[11] Rejected

600 20 2
                                    


SOPHIE

"Anong kabaliwan ang pumasok sa isip mo at nagawa mo 'yon?! Alam mo ba na ikakamatay mo ang ginawa mo? Huh?!" Sermon sa akin ni ate pagkarating namin sa bahay. Nakaupo ako sa sofa at nakayuko habang siya naman ay nakatayo sa harapan ko, parang tuloy siya si mama.

"Sasagot ka o makakarating ito kila mama?!" Patuloy niya.

"Isusumbong mo naman parin ako sa kanila kahit sagutin kita eh." Nakayuko kong tugon sa kanya.

"Malamang hindi ko 'to paglalampasin! Sabihin mo! May gusto ka ba sa lalaking 'yon? Kaya ginawa mo 'yon?! Ibubuhos mo yang buhay mo sa lalaking walang pakealam sa ginawa mo pagliligtas sa kanya?!"

"A-ah, ate..."

"Ano?!"

"B-bakla 'yon, magagalit 'yon 'pag tinawag mo siyang l-lalaki."

"Bakit naririnig niya ba tayo? Kahit baligtarin mo ang mundo lalaki parin siya! Na may...'yon yung talong!"

Napapout na lang ako at hindi siya tinugon, alam ko naman ang kamalian ko at nag-aalala lang si ate sa akin, ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ko at nagawa 'yon kung hindi lang huminto yung sasakyan malamang nasa Opearting Room na ako at baka nasa critical condition na! Kung nangyari 'yon, mag-aalala sila mama, papagalitan si ate dahil sa kapabayaan niya, gagastos nang malaki gumaling lang ako, mauubos ang pera, mababaon kami sa utang, tapos hindi nakayanan ng katawan ko, mamamatay ako, tapos iiyak sila mama, panibagong utang para sa paglilibing sa akin, tapos iiyak buong gabi sila dahil sa pagkamatay ko, malulungkot sila habang buhay!

OEMJI BAKIT HINDI KO NA ISIP 'TO! 'BUTI NA LANG MABAIT ANG DIYOS AT---

"Aray!" napahilamos naman ako sa batok ko nang bigla na lang ako binatukan ni ate, ang sakit nun huh! T.T

"Kanina pa ako salita nang salita dito pero mukha akong tanga dahil lumilipat yung isip mo sa kung saan!" Hiyaw niya at muli sana akong babatukan pero agad akong umilag, minsan child abuse din 'to ate ko eh.

"One is enough, ate!" Buwelta ko.

"Aba, wala sa bokubolaryo ko 'yan!"

"Kaya pala dalawa ang jowa mo ngayon!"

Napatigil naman siya sa sinabi ko at mukhang hindi inaasahan ang sinabi ko.

"Oh ano? Bullseye 'no?" Natatawa kong sabi. Tama ang narinig niyo, two timer 'to ate ko, kasalanan ko ba kung minsan stalker ako? Kasalanan ba 'yon?! Sagot! (Charot)

"P-paano mo nalaman?" Nauutal niyang tanong at kumalma nang kaunti.

"Expect everything from me." Pagmamayabang ko. "Diba bawal ka pa mag-boyfriend, ate? Paano kung nalaman 'to nila mama at papa? Nako! Dalawa pa naman 'yon!" Asar ko sa kanya. Diba? May panlaban ako sa kanya, hehe.

"S-sophie, 'wag kang magtatangkang magsumbong!" Pagbabanta niya naman. Ngumisi ako para pang-asar lang sa kanya.

"Kung hindi mo isusumbong yung nangyari kanina, hindi ako magsusumbong." Hamon ko.

"H-hindi ako magsusumbong, basta ba 'wag mo ako isumbong!" Naiiyak niyang sabi. Gusto ko matawa sa mukha niya ngayon kulang na lang lumuhod siya sa harapan ko.

"Deal, basta may usapan tayo uh? Walang magsusumbong, your secret is safe with me." Sabi ko sabay kindat sa kanya. Tumango siya, kaya tumayo na ako at umakyat papunta sa kwarto ko, I win! Oh yeah! (Sabay pasabog nang confetti)

***

Mangiyak-ngiyak ako habang nagmamakawa kay Julie. Nandito kami ngayon sa school nasa cr kaming pareho, tinawagan niya ako at pinapunta sa cr dahil may sasabihin daw siya sa akin. Pero ngayon, ugh! Huhuhu

My Beki CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon