EPILOGUE

764 22 8
                                    

3 months later...

"Dalian mo na dyan mahuhuli na tayo sa klase!" Nagmamadaling sambit ni Shaira sa akin.

"Teka lang—" Kinuha ko ang inumin ko sa lamesa ng canteen bago sundan si Shaira na nauna ng maglakad sa akin.

"Ubusin mo na nga yan baka mapagalitan pa tayo, tapos na yung time natin hoy!"

"Teka lang, ito na ito na, uubusin ko na, masyadong excited?" I take a last sip bago itapon ang inumin ko sa basurahan. Sayang naman yun di pa naubos, si Shaira sobrang nagmamadali.

Nakarating kami sa room namin at naabutan ang maingay na classroom. Lumapit naman si Thara sa amin at ang lawak ng ngisi niya naman sa amin.

"Para kang baliw sa ngisi mo." Sabi ni Shaira sa kanya. "Bakit ang gulo gulo niyo? Gusto niyo sitahin tayo sa kabila ah?"

"Eh bakit nila tayo sisitahin, wala ng pasok." Aniya

"Talaga?"

"Yep!" Tumalon-talon naman si Shaira sa tuwa pero natigil siya nang batukan ko siya.

"Aray naman." Nakapout niyang reklamo.

"Tinapon ko pa inumin ko sa kakamadali mo wala namang pasok!" Reklamo ko sa kanya.

"Eh sorry, ano bang alam ko? Hehe." Nag peace sign naman siya akin. Inikutan ko lang siya ng mata.

"Ano na, tara? uwian na!" Sigawan ng mga classmates ko na gustong gusto umuwi kesa mag aral.

Mas lalong gumulo ang classroom ng magsi-unahan silang tumakbo palabas ng classroom, agad kaming tumabi ni Shaira para hindi kami mabunggo ng mga classmates kong malatorro ang lakas.

Nang makaalis na ang iba sa kanila ay saka pa kami pumasok ni Shaira para kunin ang back pack namin, nang makuha na namin ay sakto naman dumating si Junior.

"What's up, mga pangit." Bati niya pa sa amin ni Shaira.

"Nagsalita ang leader." Tugon ni Shaira sa kanya.

"Mana sayo. yiiee." Lumapit si Junior sa kanya sa pinisil pisil ang pisnge nitong na mala siopao.

"Aray ah!"

Tinaasan ko naman sila ng kilay.

"Hoy respeto sa single, please lang." Sambit ko. Tinawanan naman nila ako, kung tinatanong niyo kung sila na ba? Opo sila na po, hmm? Sana all nga.

Sabay-sabay kaming lumabas ng building, masaya naman kaming nagk-kwentuhan habang naglalakad palabas ng gate, oo kahit third wheel ako never akong na iba sa kanila hindi naman nila pinaramdam sa akin na third wheel ako eh.

Sila Julia naman at ang dalawang bakla ay hindi ko masyadong nakakasama dahil na din naging madaming projects at requirements nila kesa sa amin.

PIIIT*

Natigil naman kaming tatlo na may marining na pito, agad akong lumingon pero agad ko ding naalala na hindi iyon si Sir Simon. May laro pala sa covert court, nakalimutan ko akala ko kasi si Sir Simon ang hilig nun pumito eh.

"Hays, nakakamiss naman si Sir Simon." Bigla wika ni Shaira. Tumuloy kami sa paglalakad muli.

"Kaya nga eh." Tugon ko pa.

"Hayaan niyo na nasa mabuting kalagayan na si Tito." Sambit ni Junior sa amin.

"Alam mo, it's not the same anymore, simula nawala si Sir Simon at may ibang nang pumalit sa position niya as coach, the team was not that hype before." Nalulungkot na sabi ni Shaira.

"Huhu."

"Tumigil nga kayong dalawa dyan, akala niyo naman namatay na yung tito ko eh."

"Paano naman yun mamamatay eh masamang damo yang tito mo!" –Shaira.

"Pero namimiss mo?"

"Oo pero mas namimiss ni Sophie."

Tinignan naman nila ako na may halong pang aasar.

"Eh?" Iyan lang naisagot ko sa kanila.

Yes, wala na si Sir Simon, hindi patay ah! Wala na siya dito sa school. Simula nung nangyari na aksidente sa kanya nung party himala nabuhay siya! Nang magising na siya sa wakas walang pagbabago, masungit pa rin ang bakla! Binibisita ko din siya sa ospital, ganun parin trato niya sa akin, iniisip ko na lang na masaya siya na nandoon ako, assumera ko eh? Haha.

Nang makalabas siya ng ospital at nakapag fully recover na ay natuloy parin ang kasal nila, oo kinasal sila ni Patty, oo nag kiss silang dalawa, at oo masakit po sa heart makita ang crush mong ikinakasal tapos humalik ng babae! Opo, ikinasal na ang bakla!

Wala na siya dito sa school, simula nung ikinasal siya ay nag resign na siya as teacher dito sa school at nangibang bansa kasama si Patty, doon daw sila bubuo ng pamilya according kay Junior.

Mabaog sana si Sir Simon! Wahaha

Pero sadly, very sad according again kay Junior buntis ang Patty.

T^T

Pero good news naman, lalaki ang ang pinagbubuntis ni Patty! Oemji may pag asa po ako!

Charot.

Friends parin kami sa facebook ni Sir Simon, oo magiging ama na siya, pero base sa pang i-stalk ko sa kanya, nag m-make up parin ang bakla!

"Uy kain tayo kwek kwek, libre ko!"

"Ayan Junior 'yan gusto namin sayo eh, yang pang lilibre mo sa amin!" Wika ko.

Hindi man naging masaya ang happy ending ko, na akala ko pareho sa ibang libro na nakakatuluyan ang mga crush nila, okay lang.

Masakit man sa part ko, pero ang pagkakaroon ng crush ay naging inspirasyon ko, kahit na ikinasal siya sa iba okay lang, hindi pa rin naman nawawala ang paghahanga ko kay Sir Simon.

Crush na crush ko parin siya! Hindi naman masama maging crush ko parin siya kahit may asawa na siya diba? Hindi naman nakakawatak ng pamilya yun diba? Pero sana nakakawatak? Haha charot!

Live life to the fullest! Make more crush, kasi nakakasisi pag isa lang tulad ko! Hindi ako makamove on kahit wala naman naging kami, enjoy your life having crushes hindi naman masama yun eh.

Pero make your crush as an inspiration, don't make them your world, parang ako. Hahaha

"Tara kain na tayo!" Nagsitakbuhan naman kaming tatlo, pero napaupo ako sa lupa ng may nakabunggo sa akin.

"Ay sorry, girl." Umangat naman ang ulo ko para tignan kung sino ang nakabangga sa akin. Napanga-nga naman ako nang makita na isang gwapong—beki ito.

"Girl, baka pasukan ng langaw yang bunganga mo." Natauhan naman ako sa sinabi niya.

"Ay hehe." Iyan lang nasagot ko. Tinulangan niya naman ako tumayo, nang makatayo siya ay agad niyang pinagpag kamay niya, wow hindi naman ako dirty ang arte din nito.

"Sorry girl ah." Ulit niya.

"Ah ok lang yun, hindi naman masakit." Pabebe kong sabi, pero maskit po talaga siya.

"Ok." Sabi niya tapos iniwan na ako. Pinagmasdan ko naman siya umalis hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"Hoy Sophie, ano nangyari sayo ah?" Tanong ni Sophie sa akin ng makalapit siya sa akin.

Nginitian ko naman siya ng matamis.

"May bago na akong crush."

My Beki CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon