[20]: Meeting Junior's Fiance

458 14 0
                                    

SOPHIE'S POV

Akalain mo 'yon ikakasal na talaga siya at sa babae pa buong akala ko lalaki ang makakatuluyan niya kasi beki nga siya pero hindi pala. Sa tingin ko may gusto din siya sa babaeng 'yon eh kasi ng pumayag din siya na maikasal so that means may pag-asa pa sana ako pero wala na ikakasal na siya eh.

T^T

Sabado na at tulad nang sabi ko kay Junior na tulungan niya akong mamili ng maisusuot sa kasal ni sir kaya nandito siya ngayon para sunduin ako at samahan akong mamili.

"Teka, teka bakit si Junior yung sasama sa'yo?" Pagpigil naman ng ate ko nang akmang lalabas na kami ng bahay.

"Bakit sino ba dapat ang sumama?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Eh dapat babae, marunong ka bang mamili ng maisusuot, Junior?" Umiling naman si Junior 'saka napakamot sa ulo niya. "Eh paano 'yan, kailangan may kasama si Sophie na babae alam mo na magaling ang girls diyan."

"Sabihin mo na lang kasi na gusto mong sumama eh." Sabat ko pa. Napangisi naman siya, sabi ko na nga ba eh.

"It's okay lang, ate tatlo naman kami pupunta." Sabi naman ni Junior. Napatingin naman ako sa kanya na may halong pagtataka sa mukha ko, akala ko ba kami lang dalawa.

"Ah ok, sige ingat kayo."

Tuluyan na kaming nakalabas ng bahay namin, paglabas namin ay agad ko siyang tinanong.

"Hoy, sino yung isang kasama natin ba't hindi ko alam."

"Chill ka lang,"

"Chill, chill ka diyan sabihin mo na lang sino."

"Ok fine, my fiancé will be with us."

Nanlaki naman ang mata ko nang marinig ang sinabi niya, omg makikilala ko na fiancé niya?

"Talaga?!" Dahil na excite ako ng kaunti ay hindi ko napigilan ang mapasigaw.

"Shh, ang ingay mo tara na nga baka nauna na 'yon."

"Akala ko ba nasa ibang bansa 'yon?"

"Tsk may sinabi ba ako, hali ka na pepektusan ako no'n 'pag nauna 'yon."

"Okay, tara!" At tuluyan na kaming nakaalis ng bahay.

----

Nakarating na kami ng mall at halatang nagmamadali si Junior dahil ang hahaba ng hakbang na ginagawa niya sabay mabilis na pag-type sa cellphone niya.

"Fiancé mo ba 'yan, galit na ba siya hala lagot ka na." Pang-aasar ko pa sa kanya pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa niya. Ewan ko ba kung bakit ako na-excite na makilala ang fiancé niya eh parang kanina lang ayaw ko dumalo sa kasal nila.

Natigil naman kami sa girl's room at nakita ko na may sinusubukan tawagan si Junior.

"Wala pa naman siya di 'ba? Cr muna ako." Paalam ko pa, tumango lang siya kaya agad na ako pumasok sa loob.

Hindi naman ako magc-cr eh maghuhugas lang ako nang kamay, eh bakit ba magkakamayan kami mamaya ng fiancé niya eh baka sosyal 'yon. Sinabon ko talaga nang maayos ang mga kamay gamit ang hand wash nila, sinabayan ko na din ang pag-ayos sa sarili ko.

"Hoy!" Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang lumabas sa likod ko si Shaira, anong ginagawa nito dito? Sabagay mall 'to eh.

"Ayos na ayos ah, may ka-date ka ba huh." Pang-aasar naman niya sa akin. Pinitik ko naman ang noo niya, jusko nagulat kaya ako sa ginawa niya.

"Ba't ka nanggugulat?" Inis kong sabi sa kanya. "Hays nevermind, sino kasama mo?" Tanong ko. Tinignan ko naman suot niya, normal lang nakasando nang panglalaki, at shorts hanggang sa tuhod at nakatsinelas lang. Tignan mo nga naman kung paano 'to magbihis, parang nasa bahay lang.

"Ay ewan ko ba dun, going na daw pero---" Napatingin naman siya sa cellphone niya. "Mukhang nandito na siya, oh ano una na ako?"

"Sabay na tayo." Sandali ko naman inayos yung buhok ko 'saka sabay na kaming lumabas ni Shaira ng girls room. Habang naglalakad palabas ay tumunog yung cellphone ni Shaira.

"Saan ka?" Agad na bungad niya pagkasagot niya sa tumatawag sa kanya. "Oh sige, papunta na." Agad niyang pinatay ang sagot hindi na lang ako nagsalita at nag-isip na lang sa sasabihin ko sa fiancé ni Junior, malamang speaking dollars 'yon.

Nakita ko si Junior na naghihintay sa labas, lumapit ako sa kanya 'saka inaya na siyang magpatuloy na pero---

"Ba't ang tagal mo huh, ilang minuto na ako naghihintay dito." Natigil ako nang biglang magsalita si Shaira kay Junior. Kumunot naman ang noo ko sa kanya, magkakilala sila? Teka 'wag mong sabihin---

"Sorry na---teka ba't ganyan suot mo huh, ba't ka nakasando?!" Sambit naman ni Junior. Nanlaki naman ang mga mata ko sa nasaksihan ko ngayon.

"SI SHAIRA ANG FIANCE MO?" Gulat na tanong ko at sabay naman silang napatingin sa akin.

"S-siya ba si phie-phie?" Halatang hindi na makapaniwala na tanong ni Shaira.

"M-magkakilala kayo?"

"Obvious ba?" Pamimilosopo naman ni Shaira kay Junior. "Ba't hindi mo sinabi na si Sophie pala?"

"Teka lang!" Napatingin naman sila sa akin. "Sabihin niyo nga kung engage na ba kayo?"

"O-oo siya na yun," Nauutal na sabi ni Junior 'saka napakamot sa batok niya. Napatingin naman ako kay Shaira na napakamot sa noo niya.

PAANONG NANGYARI 'TO?

My Beki CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon