[22]: Long Sleeved Fishtail Maxi Dress

465 16 1
                                    

SOPHIE'S POV

Pagkatapos naming kumain ay nagpatuloy na kami sa aming pupuntahan; ang maghanap nang damit na maisusuot ko sa kasal ni Sir Simon.

Ewan ko ba kung matutuwa ako sa ginagawa namin ngayon o hindi. First of all naghahanap lang naman kami ng damit para sa kasal ni Sir simon, whom I like, hays I think I'm experiencing heartache right now.

Nauna kaming pumasok sa shop ng 'Dress what you want'. Si Shaira ang unang namili nang dress si Junior naman ay patingin-tingin lang sa mga damit na nakadisplay, samantalang ako ay nasa likod lang ni Shaira hinihintay siyang may mapili na para sa akin.

"Oh bakit ka nasa likod ko?" Tumalikod naman si Shaira sa akin. "Hindi ka ba pipili? Hoy kailangan mo din pumili hindi ako masyadong magaling sa mga ganito alam mo 'yan."

"Ah oo...w-wala akong gana eh." Naningkit naman ang mga mata niya.

"May sakit ka ba? Mukhang wala naman huh?"

"Ayos lang ako, ano lang kasi..."

"Kung iniisip mo yung kasal ni Sir," Huminga siya nang malalim. "Huwag mo nang isipin 'yon dahil wala na tayong magagawa diyan, especially you."

"Alam ko, nalulungkot lang ako wala naman talaga ako magagawa kung ito talaga yung mangyayari atsaka I just admire him." Paliwanag ko.

"But you're feeling lonely now." Tinalikuran niya ako at nagpatuloy ulit sa paghahanap. "I understand, ganyan din naman yung na feel ko nung nalaman ko ikakasal ako sa taong hindi ko kilala at gusto."

"I think that's terrible, pero maswerte ka dahil si Junior 'yan." Tumabi ako sa kanya at naghanap din. "Napakabait at responsable ni Junior, maalaga hindi mahirap mahalin."

"Paano mo nasabi hindi mahirap mahalin? Minahal mo na ba siya?" Tugon niya habang patuloy parin naghahanap.

"Mahal ko 'yan, matagal ko na 'yan mahal oo naging crush ko siya pero nung bata pa kami nun, kahit nawala 'yan nang matagal mahal ko parin 'yan bilang kaibigan."

"Hindi siya nagsalita.

"At kung mahulog ka sa kanya, 'wag kang mag-alala dahil alam ko sasaluhin ka niyan."

Humarap naman siya sa akin na nakapamewang.

"Alam mo puro tayo satsat, maghanap na tayo para mabilis tayo matapos ayos ba 'yon?" Pag-iiba niya nang usapan.

"Kung 'yan ang gusto mo." Kibit balikat kong sabi.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagulat ako nang tinawag niya ang pangalan ko.

"This will fit you very well!" Pinakita niya sa akin ang dress na long sleeved. "Ang tawag sa dress na 'to ay Long Sleeved Fishtail Maxi Dress!"

 "Ang tawag sa dress na 'to ay Long Sleeved Fishtail Maxi Dress!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Beki CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon