[21]: Meeting Junior's Fiancé-Two

460 13 2
                                    


SOPHIE'S POV

Nasa isang fast food kaming tatlo ngayon, mag-isa akong nakaupo sa silya habang kaharap ko naman sila Shaira, at Junior na magkatabi ngayon. Pareho kaming tahimik at walang sino man ang gustong umimik, at kanina pa akong naghihintay na magsalita sila tungkol sa issue na'to, na sila pala dalawa ang ikakasal.

"Kaya ba parati kang nasa campus dahil kay Shaira?" Pagbasag ko sa katahimikan. Napaangat naman ang tingin ni Shaira na bumaling kay Junior.

"Pumupunta ka sa campus?" Gulat na tanong ni Shaira, "Anong ginagawa mo do'n?"

"Teka lang 'wag mong isipin na ikaw ang dahilan nang pagpunta ko do'n!" Pagd-deny naman ni Junior.

"Wala akong sinasabi," Pagtataray ni Shaira sa kanya, "Ba't sa dinadami na pwede kong pakasalan ikaw pa, isip bata!"

"Aba nagsalita,"

"TEKA LANG." Pasigaw na sabi ko, napatingin naman ang ibang tao sa pwesto namin, "Alam niyo imbes na mag-away kayo diyan sabihin niyo na lang sa akin kung paano nangyari 'to."

Natahimik naman silang dalawa, 'saka bumuntong hininga si Shaira.

"I didn't told you about it, malay ko ba na magkakilala kayo and hindi ko sinabi baka kasi ma-cancel pa." Paliwanag ni Shaira, "Pero mukhang hindi na eh."

Tumango-tango naman ako, jusko hindi parin ako maka-move on na siya pala ang fiancé ni Junior.

"Hindi ko sinabi sa'yo yung whole name at kung na saan talaga siya kasi mukhang wala ka namang pake." Maikling paliwanag ni Juinior.

"Haha, hindi parin ako makapaniwala, all I thought ang sosyal ng fiancé mo Junior si Shaira lang naman pala."

"So, sinasabi mong madungis ako?" ---Shaira

"Wala akong sinabi, ang akala ko lang sosyal ka---yung tip­­o ang arte nang mga suot mo gano'n."

Ngumiti naman siya nang peke 'saka pinalo nang mahina si Junior na nasa tabi niya.

"Mag-order ka na, kailangan natin kumain bago maghanap ng damit na isusuot ni Sophie sa kasal ni Sir." Aangal pa sana siya pero pinandilatan naman siya ng mata ni Shaira kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod, medyo natawa naman ako sa itsura niya ngayon dahil nagiging sunod-sunuran siya kay Shaira.

"Teka lang, bakit hindi ikaw ang piniling maging partner ni Junior sa kasal ni Sir?" Nagtataka kong tanong. Eh kasi naman siya yung fiancé eh.

"May commitment ako that day, eh kaya sabi ko sa kanya maghanap nang iba hindi ko naman na expect na ikaw pala si pipi."

"Na ikwento niya ako sa'yo? Atsaka paano yun hindi ka man lang a-attend sa kasal ano na lang sasabihin ni Sir sa'yo niyan."

"Oo, since we will be together in the near future we decided to share some stuffs about us, we need to get to know each other that is the most important thing in a relationship," Unang paliwanag niya, "And about their wedding, they already understand my reason it's an important day."

Tumango naman ako. "You're in a relationship?"

"Ah he's my fiancé and it consider as a relationship."

"Teka lang panay yata pag English mo ngayon anong nakain mo?"

"Ah sorry nadala lang," Tumawa naman siya, "Na sanay na kasi ako sa mama ni Junior inglesera kasi."

"Talagang kina-career mo na talaga huh."

"Do I have any choice? Wala diba." Kibit balikat na sabi niya.

"Teka lang, alam ba ni Sir na ikaw ang ikakasal kay Junior?"

"Oo haha natawa nga ako sa reaksyon niya nung nagkaroon ng engagement party, alam mo 'yon mukha niya na hindi makapaniwala, player niya na ikakasal sa pamangkin niya."

Natawa naman ako sa sinabi niya, oo nga noh kaya siguro ang higpit niya minsan kay Shaira sa training siguro ayaw sa kanya o 'di niya tanggap na player niya ang ikakasal sa pamangkin niya.

"Teka kailan ba kasal niyo ngayong taon din? Eh sukob 'yan diba sa susunod na buwan ang kasal ni Sir." Medyo nasasaktan ako nang kaunti sa sinasabi ko about sa kasal ni Sir.

"Na resume yung kasal namin, sa susunod na taon na."

"Alam ba ni Julie na ikaw ang fiancé ni Junior?"

Umiling naman siya, "No, hindi kasi siya naka-attend ng party that's why."

Tumango na lang, sakto naman na dumating na si Junior habang dala dala ang pagkain namin, nakita ko naman na kuminang ang mga mata ni Shaira nang makita ito at halatang excited nang kumain.

Kinuha ko naman ang pagkain na inorder ni Junior para sa amin. Akmang kukunin na sana ni Shaira yung kanya pero pinalo ni Junior ang kamay niya.

"Bilin sa akin ni uncle na konti lang ang kainin mo, kasi may laro pa kayo." Tinaasan naman siya nang kilay ni Shaira.

"Hindi niya naman malalaman na kumain ako nang madami kung tatahimik ka lang, diba?" May halong pagbabanta na wika ni Shaira at kinuha ang pagkain, wala nang nagawa si Junior kundi ang hayaan siya.

Mukhang wala 'tong laban kay Shaira huh hmm.

My Beki CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon