE HINDI KITA PAPASUKIN SA KLASE KO BUKAS, UNDERSTOOD?" rinig kong utos niya. Sa kabilang room nanggaling ang boses na 'yon.

"Grabe naman 'tong si sir Simon aga-aga, first day of school ang ingay." reklamo naman ng katabi ko.

"Kilala mo?" tanong ko,

"Yes, siya ang coach sa volleyball, nakaka-kaba nga eh, kasi balita ko istrikto siya geez," sambit niya na halata nga na kinakabahan. "Sana hindi siya isa sa subject teacher natin."

"Eh? Maganda nga 'yon!" sabi ko, "Para matuto talaga tayo, diba?"

"Gosh, mamamatay ako." maarte niyang sabi.

"Sabagay ang tamad mo kasi," inirapan niya ako at hindi na ako pinansin.

***

My Beki CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon