[26]: The Engagement Party

463 17 2
                                    

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nakasama ko si Sir Simon sa isang coffee shop at ilang minuto akong kilig na kilig at ngayon dumating na ang araw na pag anunsyo nila sa kasal nila ni Patty.

Hindi ko na alam yung nararamdaman ko ngayon akala mo ako yung may engagement party dahil sa grabe yung kaba na nararamdaman ko ngayon. Nasa kwarto ko ako ngayon, kasama ang mga tao na ipinadala ni Junior sa akin para ayusan ako.

Habang nakaupo ako at nakaharap sa salamin ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, pumasok naman si Ate na sobrang lawak ng ngiti habang nakatingin sa akin.

"Ay dalaga na talaga." Sabi niya sabay labas ng phone niya at piniktyuran ako. Napapikit naman ako dahil nakaflash pa camera niya, ang jeje niya talaga.

"Teka, ulitin natin ang pangit mo dito eh." Wika niya pa tsaka piniktyuran ulit ako pero wala ng flash.

*click

"Ayan." Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa picture ko. "Sino ba raw susundo sayo dito? Si Junior ba?"

"Malamang ako partner niya don eh."

Lumipas ang ilang oras ay natapos na ako, tapos na nila akong i-make up at suot suot ko na ang damit na binili namin nung nakaraang araw.

Ang pagkakaayos naman sa buhok ko ay naka side bun ito.

Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa pahabang salamin ko ay biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, sumilip naman ang ulo ni ate at napangiti nang makita ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa pahabang salamin ko ay biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, sumilip naman ang ulo ni ate at napangiti nang makita ako.

"Ganda naman," Puri niya pa, na ikinaikot ng aking mga mata. "Nandon na si Junior sa baba, bilisan mo na dyan."

Pagkasabi niya nun ay sinarado na niya ang pintuan. Tinapunan ko nng huling tingin ang sarili ko sa salamin saka lumabas na ng kwarto.

Pagbaba ko ng hagdanan ay nakita ko si Junior nasa sala na nakaupo, nakatuxedo maroon siya. Agad niya naman akong nginitian saka tumayo at lumapit sa akin para alalayan.

"Gentleman naman." Sambit nang ate ko nang makita ang ginawa ni Junior. Natawa lang si Junior sa sinabi ng ate ko. "Anong oras ba matatapos yan, Junior?"

"Kapag gusto nang umuwi ni Sophie, iuuwi ko agad siya." Sagot ni Junior.

Tumango lang si ate. Nagpaalam naman na kami sa kanila na aalis na, sumakay na kami sa family service nila Junior.

Tahimik lang ang aming byahe, ewan ko nga eh medyo awkward naman yung pagkatahimik ni Junior di naman siya ganito, madaldal kaya to.

"Ang tahimik mo yata, may problema ka ba?"

Nginitian niya naman ako.

My Beki CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon