[2]: Handsome Beki

909 35 3
                                    

SOPHIE

Third day of school na, and guess what? Shaira is starting to make friends here. While me staying quiet, bakit pa ako makikipag kaibigan kung meron na ako?

"Sophie!" umupo si Shaira sa tabi ko habang tumatawa. "Ba't ka?" kunot noo kong tanong sa kanya.

Kinalma niya ang sarili niya at pinunasan ang mata niya na naluluha dahil sa sobrang tawa.

"Si T-thara," bulong niya na may kaunting tawa. "Sino 'yon?"

"'Yung kaklase natin panay ang takip sa bibig niya!" sabi niya tapos tumawa. Okay? Minsan loka-loka din ang babaeng 'to.

"T-totoo 'to huh...kaya pala siya gan'on kasi, kasi...bungi pala siya! Hahahahahaha!" pagkasabi niya nun ay napatawa siya nang malakas.

Tinakpan ko naman ang bibig ko gamit ang palad ko at pinipigilan ang tawa ko, bwisit nakakahawa 'yung tawa niya eh.

"Ang judgemental mo talaga!" natatawa kong sambit. "Pero pa'no mo nalaman?"

"Kinausap ko siya kanina, nakita ko! Alam mo ba hindi ko napigilan ang tawa ko?! Kasi diba sinabi ko na baka mabaho o bungi siya? The latter is right, Sophie!" tawa siya ng tawa na akala mo may kumikiliti sa kanya, dahil sa sobrang tawa niya ay na out of balance siya at nahulog sa kinauupuan niya. Ang epic ng mukha niya kaya hindi ko napigilan ang tawa ko.

Narinig ko din ang mahinang tawa ng kaklase ko sa kanya.

She pout, "Ang sakit nun huh," sabi niya na parang natawa din sa nangyari sa kanya.

*BLAG

Lahat kami napatingin sa pintuan nang may pumalo nang malakas doon. Lahat kami tahimik at hinihintay siyang pagalitan kami.

"Oh no." bulong ni Shaira na nananatiling pang nakaupo sa sahig. Kinuha niya ang ballpen sa sahig at mabilis na umupo sa tabi ko.

"5? 4? 3? 2? 1? And---" naputol ang pagbulong ni Shaira sa kanyang sarili nang magsalita ang guro na nasa pintuan.

"ANG LALAKAS NG TAWA, UMAABOT SA DULO NG FLOOR! HINDI BA PWEDENG NORMAL LANG?! NAGKAKLASE KAMI!" galit nanaman siya, hindi ba siya napapagod? Ako 'yung napapagod sa ginagawa niya eh.

Lahat kami ay tahimik, walang nagtangkang gumawa ng ingay.

"ISA PA!" banta niya at nilisan ang room namin.

Kahit na wala na ang presensya niya ay tahimik parin ang buong room, napatingin pa nga kami sa isa't-isa ang iba pa nga sa amin ay pinipigilan ang tawa.

"12:35 palang, nagkaklase na sila!" kinamot niya naman ni Shaira ang ulo niya.

"Hindi ko alam kung tatagal ako sa lungga niyan." patuloy naman niya, "Oh ano may plano ka pang i-crush 'yon? O i-crush ang mukha niya?"

Bakit ang confident niya na magugustuhan ko ang beking teacher na 'yon?

"Kasi iba ka makatingin sa kanya, alam mo ba 'yon?" nagulantang naman ako nang bumulong na lang siya bigla sa akin kaya mabilis kong nilayo ang ulo ko sa kanya.

"I-iba ang tingin ko sa kanya?" pag-uulit ko.

"Yup!" she said at tumayo, "Gosh naiihi ako sa kaba, mamaya na ang try out." kaagad siyang naglakad palabas ng room matapos sabihin 'yon.

***

Natapos ang klase namin dahil maaga pa ay naisipan kong manood ng try out sa volleyball.

"Pak sexy!" sabi ko nang makita ang outfit ni Shaira, "Infairness bagay sa'yo ang ganyan." Patuloy ko muli. Umupo siya bench kasama ko at inayos ang sintas ng sapatos niya.

"Kanina naiihi ako, ngayon natatae na ako---" napahinto siya at dahan-dahan tumingin sa akin.

"Bakit?"

"Hindi mo ba naaamoy?"

"Huh? Ang---" naputol ang sasabihin ko nang makaamoy ako ng mabaho na hangin, at doon ko narealize na,

"Utot mo 'yon?!" tinakpan ko ang ilong ko at lumayo sa kanya. "Kadiri! Siraulo!" patuloy akong lumayo sa kanya hanggang sa may nabangga na pala ako.

"Tsk!" dahan-dahan naman ako lumingon. Namilog ang mata ko nang makita kung sino ito.

"Ano? Bulag tayo?" Said sir Simon. Tama kayo, siya nga! And...and a-ang gwapo niya sa malapitan!

"Ah...A-ah,"

"Ano? 'di marunong magsalita? Taga sped ka ba? Tsk, kaloka, bina-bad mood mo'ko girl," naiirita niyang sambit at inirapan ako.

"S-sorry po." nakayuko kong papaumanhin. Sumilip ako sa kanya nakataas ang kaliwang kilay niya nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin. "Ang gwapo." bulong ko at pinipigilan na ngumiti.

"Correction, maganda MA-GAN-DA!" nagulat naman ako nang magsalita siya, n-narinig niya ba ang binulong ko?

"Kung bubulong ka 'yung hindi ko maririnig, gwapo? Ews!" umirap siya at nilagpasan ako. Tumalikod ako nang may marinig akong mahinang tawa.

"Ouch, bad shot, better luck next time!" kininditan naman ako ni Shaira. Tatawa pa sana siya kaso hindi natuloy nang marinig niya ang boses ni sir.

"Ikaw! Push up!" tinignan siya ni Shaira at tinuro ang sarili niya, "Ako sir?" tanong niya.

"HINDI 'YUNG ANINO MO!" pamimilosopo naman niya kaya napakamot si Shaira sa batok niya.

"5, 4, 3, 2, 1! Push up ONE HUNDRED!"

"Sir?!" reklamo ni Shaira, "Nakarating naman po ako wala pang one!" patuloy niya.

"TWO HUNDRED PUSH UP, NOW!" hindi naman maipinta ang itsura ni Shaira at wala na nagawa kundi gawin ang utos niya.

Bigla napatingin si sir sa pwesto ko, wala akong magawa kundi ang ngitian siya pero imbes gantihan ako ay inirapan niya ako.

Kung hindi ka lang gwapo, nako.

My Beki CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon