SOPHIE
Pag gising ko pa lang ay agad akong naligo, nagbihis pero hindi uniporme.
Napag-desisyunan ko na bantayan si Junior sa hospital bilang pambawi sa ginawa niya. Wala pa din kasi ang magulang niya, kaya ako na lang muna isang araw lang naman eh.
"Ihahatid ka raw ni papa." Sabi ni ate na ngayon ay nakapang-bihis na ng uniporme.
"Ayos ka lang ba doon? Nang mag-isa?" Patuloy niya pa.
"Pupunta naman si mama, do'n eh." Tugon ko at kinuha ang plastic na puno ng pagkain na binili ni mama kagabi.
"Tara na." Yaya pa ni papa nang makababa siya ng hagdan. Sunod na bumaba si mama.
"Mga lunch na ako pupunta." Sabi sa akin ni mama. Tumango naman ako bilang tugon.
Sabay kaming tatlo lumabas ng bahay at sumakay ng motor. Ako ang una hinatid ni papa, pagkarating na pagkarating namin sa ospital ay nagpaalam na ako sa kanilang dalawa.
Pagpasok ko sa kwarto kung nasaan si Junior ay naabutan ko siya na nakaupo na sa kama niya, at may kausap.
Natigil lang siya nang pumasok ako, nakita ko naman kung sino ang kasama niya.
"DUMALAW KA!" Sigaw niya na halatang hindi inaasahan na dadating ako.
"Eh?" 'Yan na lang ang nasabi ko dahil nahihiya ako sa kasama niya ngayon, hindi ko kasi kilala ang babaeng 'to, mukhang mayaman pa dahil sa suot niyang school uniform, nasa elite school siya nag-aaral.
"Oh, may bisita ka pala, that's good I still have may class pa kasi eh." sabi niya at kinuha ang gamit niya. Tumayo naman siya at lumapit sa akin.
"Hi, I'm Jasmin, his cousin." she jerked her thumb at junior na parang timang na nakangiti.
"Ah, ako--"
"His childhood friend, I know and you're the reason why junior got accident right?"
And awkward silence eat us. Nawala din ang ngiti ni Junior na parang hindi nagustuhan ang sinabi niya.
"Oh? Did I say something wrong?" Natatawa niyang basag sa katahimikan. "Oh never mind, I'll go na, bye kuya."
Binigay niya ako ng ngiti na...parang plastic?
"Tsk, don't mind that girl, ganun talaga yun masasanay ka rin." Sabi ni Junior nang tuluyan na nakaalis si Jasmin.
Nagkibit balikat na lang ako at pinatong ang dala ko sa table na katabi niya lang.
"Teka lang huh, hindi naman sa ayaw kong umalis ka pero, you have your class diba?"
"Dito na lang muna ako para makabawi man lang sa kalokohan na ginawa mo."
"Ay? Hindi kalokohan yun, I just save you!"
"Tarantado ka talaga ano?! Kung natuluyan ka? Kargo de konsensya pa kita! Kahit kailan hindi ka talaga nag-iisip!" galit kong sigaw.
BINABASA MO ANG
My Beki Crush
HumorSiya si Sophie Alcantara, aksidenteng nagkagusto sa isang beki na Teacher na katabi lang kanilang room. Mapapansin kaya siya? O magpapansin siya? Inspired by True Events. Date Started: April 16, 2018 Date Finished: January 3, 2020 Photo from pintere...