[23]: I Like You

489 18 4
                                    

SOPHIE'S POV

Ilang araw na ang nakalipas nang magsama-sama kaming tatlo nila Junior at Shaira. Naging normal naman ang mga araw ko, nakakausap ko mga kaibigan ko tulad nila Julie 'buti na lang hindi niya binanggit yung kasal ni Sir Simon alam naman niya n masasaktan lang ako.

Wow feeling ex-jowa yung ate mo.

Si Shaira naman panay parin ang training, hindi na nga kami masyadong nag-uusap nun minsan na lang kung pupunta siya sa room ni Sir Simon para kunin mga gamit para sa training nila. May na i-share nga siya sa akin pero hindi tungkol kay Sir huh, mabuti na din. Ang sabi niya sumasakit daw dibdib niya, inasar ko pa nga siya na hindi siya makakapaglaro niyan.

"Ulol, kakatapos lang nang medical namin, boi pasadong pasado ako sa medical boo!" Pagmamayabang niya pa nang pagsabi niyan huh. Pero hindi ko na siya pinansin kasi alam ko pinagtritripan niya lang ako.

Huli ko na din nakita si Junior noong nasa mall kami, according to her fiancé, may inaasikasong family business. Hindi ko pa pala siya natatanong kung nag-aaral pa ba siya, kasi parang hindi eh sabagay mayaman naman din sila at isa siya sa taga pagmana ng ari-arian ng pamilya niya no probs na. SANA ALL.

Actually sabado ngayon, so mostly nasa bahay lang ako nakatambay pero itong ate kong pinabili ako sa watson para sa personal na pangangailangan, ang galing diba imbes siya yung bumibili niyan para sa sarili niya ako pa yung pinabili, kung hindi ko lang yan kapatid eh nako mahimbing sana ako natutulog ngayon.

Kakatapos ko lang bilhin yung mga pinabili niya sa akin. Since may sobra ay pumunta muna ako nang Jollibee para kumain, aba nakakapagod kayang bumili ng mga gamit na hindi naman para sa'yo, total pwede na 'to pang bayad niya sa akin mwehehe.

Kumain ako nang mag-isa, wala po nangyari yung katulad sa mga libro kapag kumakain ka nang mag-isa tapos may poging lumapit sa'yo para makipag-share ng table at nagpakilala tapos nagkainlaban sa huli, sad walang lumapit na pogi!

Lumabas na ako ng Jollibee, dahil na tinamad akong gamitin ang escalator, at medyo gusto ko magpa-arte ngayon gumamit ako nang elevator pababa papuntang first floor. Habang naglalakad papuntang elevator ay nahagip yung mga mata ko ang kapatid ni Shaira na kakalabas lang ng elevator. Paano ko siya nakilala? Sa facebook! Naging crush ko din kasi yang kuya niya eh, hindi siya beki FYI straight boylet, ano tingin niyo sa akin puro beki crush ko, no no.

Nilagpasan niya lang ako, syempre what do you expect? Kakausapin ako nun? Eh hindi nga ako nun kilala, at never pa akong nakapunta sa bahay nila Shaira, kaya never ko inexpect na mayaman pala sila, eh paano naman napakahumble being ni Shaira nagj-jeep lang yan kapag uuwi or tricycle tapos yung cellphone keypad lang.

Alam mo kung sino pa mayayaman sila pa yung humble, hindi nila pinapakita sa buong mundo na mayaman sila, tapos kung sino pa yung matapobre sila pa yung feeling mayaman may iPhone pang nalalaman peke naman! Diba? Diba? Gigil ate niyo eh hehe.

Sakto naman na walang tao sa loob nang elevator kaya komportable ako, hindi siksikan at walang amoy kili-kili hahaha!

Magsasara na sana yung pintuan ng elevator nang may mabilis na humawak doon para pigilan ito sa pagsara at nagmadaling pumasok.

Nanlaki naman ang mata ko nang makilala kung sino ito.

"H-hello, S-Sir." Pagbati ko sa kanya nakuha ko naman ang atensyon niya, nakakunot naman ang noo niya nang lumingon ito sa akin. Nang makita niya ako ay tumaas ang kilay niya, syempre naman nakilala niya ako 'no.

"Hello." Bati niya pabalik sa akin,. Nagulat naman ako, talaga bang binatian niya dina ako pabalik? What? Is this true? Oh my gosh!!!! Kalma lang Sophie, kalma act normal okay, okay.

"K-kamusta, sir?" Tanong na medyo nauutal parin. Hindi naman siya umimik, parang nag-iisip magsasalita pa sana ako para humingi nang tawad kasi parang ang FC ko pero bigla siya sumagot pero hindi relate yung sagot niya sa tanong ko.

"I like you." Biglang sabi niya na nagpahinto sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam!!! Totoo ba yung narinig ko? O guni guni ko lang? Grabe yung hearbeat ko ang bilis! Malamig pero pinagpapawisan ako nang sobra, totoo ba 'to?

"Huwag kang mag-isip nang kung ano-ano diyan, 'wag kang umasa na literal na may gusto ako sa'yo." Pagtataray niya pa nang makita niya reaksyon ko.

Hindi ako nagsalita.

"I know na may crush ka sa akin, dahil nabanggit ni Julie sa akin," Nanlaki naman yung mga mata ko sa narinig ko, walang hiya talaga 'tong si Julie!

"Alam mo sa tuwing pinagpapawisan ang mga kamay ko, ay gusto ko yung isang tao at nagkaganon yung kamay ko sa'yo—means gusto kita pero hindi literal na gusto kita, gusto kita bilang isang tao dahil naramdaman ko na mabuti ka,"

Ouch, medyo nasaktan ako doon huh, oo alam ko sir tama na FRIENDZONE na ako, 'wag niyo na ituloy huhu.

"I appreciate na crush mo ako, pero alam ko naman na alam mo na ikakasal na ako, kahit masakit sa kalooban ko dahil babae ang ikakasal ko gagawin ko para sa mga magulang ko."

"Sir okay na sir ang sakit na po—charot lang sir, bakit niyo po ito shinishare? Hindi ko naman inaasahan na i-friendzone niyo ako nang maaga dapat nagready ako." Pabiro kong sabi. Pero hindi talaga yun biro no ang sakit na kaya huhu.

"Dahil nasa mood ako ngayon, at kailangan kong maging mabait sa'yo ngayon gusto kitang imbitahin sa laro bukas para may cheerer ang team, okay." Sabi pa niya. Sakto naman bumukas na ang elevator at umalis na siya.

"Gagawin mo naman pala ako cheerer sir ang dami mo pang sinabi!" Pahabol ko pa pero hindi niya na ako nilingon.

Nakakagulat yung mga sinabi niya na parang nakakagaan nang loob, pero medyo ouchy din huh pero feeling friends na kami hihi.

My Beki CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon