Third Person's Pov
Natapos na ang klase sa araw na ito at hindi man lang lumabas si Sophie sa classroom nila lalo't nalaman niya nasa loob ng campus si Junior.
Nagtataka man si Shaira pero hinayaan niya na lang ito dahil ganito naman minsan si Sophie noong nasa grade 8 pa sila.
Uwian na at kasama niyang umuwi ang dalawang barkada niya na si Rendall at si Sid, tahimik lang si Sophie naglalakad habang pasimpleng iniikot ang paningin sa paligid baka sakali makita niya si Junior, samantalang ang dalawa nitong kasama ay panay ang chikahan sa kanya kahit hindi niya ito tinutugon.
Nang malapit na sila sa gate ay biglang nagtilian sila Sid at Rendall dahil sa 'di malaman na dahilan ni Sophie ay isa-isa niya itong binatukan.
"Aray!" reklamo ng dalawa matapos batukan ni Sophie.
"Kung makatili kayo akala mo walang ibang tao sa paligid!"
"Sorry lang naman! May nakita kasi kaming gwapo! Iiih!" kinikilig na tugon ni Rendall.
Biglang tinamaan ng matinding kaba ang dalaga matapos sabihin 'yon ni Rendall. Agad niyang nilibot ang paningin sa paligid at hindi nga siya nagkamali nang mamataan niya si Junior sa 'di kalayuan tila may hinahanap.
Biglang tumingin si Junior sa direksyon ni Sophie at ngumiti ng malawak sabay kaway sa kanya.
"OMG, kumakaway siya dhay!"
"Sa akin, dhay!"
"Ambisyosa!"
Pagtatalo naman nila Rendall at Sid.
Lumakad si Junior patungo sa direksyon ng tatlo kaya agad na nataranta si Sophie. Ayaw niya pang makausap ito gusto niyang ipakita na galit ito sa kanya at hindi simpleng ngiti lang niya ay babalik ang lahat.
"Omg, bakla papunta siya dito!"
"Teka haggard ako!"
"Kaloka! Nagmumukha ka na ngang white lady sa puti ng mukha mo!"
"Ikaw nga mukha panda na dahil sa over eye liner mo! Idagdag mo pa ang puti ng mukha mo!"
Palapit nang palapit si Junior at palakas nang palakas naman ang kaba na nararamdaman ni Sophie.
"Aray naman!"
"Ouch!"
Reklamo ng dalawang bakla nang bigla na lang silang tinulak ni Sophie sa harap ni Junior nang tuluyang na itong nakalapit sa kanila.
"Woah," gulat na sambit ni Junior. Ngayon ang dalawang bakla naman ay nakadikit na sa dibdib ni Junior, na mukhang ayaw ng lumayo sa lalaki.
"Hi pogi,"
"Ang bago naman,"
Sambit nila Sid habang nakakapit kay Junior.
"Bye and enjoy!" pamamaalam naman ni Sophie at mabilis tumakbo palayo sa kanila. Hindi siya pinansin nila Sid at dahil busy sila sa paglalandi, samantalang si Junior ay gustong habulin si Sophie kaso hindi niya magawa dahil nakaharang ang dalawa sa kanya, wala na siya nagawa kundi ang bumuntong hininga at ngumiwi.
***
Tumatakbo habang lumilingon si Sophie at hindi man lang napansin ang tao na nasa harapan niya na mababangga niya na.
"Ay bakla!" sigaw ni Sophie nang mabangga ang tao na nasa harapan niya. Tumingala pa ito para tignan kung sino ang tao na nasa harapan niya.
"Bakla nga." bulong niya nang makilala kung sino ang nabangga niya.
"Hi sir, sorry hehe." nahihiyang paumanhin niya nang makita si Simon sa harapan niya.
"Kung maglalandi 'wag idamay ang iba!" galit na sabi nito na ikinagulat ni Sophie.
'Ang complicated ng ugali ng lalaking 'to, pa iba-iba!' sa isip niya pa. Napapatingin naman ang ibang estudyante sa kanila kaya napayuko na lamang si Sophie sa hiya.
"Pipi!" umaangat ang ulo niya at namilog ang mata nang makita ang papalapit na si Junior.
"Sorry talaga sir, pero bye na muna!" nagmamadaling sambit niya at kumaripas nang takbo.
Kumunot naman ang noo ni Simon sa naging galaw ni Sophie, sakto dumaan sa kanyang harapan si Junior na hinahabol si Sophie kaya agad niya hinigit ang braso nito.
"Bakit mo ba hinahabol yun?" nagtatakang tanong sa kanya ni Simon.
"Secret," biro pa nito. Tinaas ni Simon ang kaliwang kilay niya, at agad na kinurot ang tagiliran nito.
"Alis na tayo, tsk." nauna na siyang maglakad at wala nagawa si Junior kundi ang sumunod sa kanya.
***
"Pawis ka yata?" nagtatakang tanong ni Dana sa kapatid.
"Hindi, umulan kaya pawis ako." pamimilosopo ni Sophie sa kanya na ikinaikot ng mata ni Dana.
"Nag-text si Junior sa akin kagabi na pupunta siya sa school niyo." natigil siya sa pag-akyat ng hagdan nang magsalita ang kanyang ate.
"May communication kayong dalawa?!"
"Oo," diretsong sagot ni Dana kaya mas lalong siyang nagalit kay Junior.
"Hindi ako dadalo sa kasal niya! Mark my words!" nagpatuloy siya sa pag-akyat pero muli siya natigil.
"Hindi sa nagseselos ako, like duh! Hindi niya man lang sinubukang makipag-communicate sa akin tapos sa inyo...Hay hindi na kami magbestfriend! Immature na kung immature!" galit na sigaw niya at malakas na isinara ang pinto ng kwarto niya.
Bumuntong hininga naman si Dana at kinuha ang phone sa bulsa niya saka nagtype.
"Hindi daw siya dadalo, Junior." text niya.
"Ikaw nang bahala, good luck." muli siyang nagtext. Matapos ipadala ang mensahe ay muli niyang binalik ang phone sa bulsa.
"May meryenda sa kusina!" pasigaw na sabi niya na ang kausap na si Sophie. Hinintay niya ang tugon nito pero wala siyang natanggap.
"Akin na lang!" muli niyang sabi. Narinig niya naman ang pagbukas ng pinto nito at ang mabibilis na yapak nito pababa ng hagdan.
Mabilis na kinuha ni Sophie ang meryenda, at inirapan ang kapatid na si Dana saka bumalik sa kwarto nito.
"PANGIT!" sigaw ni Sophie sa kanya.
"Mas pangit ka!" sigaw pabalik ni Dana. Ngumiti ng palihim si Dana at umupo na lamang sa sofa nila at nanood ng tv.
*ting
Kinuha ni Dana ang phone niya ng tumunog ito, tinignan niya ang mensahe ni Junior sa kanya.
"Iniiwasan niya ako, tinakbuhan ako kanina." Reply sa kanya ni Junior.
"Bahala ka diyan, may gagawin pa ako," reply ni Dana.
"Kidnap-in ko na lang kaya siya?"
"Kung sapakin kita? Ay mali, kung sapakin ka niya?"
"Bahala ka na nga."
"Hehe."
Hindi niya na nireplyan si Junior. Napailing na lamang siya habang iniisip ang pag-iwas sa kanya ng kapatid nito.
BINABASA MO ANG
My Beki Crush
HumorSiya si Sophie Alcantara, aksidenteng nagkagusto sa isang beki na Teacher na katabi lang kanilang room. Mapapansin kaya siya? O magpapansin siya? Inspired by True Events. Date Started: April 16, 2018 Date Finished: January 3, 2020 Photo from pintere...