SOPHIEKinakabahan at pinagpapawisan ako, nanginginig ang mga kamay ko habang pinagmamasdan ang walang malay na si Junior. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko habang nakatitig sa katawan niya na nasa gitna ng kalsada, parang may glue na nakadikit sa paa ko kaya hindi ako makaalis sa pwesto ko.
"Yung binata!"
"Diyos ko po!"
"Tumawag agad kayo nang ambulansya!"
Napapanic na sigaw ng mga tao na nasa paligid. Halos mahirapan akong huminga nang makita ko ang dugo galing sa ulo niya.
"SOPHIE!" Narinig ko na may tumawag sa pangalan ko pero hindi ko magawang lumingon nakapako lang ang tingin ko kay Junior.
"SOPHIE!" Nakita ko si ate sa harapan ko, niyugyog niya ang balikat ko. Bigla akong huminga nang malalim at hingal na hingal parang kakagaling ko lang sa pagtakbo.
"Ayos ka lang? Magiging maayos ang lahat, huh? Andito na ang ambulansya." Pagpapakalma niya sa akin. i look at her back, at tama nga siya kakarating lang ng ambulansya.
"I shouldn't let him do that." Wika ko habang nilalagay na nila papasok si Junior sa loob ng ambulansya.
"Wala kang kasalanan, ginusto niya 'yon. Halika na, malakas si Junior."
"Saan tayo pupunta?"
"Sa ospital, kailangan niya tayo wala dito parents niya." Hinila ako ni ate kasabay nun ang pag-alis ng ambulansya.
Nasa palengke ako kasama si ate, sinamahan ko siya bumili dahil pinasama ako nila papa dahil mag-gagabi na daw.
Hindi ko parin makalimutan ang nangyari kaninang pag trick sa akin ni sir Simon. ugh!
Habang busy siya sa pagpipili ng isda ay nagpaalam ako sa kanya na sa labas lang ako maghihintay dahil hindi ko na kaya ang malansang amoy ng mga isda.
Paglabas ko ay doon pa lang ako nakahinga ng maluwag, lumingon ako para tignan si ate hindi naman siya malayo at natatanaw ko parin siya mula dito so okay na ang pwesto ko dito.
"Namamalengke ka na pala?" Nagulat naman ako when Junior showed up from nowhere. I checked if may kasama ba siya o kasama niya si Simon but failed mag-isa lang siya.
"Wala yung crush mo!" Tawa niya pa. "Sino kasama mo? Kung wala samahan na kita!"
"Lubayan mo nga ako!" Naiirita kong utos. Hindi naman sa nagagalit pa ako sa kanya, ayos naman eh pero nagtatampo padin kasi ako eh.
"'Yoko nga!" Asar niya pa. Tinignan ko siya nang masama at iniwan siya. Tatawid na sana ako sa kabila nang may malakas na pwersa ang tumulak sa akin, muntikan na nga ako matumba 'buti na lang na control ko pa.
Alam kong si Junior ang may gawa nun, tatalikod na sana ako para tignan siya hang masama pero laking gulat ko na nagkakagulo na ang mga tao sa paligid at doon ko lang nalaman na nasagasaan siya nang dahil sa akin.
"Alam mo hilong-hilo na ako sa'yo." Reklamo nang pinsan ko na si Hana. Nandito kami ngayon sa waiting area, kasama ko ang parents ko, si ate tapos si Hana.
Tinawagan na ni ate ang parents ni Junior na nag out of town. Sila mama at papa pumunta agad malaman ang nangyari kay Junior.
"Ilang minuto na tayo dito naghihintay." Wika ko pa.
"Ulol, sa tingin mo minutes lang ang operation?"
"Bakit hindi ba?"
"Tanga." Sabi na lang niya. Magkapit bahay lang kami, hindi man niya kilala si Junior ay sumama siya kila mama dito.
"Ikaw na tomboy ka, kung sumama ka dito para mangchix, pwes umuwi ka na lang." Bulyaw ko.
"Aba nandito ako dahil concern ako!" Pagkasabi niya nun ay natanaw ko si Lorence na papalapit sa pwesto namin.
"Let me guess you invited him here." Baling ko kay Hana.
"Sinong baliw ang iimbitahin ang tao sa ospital?" Tugon niya pa. Nakalapit na si Lorence sa amin, binati niya pa ang parents at ate ako saka kaming dalawa ni Hana ang sunod na binati niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"'To naman concern lang ako!" Tugon niya pa at umupo sa tabi ni Hana.
"Hindi niyo nga kilala 'yon!"
"Hehehe." Sabay na sabi nilang dalawa. Sabi ko na nga ba, tatambay lang ang dalawang 'to dito.
Lumipas ang dalawang oras hindi pa lumalabas ang doctor sa OR kaya mas lalo akong kinakabahan.
"Oh sino 'yan?" Napatingin ako sa bagong dating, namilog ang mata ko nang makilala kung sino ito.
"Oh kung makareact ka parang kilala mo, sino 'yan?" Tanong pa ni Hana sa akin sabay akbay.
"Teacher sa school namin." Sagot ko at hindi inaalis ang mata ko sa kanya. Hindi niya ako tinapunan ng tingin pero alam ko na nakita niya ako. Hmm parang wala siyang ginawa kanina, parang hindi ako ni-trick kanina!
Sakto naman na lumabas na ang doctor sa OR kaya lahat kami nagsitayuan at lumapit sa kanya except kila Lorence at Hana na nasa likod lang namin.
"Sino ang magulang?" Tanong niya. Sasagot na sana ako na wala pa ang parents niya pero may nauna na sa akin.
"Wala pa po, doc. But I am his guardian, his parents called me at ang sabi na dinala siya dito." Tugon pa ni Sir Simon at tinignan ako nang sandali lang, tapos binaling niya agad ang tingin sa doctor.
"Well, sir maswerte na lang po na hindi malakas ang impact nang pagkabangga ng kotche sa kanya, he is stable now, walang fracture, pero na Bali ang left arm niya pero he will be okay." The doctor explained. Nakahinga naman ako nang maluwag when he said that. Thank you, God!
Iniwan na kami ng doctor hindi muna kami pinapasok at baka bukas pa. My parents decided to go home at balikan na lang siya bukas.
Nagpaalam pa sila kay sir, pero hindi ako nagpaalam katabi ko lang si Hana at si Lorence nakikipagkwentuhan lang ako sa kanila.
Niyaya na kami nila mama na umuwi, pero bago makaalis ay sinulyapan ko muna siya, nandoon lang siya nakaupo, makikita mo na puyat siya sa trabaho pero nandito padin siya babantayin si Junior
Ano ba 'tong beki na 'to nag-aalala pa nga ako ka Junior kahit alam ko na okay na siya, ngayon nag-aalala din ako sa kanya sa kalusugan niya.
The f? Bahala na nga siya, hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya no!
BINABASA MO ANG
My Beki Crush
HumorSiya si Sophie Alcantara, aksidenteng nagkagusto sa isang beki na Teacher na katabi lang kanilang room. Mapapansin kaya siya? O magpapansin siya? Inspired by True Events. Date Started: April 16, 2018 Date Finished: January 3, 2020 Photo from pintere...