SOPHIE
"You know class your generation are different from our generation---pag-uutusan kami susunod agad kami, eh kayo uutusan lang kayo bumili ng bigas diyan sa tindahan malapit sa inyo galit na galit na kayo, 'buti nga may pera kayo pang bili hindi tulad sa amin dati kailangan pa naming umigip para may pang bili kami ng bigas," wika ng guro namin na nasa harapan ng pisara. Filipino time namin, at wala akong ideya kung paano napunta sa history si ma'am, 'di kasi ako nakikinig hehe.
May salamin siyang suot at sobrang kapal nito, may lunal siya sa pisngi, mapupulang labi gawa na rin ng lipstick, matangos ang ilong at manipis ang kilay niya na pataas, mapapagkamalan na istrikta pero kung magsasalita na ay parang isang religion teacher na tinuturuan ang mga batang mag dasal.
Nagpatuloy lang si ma'am Amor sa pagsasalita habang ang iba kong kaklase ay nakikinig at ang iba naman ay walang pakealam.
"Nag madre na lang sana siya, o padre." mahinang wika ng katabi ko.
I take a quick glance at her, "Madre lang kamo." pagtatama ko, eh? Pwede bang maging padre ang babae? Oh ano sagot!
"Pwede din namang padre eh 'no." bahagyang tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Aber pa'no mo nasabi? At pa'no magiging padre ang babae?" umupo naman siya nang maayos bago sagutin ang tanong ko.
"Para kasing nagho-homily siya ngayon, at pwedeng palitan ang batas para pwede ng maging padre ang babae." mahabang tugon niya at tinaas-baba pa ang kilay niya.
"Baliw," sabi ko na lang. Ibang klase talaga 'tong mag-isip, kaloka.
"Soap, kung baliw ako sana nasa ward 9 ako ngayon." sabi niya sabay ngisi. Soap? As in sabon? Luka-loka talaga 'to! Ginawa akong sabon!
"Anong soap ka diyan?" bulong ko. Imbes na bawiin ang sinabi niya ang mahina niya akong tinawanan.
"The two of you," nagulantang kaming pareho ni Shaira nang makuha namin ang atensyon ni ma'am.
"May you share what are you talking?" mahinahon niyang tanong. Mukhang hindi naman siya galit pero grabe 'yung kaba na nararamdaman ko ngayon.
Lahat ng classmates namin ay nakatingin sa amin, jusko ang attention seeker talaga ni ma'am! Charot.
"It's nothing ma'am." agad na sagot ni Shaira.
"Magsalita kayo ng tagalog, filipino time ngayon." wow, kanina lang ma'am 'kaw 'tong panay ang english alam mo naman pala na filipino time ngayon ginigigil mo'ko ma'am!
"Hiyang-hiya naman ako sa english mo kanina ma'am." mabilis na bulong ng katabi ko. Gusto ko sana matawa pero 'wag na lang muna.
"Ano 'yon?"
"Paumanhin po, hindi na po mauulit." nakangiting sambit ni Shaira. Tinuro naman ni ma'am ang pintuan ng classroom, oh no.
"Ayokong maulit 'to, pakiusap umalis muna kayo at bumalik 'pag tapos na ang aking klase." kung kanina ay mahinahon siya ngayon ay mukhang naiinis na siya.
Wala na kaming nagawa ni Shaira kundi ang sundin ang utos niya. Lumabas kami ng room at sa gilid ng pinto lang kami tumambay.
"Ayoko na sa'yo, ma'am." mahinang sabi ni Shaira habang nakasilip sa bintana ng room namin.
"Hoy umalis ka nga diyan makita ka pa nun," Humarap naman siya sa akin na may inis sa mukha niya.
"'Wag daw magenglish, siya naman 'yung nauna, ang labo niya kasin labo ng mata niya." pinatahimik ko naman siya, ang lakas ng boses eh baka marinig hindi kami papasukin hanggang bukas.
Magsasalit sana ako nang makitang lumabas si Sir Simon sa room. Napatingin siya sa pwesto namin, naglakad siya papalapit sa lugar namin at kumatok sa pintuan namin, binuksan niya ito kahit hindi pa nagsabi si ma'am na pumasok.
"Hello ma'am, bakit nasa labas ang dalawang ito? Estudyante niyo po ba ito?" pabebe niyang tanong. Napaikot naman ang mata ko, tsk.
"Pinalabas ko sir dahil nagt-tsismis sa oras ng klase ko po." mahinahon na tugon ng guro namin.
Sumilip naman sa amin si sir at inirapan kami. Ang bakla talaga ugh!
"Mabuti 'yon ma'am para magtanda! Sa susunod i-drop niyo na sa klase niyo 'pag nag ingay ulit, kaloka."
Tignan mo oh, binibigyan pa ng advice si ma'am! Nako sir umayos ka kung hindi ka lang talaga gwapo, ugh!
"Oh sige, ma'am," nagpaalam niya at sinara muli ang pinto. Tumingin naman siya kay Shaira.
"Ikaw, kung maingay ka sa klase dapat marunong ka mag-ingay sa loob ng court." parang isang 6-year-old si Shaira na pinapagalitan ng daddy niya ngayon, at ako yung mommy, charot!
"O-opo sir." nakayuko na tugon ni Shaira. Bigla naman humarap sa akin si sir kaya agad ako napalunok.
"At ikaw!" oemji ako nanaman. Napatigil naman siya tila nagiisip ng masasabi. "Nevermind." maarte niya sambit at inirapan ako bago bumalik sa loob ng classroom nila.
"Hoy, wala na siya!" bumalik ang tingin ko kay Shaira, "Ikaw, aminin mo nga, may crush ka na sa kanya 'no?!"
"H-huh? W-wala pa."
"Pa? Nako, hindi ko alam kung ano ang magugustuhan mo sa kanya!"
Ano ba kasi ang sinabi ko?! Bakit may 'pa?' ang tanga! *face palm*
*TING
Mabilis kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng palda ko, hindi pala 'to naka-silent? Aysh ang tanga mo Sophie, great.
Nang makita ko kung ano ang dahilan nang pagtunog ng phone ko ay hindi ko napigilan ang pagtili ko agad na tinakpan ni Shaira ang bibig ko gamit ang palad niya.
"Ano ba?! Pwede mamaya ka nang tumili 'pag tapos na ang class hours?!"
"Eh ano kasiii iihh!" kinikilig kong sambit.
"Ano?" naiirita niyang tanong. Bakit ba kasi?! Hindi ko mapigilan eh ewan ko kung bakit kyaah!
"Fwends na kami ni sir sa fb." pabebe kong tugon. Oo guys, tama ang narinig niyo! Ni-accept niya ang friend request ko bago lang! Kanina ang sungit niya sa akin, pero ngayon kyaah!
"Hay nako," nababagot na sambit ng kasama ko, tsk kj.
"Oh tapos?" patuloy niya naman. Ngumisi naman ako, eh ano pa ba ang sunod kong gagawin?
"Be an attention seeker!" nae-excite kong sambit.
"Ewan ko sa'yo bahala ka na sa buhay mo."
Hindi ko na lang siya pinansin. To get his attention I need to chat him para matuloy plano ko.
This will be exciting what do you think? Eh? HEHE
BINABASA MO ANG
My Beki Crush
HumorSiya si Sophie Alcantara, aksidenteng nagkagusto sa isang beki na Teacher na katabi lang kanilang room. Mapapansin kaya siya? O magpapansin siya? Inspired by True Events. Date Started: April 16, 2018 Date Finished: January 3, 2020 Photo from pintere...