SOPHIE's POV
Saturday morning, my favorite day, and oh sunday too.
'Cause it's saturday, sinamahan ko ang ate ko mag shopping sa ukay-ukay, hehe. Alas nuwebe pa lang nang umaga ay umalis na kami sa bahay, dahil mapili at madaming mura 'pag sabado ay talagang matatagalan kami, it's my sis who really loves dress.
Dalawang araw ko na ding hindi na cha-chat si Sir, bakit? Eh anak ng tipaklong naman kasi, kinukulit ako ni Junior sa chat, ni-block ko na, hayun nakagawa ng paraan kaya ni-deactive muna ako, hanggang ngayon.
"Hoy," nagulat naman ako nang tinapon ni ate ang isang damit sa mukha ko. Tinignan ko siya nang masama at tinapon pabalik sa kanya ang damit pero nasalo niya ito.
"Kanina pa kita kinakausap." walang emosyon na sabi niya. Kinamot ko naman ang braso ko, ang dami naman yatang lamok dito?
"Ano ba kasi 'yon?" tanong ko na lamang.
"Bagay ba sa akin ang pusha?" tanong niya.
"Bagay naman ang lahat ng kulay sa'yo diba? So why do you need to ask it a hundred times?" 'tamo napapa-english na lang ako. Eh? Totoo naman, kanina pa siyang tanong nang tanong kung bagay ba daw ang pusha sa kanya!
"Hay." pagbuntong hininga niya naman. Hindi ko na lang siya pinansin at nagkunwaring tumingin-tingin sa mga damit.
Habang ginagawa 'yon ay naningkit ang mata ko nang makita ang isang pamilyar na mukha sa 'di masyadong kalayuan sa pwesto namin.
Napasinghap ako nang makilala kung sino ito. Guess who? Simooon! Oh yeah, destinya talaga yata kami eh, agree? Er.
"Para kang baliw." singit ng ate ako.
"Pake mo ba?---teka titingin lang ako doon, huh?" tumango naman siya nang hindi nakatingin sa akin.
Pasimple akong lumapit sa tindahan kung nasaan ngayon si Sir, busy siya sa pagtingin sa mga damit--syempre pang babae.
"Ay sir! Nandito ka po pala?!" pagkuha ko ng atensyon sa kanya. Lumingon naman siya at tumaas ang dalawang kilay nang makilala ako.
Imbes na batiin ay pinagpatuloy niya lang ang ginagawa niya na parang hindi niya ako nakita.
"Ah sir, palagi po ba kayo dito?" nakangiti kong tanong sa kanya. Hindi ako nakatanggap ng sagot sa kanya instead nagpatuloy parin siya sa pamimili ng mga damit.
"Anong klase ba ang hinahanap niyo sir?" Tanong ko ulit, eh? Try and try until I die 'to mga brad.
"Kamusta pala sir?" Patuloy ko parin nang hindi niya sinagot ang tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga naman siya at nababagot akong tinignan, akala ko ay magsasalita na siya pero tinalikuran niya ako at lumipat ng ibang tindahan.
"Pipi?!" Natigil ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses na 'yon. Dahan-dahan akong tumingin sa kanan ko dahil doon nanggaling ang boses na 'yon.
"Ikaw nga pipi!" Masayang sambit niya nang makilala ako. Yayakapin niya sana ako pero agad kong tinulak ang mukha niya palayo sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?!" Naiinis kong tanong, napapatingin ang ibang tao na nasa paligid pero wala na akong pakealam!
"Namamasyal malamang!"
"EEEEEHHH! Sinusundan mo lang ako! Umamin ka!"
"Assuming ka pipi! Kasama ko kaya si Simon!" Rason niya naman. Natigil naman ako sa sinabi niya.
"Kasama mo siya?" Pag-uulit ko.
"Oo nga."
Mabilis kong hinigit ang braso niya at dinala siya sa medyo tago na lugar.
"Oy, Sophie. Ikakasal na ako huh." He said in a playful tone.
"'Wag kang assuming please lang, hindi pa tayo bati!---ay hindi na tayo magbabati! May itatanong lang ako sa'yo!"
"Eh? Matitiis mo ba ako?" Asar niya.
"Oo!"
"Ang laki naman ng galit mo sa akin!"
"Sinong hindi magagalit sa'yo iwan ba naman ako nang walang paalam?!" Sigaw ko. Natigil siya nang sumigaw ako halatang hindi inaasahan ang pagsigaw ko.
"Sorry---tatanong lang dapat ako." sabi ko nang hindi nakatingin sa mata niya, narinig ko pa ang malalim na hininga niya.
"Ano?" Walang emosyon niyang tanong.
"M-mag jowa ba kayo ni Sir S-simon?" Nauutal kong tanong at agad na umiwas nang tingin sa kanya. Kahit hindi siya nakatingin ramdam ko na natatawa siya.
"Hmm. Don't tell me you like him?"
"Answer my question first please."
"Okay fine---walang kami, okay na?" Tinaasan ko naman siya nang kilay.
"Okay." Sambit ko at iiwan na sana siya pero pinigilan niya ako.
"Teka you like him?" Nakangisi niyang tanong.
"Crush lang." Agad kong sagot at tuluyan na siyang iniwan.
***
"Hoy kanina pa kitang hinahanap!" Salubong naman ang kilay niya habang papalapit sa akin, halatang galit.
"Sorry." Paumanhin ko agad. Akala ko ay sesermonan niya ako pero agad na siyang nagyaya na umuwi.
Malalaki ang bawat hakbang na ginagawa ni Ate kaya wala akong magawa kundi ang magaya sa ginagawa niya.
Habang nasa sidewalk na kami na naghihintay ng masasakyanan ay agad kong namataan si Sir Simon sa kabilang sidewalk, nakasun glass siya kaya hindi ko alam kung saan siya nakatingin.
Tatawid siya kaya bumilis any tibok ng puso ko dahil dadaan siya sa tabi ko. Hang masiguro na wala ng sasakyan na dadaan at bumabana Ito para tumawid.
Pero laking gulat ko nang makita ang mabilis na kotche na paparating at siguradong mababangga siya dahil ang pabebe niyang gumalaw!
"Teka Sophie!" Sigaw ng ate ko nang bigla na lang ako bumaba we a side walk a tumakbo papunta sa direksyon ni Sir.
"Tabi sir!" Sigaw ko. Kahit na naka-sun glass siya ay alam ko na nakatingin siya sa akin.
"Ayaw mo eh!" Sabi ko at tinulak siya nang makarating ako sa harapan niya. Gladly hindi siya natumba dahil nagawa niyang ibalanse ang katawan niya.
Napatakip ako sa mukha ko nang makita malapit na ang sasakyan sa direksyon ko.
"SOPHIE!" Dinig kong sigaw ng ate ko.
Tinanggal ko ang palad sa mukha ko nang wala akong naramdaman na tumama na bagay sa akin.
Nakahinga ako nang maluwag nang makitang huminto pala ang sasakyan kaya hindi ako nabundol.
"Tangina mo!" Nagulat ako nang malakas akong binatukan ng ate ko.
"Bwisit! Anong pumasok sa isip mo?!" Galit na sigaw niya sa akin. Hindi ako nakasagot kaya mabilis niya akong hinila palayo sa lugar.
Lumingon muna ako para tignan si Sir, pero mukhang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko dahil umiling-iling siya habang tinitignan kami naglakakad palayo.
BINABASA MO ANG
My Beki Crush
HumorSiya si Sophie Alcantara, aksidenteng nagkagusto sa isang beki na Teacher na katabi lang kanilang room. Mapapansin kaya siya? O magpapansin siya? Inspired by True Events. Date Started: April 16, 2018 Date Finished: January 3, 2020 Photo from pintere...