SOPHIE
Pagkauwi ko ay pumunta ako sa internet cafe dahil may pina-research sa amin ang science teacher namin sa amin.
Napag-isipan ko din na hanapin ang profile ni sir Simon sa facebook, hindi ko din pala ano ang apelyido niya.
"Perez?...Flores?...Ah, Salvador?" mahina kong bulong sa sarili ko habang sinusubukan hulaan ang apelyido niya.
Sakto naman nag pop out ang name ni Shaira sa timeline ko.
"Tama! Ask her!" sigaw ko. Nahinto ako nang mapansin ko na nakatingin pala ang mga tao nanandito sa internet cafe sa akin.
"Hi?" nahihiya kong sabi. Bumalik naman sila mga gawain nila at hindi na ako pinansin. "Hi din, sabay ngiti." mahina kong sambit at ni-chat na lang si Shaira.
Me: Yow, Shai!
Her: Oh?
Ganyan ang reply niya sa akin. Ibang-iba sa personal ano? Tamad kasi magtype, puro shares lang nga niya ang nasa timeline ko eh.
Me: Ano ang apelyido ni sir Simon? Hehe.
Her: Corpuz.
Me: Thank you, Shai!
Her: *seen*
Ang lamig niya talaga sa chat ibang-iba sa personal, tsk weird.
Hinanap ko agad ang account niya, hindi naman agad akong nahirapan hanapin 'yon dahil mutual friend na sila ni Shai.
Kinamot ko naman ang likod ng tenga ko nang makita ko ang profile picture niya.
Naka-make up lang naman siya sa profile niya, at pucha ang ganda niya sa picture!
Ano ba? Ba't ganito kaganda ang mukha niya?! Kanina lang ang guwapo niya, tapos ngayon ang ganda niya!
Doon ako sa GUWAPO! Ayoko sa maganda madaming kaagaw, ay teka--madami din pala ako kaagaw pag guwapo siya, aysh!!
"Another beklash?!" muntik na ako mapatalon sa kinauupuan ko nang may magsalita sa likod ko.
"Lorence! Bwisit ka, ginulat mo'ko!" kumuha naman siya ng bakenteng bangko at umupo sa tabi ko.
Lorence is a pure man. 'Yung narinig niyo kanina? He's just playing around.
"Sino na naman 'yan? Bakla nanaman?" tanong niya habang nakatingin sa picture ni sir.
"Yep, ganda niya 'no?" tugon ko at pinindot ang 'Add Friend' button, "Ayan friend request sent!" nae-excite kong sambit.
Umiling-iling naman ang katabi ko at inagaw ang mouse sa akin at biglang ni-cancel ang request ko.
"Hala? Anong problema mo?" nginitian niya naman ako na parang wala siyang ginawa.
"Cancelling your request? Isn't obvious?" tugon niya na hindi parin nawawala ang ngiti sa labi niya.
"Tsk panira! Alis!" pagtataboy ko sa kanya. Hindi naman siya nagreklamo. Tumayo naman siya at kinindatan pa ako bago tuluyan akong iwan, ugh!
Lorence is a friend of mine, not a close friend, nor best friend, just a friend. Nakakainis nga 'yon eh pakealamero, 'tulad na lang ng ginawa niyang pag-cancel sa friend request ko kay sir Simon!
Pipinditon ko na muli ang 'add friend' nang bigla naging itim ang background ng screen.
Ubos na ang time ko! Bad trip! Wala akong dalang extra pera dito! *kamot batok*
Tumayo na lang ako at kinuha ang notes ko, 'di bale nago-out nang mag-isa ang pc na 'yon kaya walang problema, sa cellphone na nga lang ako magf-facebook walang distorbo, tsk.
***"Ang sakit ng katawan ko," bungad ni Shaira sa akin na parang robot kung gumalaw.
"Pinahirapan ba naman ako! Newbie pa lang, nagt-try out pa nga lang, nakakapagod na ang pinagawa niya. Parang galit siya tapos sa akin niya binuhos lahat ng galit niya!" naiiyak niyan patuloy umupo naman ako sa tabi niya. Kahit natatawa ako sa mukha niya pipigilan ko na lang muna 'to.
"Ikaw yata ang dahilan kung bakit siya galit eh! Ano ba ang sinabi mo sa kanya?"
A-ako? Bakit sa akin? Wala naman akong ginawang masama at sinabing masama! Oh, pwera na lang kung na bad mood siya na sinabihan ko siyan, gwapo?
"Sabi ko, ang gwapo niya, 'yon lang maliban sa sorry."
Napaisip naman siya sa sagot ko, "Baka dahil sa binangga mo siya?"
"Aba ewan ko! Baka sa'yo talaga siya galit kasi ang ingay-ingay mo at ang kulit mo!"
"Bakit mo binabalik sa akin?"
"Totoo naman diba?"
"Tsk, bahala ka na nga diyan." pagsusuko niya.
I chuckled, "Anyway, nasa labas sila julie, miss ka na daw nila." pagkasabi niya nun pinatong ang ulo niya sa arm chair. Hinayaan ko na lang siya at lumabas para puntahan sila Julie.
"Hello, Sophie!" niyakap naman ako agad ni Julie pagkalabas ko ng room. Humiwalay naman kami sa isa't-isa, binati ko ang dalawa pa niyang kasama, si Rendall at Sid mga pusong mamon.
Sila ang tunay kong barkada mga best friends ko, si Shaira? She almost part of our group but medyo may pagka-kj din 'yon, but friend naman ang turing namin sa kanya.
"Hoy, ano 'tong naririnig ko mula kay Shaira?" pinalo naman ni Julie ang braso ko matapos magtanong.
"Ang alin?" nagtataka kong tanong.
"Ey lumalandi naman ang besh natin," hinawakan naman ni Rendall ang mahaba kong buhok, "Jumalandi, hindi man lang tayo sinama." sabat ni Cedrick.
"Shut up kayong dalawa, dahil jakla nanaman ang plano nitong landiin!" singit ni Julie. Napangiti naman ako nang bahagya nang tumaas ang kilay ng dalawang bakla.
"JAKLA?!" sabay-sabay nilang sambit. Pinahina ko naman ang boses nila dahil baka marinig ni sir at magagalit nanaman 'yon.
"Sino?" mahinang tanong ni Cedrick.
"Pinsan ko, girl." tugon ni Julie. Huh? Pinagsasabi nito?
"Lol, pinagsasabi mo? Pinsan mo?" pag-uulit ko. Tumango siya na parang sigurado siya sa sinabi niya.
"Anong pangalan, Julie?" tanong ni Rendall
"Simon Corpuz." agad niyang sagot. Namilog naman ang mata ko sa sagot niya.
"Pinsan mo pala siya?!" dahil sa gulat ay napalakas ang boses ko, "Oo, bata pa 'yon 20 years old pa lang 'yon," tugon niya
"Siya ba? 'Yung parang palaging may regla?" tanong ni Rendall na nakatingin sa likod ko, napalunok naman ako at dahan-dahang lumingon para makita si Sir.
Ayon, walang emosyon na nakatingin sa amin, ay sa akin pala.
"Nakakatakot naman ang tingin niya," mahinang bulong ni Cedrick.
"Hi pinsan!---ay sir." bati sa kanya ni Julie at kinawayan pa siya.
"Go to your room!" masungit niyang sambit, inirapan niya kami saka bumalik sa loob ng room.
"Sungit 'no?" sabi ni julie, "Tara, baka buhusan na tayo ng tubig 'pag hindi pa tayo umalis eh, bye Sophie, good luck sa 'insan ko." paalam niya at kinindatan pa ako, umiling-iling na lang ako at napatingin sa pinto ng room nila sir.
He's 20 and I'm 15. Pwedeng-pwede pa! Kyaaah!
BINABASA MO ANG
My Beki Crush
HumorSiya si Sophie Alcantara, aksidenteng nagkagusto sa isang beki na Teacher na katabi lang kanilang room. Mapapansin kaya siya? O magpapansin siya? Inspired by True Events. Date Started: April 16, 2018 Date Finished: January 3, 2020 Photo from pintere...