[8]: Junior

613 21 1
                                    

THIRD PERSON'S POV


"I've been running through the jungle, I've been crying with the wolves to get to you~" kanta pa ni Julie at hindi na lang pinapansin ang tirik na tirik na araw at ang mga pawis tumutulo sa likod at sa dibdib nito.

Habang si Sophie naman ay hinihingal na dahil sa pagod at dahil na rin sa init na nararamdaman ng kanyang katawan.

"Bilisan mo diyan, para matapos tayo dito agad," wika ni Julie nang hindi nakatingin sa kanya. Huminto sa pagwawalis si Sophie at napapikit.

"Oh? Pagod ka na? Kasalanan mo'to kaya magsikap ka para matapos tayo agad." sambit ni Julie nang makita si Sophie na mukhang pagod na pagod.

Napatingin siya dito at naramdaman niya na nagtatampo sa kanya ang kaibigan niya at pakanta-kanta lang 'to para maitago 'yon.

"Sorry," basag ni Sophie sa katahimikan. Hindi tumigil sa pagwawalis si Julie at nagpatuloy lang sa ginagawa niya.

"Naiintindihan kita." tugon niya nang hindi man lang tinignan si Sophie.

"Ang gwapo ba naman talaga kasi ng pinsan mo eh," reklamo ni Sophie kaya agad napatingin si Julie sa kanya.

"So, sino may kasalanan?" nakapamewang na tanong niya.

"Ikaw?" patanong niyang sagot.

"Hala, gago."

"Kasi tinulak mo'ko!"

"Loko inutusan mo'ko!"

"Hehe, joke lang ang high blood naman nito!"

Julie just rolled her eyes and continue from what she's doing.

Samantalang napakamot na lang si Sophie sa ulo niya at pinagpatuloy sa ginagawa niya.

***

"Ginawa mo 'yon?!" hindi makapaniwala si Shaira nang marinig ang kwento ni Sophie sa kanya.

Tumango naman si Sophie bilang tugon habang pinupunasan ang pawis nito, kakatapos lang nila ni Julie sa parusa nila at kakarating niya pa lang sa room at agad sinabi kay Shaira ang nangyari.

"Anak ng nanay mo! Anong trip mo? 'Buti't yun lang ang pinagawa sa inyo!" natatawang sambit ni Shaira.

"Nainis kasi ako nung may kausap siya sa phone tapos ang landi pa ng tono!" biglang siyang nainis habang inaalala 'yon.

"Teka ba't ka ganyan mag react? Boyfriend mo?" tawang-tawa na wika naman ni Shaira.

Umiwas nang tingin si Sophie, "Hindi pero, ewan ko kung bakit pero inis na inis ako that time!"

"Oy, crush mo na pala coach namin?" tumaas-baba naman ang kilay ni Shaira. Naiilang tumingin si Sophie sa kanya.

"Sino ba naman kasi ang hindi, tignan mo siya! Ang gwapo! Humaygad!" tumawa nang malakas si Shaira matapos marinig ang sinabi ni Sophie tapos bigla na lang sumeryoso ang mukha niya.

"Itigil mo ang kahibangan mo dahil masasaktan ka lang." seryosong sambit ni Shaira kaya nagtaka si Sophie dahil kanina tawa ito nang tawa tapos bigla na lang nagseryoso.

"Wow, trip mo?" natatawang wika ni Sophie sa kanya pero hindi nakisabay si Shaira kaya mas lalo siyang nagtaka.

Hindi na natuloy ang paguusap nila nang dumating na ang guro nila.

***

Maagang umuwi si Sophie, hindi na siya naka-attend sa last try out ng basketball nila dahil bigla nagbago ang isip ng kanyang magulang at hindi na siya pinatuloy sa pangarap na maging varsity player.

My Beki CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon