[19]: Invitation

428 17 2
                                    

           

SOPHIE'S POV

Isang medyo nakakahiyang pangyayari ang ginawa ko kahapon, oo alam ko na nagtataka ngayon si Junior sa nangyari kahapon lalo't na biglaan ang nangyari at baka isipin niya talaga na crush ko siya *face palm*

Parang ayaw ko tuloy pumasok ngayon. Pero hindi pwede may quiz kami eh, may activity at performance task hindi pwede mag-absent hindi ko afford ang bumagsak ngayon first grading noh.

"Good morning, Sophie." Bati naman ni Shaira sa akin, akala ko ba hindi papasok 'to dahil may training?

"Oh ba't ka nandito wala ka bang training huh."

"Ay grabe 'to sabihin mo lang kung ayaw mo'ko makasama aalis ako ngayon mismo sa harapan mo." Binatukan ko naman siya.

"Ang OA nagtatanong lang." Sabat ko. Binatukan niya din ako.

"Kailangan batukan?"

"Kailangan bumawi?"

Nagtinginan naman kaming dalawa saka sabay napatawa.

*bell's ring*

Kasabay nang pagtunog ng bell ay ang pagdating ng first subject teacher namin kaya agad na kaming nagsitayuan para batiin siya nang magandang umaga.

"Class wala ako sa susunod na linggo." Pagsisimula niya pa. Tahimik lang mga kaklase ko pero halata sa mga mukha nila ang saya nang margining ang balitang yun mula sa kanya.

"Bakit po, ma'am magbabakasyon ka po ba?" Tanong ng kaklase ko at kunyareng malungkot kahit hindi naman talaga, jusko ang galing talaga ng classmates ko noh ang galling makipag-plastikan.

"No, hindi ko pala na sabi sa inyo na isa pala akong wedding organizer and I have wedding to organize kasi next next month na din yun."

"Aaaaahh." Mga kaklase ko na tila hindi interesado sa sinabi niya.

She cut the conversation and turn the topic into our lesson and she start to say anything in front making my classmates bored, English subject is sometimes boring for them active lang kapag may activity na ibibigay si ma'am lalo na kapag groupings 'yan, nako wasak ang room.

...........

Natapos ang morning classes at lunch time na. Kasabay ko ngayon si Julie, maliban kay Shaira na nag-attend na ng training sa volleyball at ang dalawang bakla na absent at wala akong ideya kung anong dahilan ng dalawang 'yon.

"Seryoso talagang ginawa mo 'yon." Si Julie nang maikwento ko sa kanya ang ginawa ko kahapon.

"Oo eh kasi naman napalakas yung boses ko eh kailangan kong gumawa ng palusot eh sakto dumating si Junior,"

"Sa tingin mo ano ang iisipin ni 'insan sa ginawa mo, alam mo naman marupok ang utak niya baka pagsabihan niya si Junior na 'wag kang lapitan oh,"

"Eh mas mabuti kasi nga wala akong maisip na sasabihin sa kanya."

"Akala ko ba alam ni Junior na crush mo si 'insan?"

"Oo alam niya yata,"

"Yata? Wala pang kasiguraduhan 'yan baka biglang bumaliktad yun at sinabi na crush mo si 'insan."

"Ok lang madali lang naman siyang patumbahin." Biro ko pa na tinawanan niya lang at pinalo ako nang mahina sa kamay.

"May invitation na ba si Junior na ginawa at binigay sa'yo?"

"Invatation saan?" Kumunot naman noo ko.

"Diba ikakasal siya next month na yun sa pagkakaalam ko."

"Ano next month? Wala naman siya nabanggit sa akin huh"

"Aba ewan ko baka na delay lang din." Hindi na lang ako tumugon, baka nga na delay lang basta 'wag niya lang akong kalimutan na bigyan ng invitation nako sayang foods eh.

Nang matapos kami magkwentuhan ni Julie ay umalis na kami ng cafeteria, habang naglalakad pabalik ng room ay tumigil muna kami nang sandali sa gilid ng covert court kung saan ginagawa ang training nila Shaira sa volleyball.

"Ang laki nang pinagbago sa katawan ni Shaira noh," Wika ni Julie habang tinitignan si Shaira naglalaro.

"Oo nga eh malamang may abs na 'yan."

"Jusko nagseselos ako." Tumawa naman ako sa sinabi ni Julie.

"Julie ayos na yang katawan mo sexy ka naman huh."

"Alam ko sa sarili ko na payat ako kaya 'wag kang nang-aasar diyan huh."

Tumahimik kaming dalawa at nanood na lang ng laro nila. Habang tahimik kaming nanonood ay bigla may umakbay sa akin.

"Kamusta!"

Nanlaki naman mata ko nang marinig ko ang boses ni Junior na siyang umaakbay sa akin.

"Junior nandito ka pala," ---Julie

"Hello, tita." Bati ni Junior sa kanya at akmang mag-mamano pero agad na nilayo ni Julie ang kamay niya at tinago ito sa likuran niya.

"Huwag mo nga akong ma-tita tita diyan masyado akong maganda para tawaging tita at mas mukha ka pang matanda sa akin para mag-mano." Pagtataray ni Julie sa kanya

"Ok." Nakangiting tugon ni Junior sa kanya. Bumaling naman tingin niya sa akin. "Hoy ikaw kung ano mang yung trip mo kahapon nako please lang 'wag mo'ko idamay baka ano na naman isipin ni tito sa akin eh."

"Bakit may sinabi ba siya sa'yo?" Sabat ni Julie.

"Wala pero yung tingin niya pa lang nagsasalita na." Agad na sagot niya. "At saka nandito ako para imbitahan ka, Sophie."

Ah baka eto na yung sa kasal niya, kanina lang naming 'to pinaguusapan huh narining niya yata? Lol

"Ito oh, kailangan kasi ng partner ikaw agad pumasok sa isip ko kasi si tita Julie partner kuya niya."

May inabot naman siya na invitation na agad kong inabot at binuksan kaagad. Nanlaki naman mga mata ko sa nabasa ko sa imbitasyon.

"Ay hindi ko pala nabanggit 'yan sa'yo hehe." Bulong pa ni Julie nang mabasa din ang nasa letter.

You are invited on the most awaited wedding of this year!

Patty Lim & Simon Corpuz

Nakaramdam naman ako nang lungkot sa nabasa ko talagang tuloy-tuloy na 'to huh hays wala na talaga ako magagawa 'yan gusto ni tadhana eh.

"Oh ano G? 'Wag ka nang maging malungkot ok."

Napabuntong hininga naman ako at tinanggal ang pagkaka-akbay ni Junior sa akin at humarap sa kanya.

"Oo naman G na G tulungan mo'ko mamili ng damit na susuotin huh," Nag-thumbs up naman siya.

Ayos lang kaya ko 'to bakit ba...

---------------

Song for this story is 'Boy' by Anne-Marie. Check it out on YouTube. Link below 👇🏽

https://youtu.be/xZdXI9ipZL8

My Beki CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon