[12]: Trick

540 21 2
                                    

SOPHIE

"BAKIT ka absent kahapon?" Tanong ko kay Shaira. Magkatabi kami ngayon, kitang-kita ang pamu-mutla nang mukha niya kaya mukhang may sakit siya.

"May lagnat ako." Matamlay niyang sagot at pinatong ang ulo niya sa arm chair niya.

"Diba hindi ka naman sakitin?" Tanong ko ulit. Tinagilid niya ang ulo niya para makita ako.

"Fever is not choosy, anyway." Sagot niya. Nag-ring na ang bell para sa first subject namin sa umaga. Umupo nang maayos si Shaira nang pumasok ang guro namin pero nakayuko siya tila inaantok.

"Bakit ka pa pumasok?" Bulong ko sa kanya pero nag-ok sign lang siya hindi man lang ako tinapon ng tingin.

"Shaira Ramirez." Tawag ng guro kay Shaira nang makarating siya sa harapan. Inangat naman ni Shaira ang tingin niya para makita ang teacher namin.

"Ma'am~" inangat niya ang kanang kamay niya senyales na nandito siya.

"You're absent yesterday right? Where is your excuse letter?" Ma-otoridad na sabi niya.

"Uso pala ang excuse letter sa atin? Akala ko sa ibang school lang 'yon." Bulong niya. Mukhang hindi nga 'yon bulong eh dahil rinig na rinig ko eh.

"Yes?"

"Ah what do you want ma'am? Hard copy? Or hand writing?" Tignan mo parang walang sakit lakas paring lumusot.

"Anything will do." Tugon niya. Binuksan naman ni Shaira ang bag niya at kinuha ang nakayuping papel.

"'Buti na lang girls scout si mama, laging handa." Natatawa niyang sabi. Kung titignan mo siya parang wala talaga siyang sakit pero makikita mo parin yung matamlay niyang mga mata at maputlang labi. Tumayo siya at binigay ang excuse letter kay teacher.

Nasa canteen kaming apat, ako, si Julie, Sid, at Randall. Nakaupo kami habang kinakain ang mga snacks namin, tahimik lang kaming apat habang pinagmamasdan ang mga estudyante sa paligid. Kakatahimik lang din nang dalawang bakla at kakatapos lang mag chika nang kung ano-ano.

Napatingin naman ako sa entrance ng canteen sakto naman na pumasok si Sir Simon nang mag isa, napatawa naman ako nang mag-isa nang maalala ang conversation namin kagabi.

"Baliw." Wika ni Sid na nasa harapan naming dalawa ni Julie, magkatabi silang dalawa ni Randall.

"Sinong baliw?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw." Diretso niyang sagot. "Para kang timang na tumatawa nang mag-isa alam mo ba 'yon?"

"Hindi eh." Natatawa kong tugon sa kanya. Inikutan niya lang ang mata niya at hindi na lang ako pinansin.

"Nakita kasi ang pinsan ko, kaya ayan kinilig yung buchi niya." Sabat ni Julie.

"Crush mo yun?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Randall.

"Oh my...ang hilig mo talaga sa bakla ano?---Naalala ko na lang yung may crush ka din sa akin dati!" Nadidiri niyang patuloy.

Tinawanan ko na lang siya at tumahimik na lang.

Last night conversation.

Me: Hi Sir! (Seen)

Me: Kamusta sir? (Seen)

Me: Seen? Hehe

Simon: I'm tired!

"Ayun nagreply din hehe"

Me: Then take a rest sir.

Simon: You Kept on chatting me so how can I sleep?!"

"Woow, haba nang sinabi niya huh? Nakakaproud! Hihi"

Me: Then mag offline ka sir.

Simon: Bakit wala si Shaira?

"Oh? Akala ko ba pagod? Abaaa"

Me: Ewan ko sir.

Simon: Diba palagi kayo magkasama?

Me: Eh sir, palagi nga kaming magkasama pero hindi naman kami nakatira sa iisang bubong.

"Maasar nga 'to ano? Hehehe"

Simon: Wala ka talagang alam? Mag classmates kayo diba?!

Me: Sir, magclassmates lang po kami, hindi magkapatid. Hehehe

Simon offline...

"Talaga? Tinanong niya kung bakit ako wala?" Nagtatakang tanong ni Shaira matapos kong ipaalam sa kanya na hinanap siya ni Sir kagabi.

"Oo."

"Eh chinat ko na siya na may lagnat ako kaya hindi ako makakaattend ng training."

Kumibit balikat na lang ako, eh? Ano bang sasabihin ko? Malay ko ba sa kanila.

"Baka gusto ka lang i-chat." Asar niya pa. Last subject n namin ngayon sa hapon at wala ang subject teacher namin kaya hinihintay na lang namin na mag ring ang bell.

"Baliw! Swerte mo may sakit ka!"

"Kahit wala namang akong sakit hindi mo naman ako pinapatulan!" Tignan mo 'tong babaeng 'to parang walang lagnat eh.

Sakto naman na nag ring na ang bell hudyat na uwian na. Sabay kaming naglakad papalabas ni Shaira, paglabas pa lang namin ng campus ay nandoon na ang sundo niya.

Nandito ako ngayon sa sidewalk na nakatayo, naghihintay na may jeep na dadaan. Madami naman ang dumadaan pero puno din ito, naghintay pa ako pero lahat ay puno.

"Saan ka nakatira?" Halos mapatalon naman ako sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko, agad ko siyang nilingon at nakita na si Sir Simon pala 'to.

"H-huh?"

"Saan ka nakatira?" Pabebe niyang tanong. Bakit naman niya tinatanong?

"Sa bahay sir."

"Tsk." Sabi niya at pumara ng tricycle. Huminto ito sa harapan namin, agad naman siyang sumakay doon.

Tignan mo! Wala man lang paalam, teacher naman sana!

"Ano pa ang tinutunga-nga mo diyan?" Tanong niya pa. Lumingon-lingon naman ako sa paligid, nang makita ko na wala akong kasama ay napaturo ako sa sarili ko.

"Hindi, yung anino." Pamimilosopo niya pa. Aba parang gumaganti huh.

"Seryoso ka sir?" Paninigurado ko. Hindi niya ako sinagot instead na tinaasan niya lang ako nang kilay.

"Sasakay na nga eh, hehe." Sabi ko at sumakay din saka umupo sa tabi niya. Huminga naman ako nang malalim dahil parang hindi ako makahinga lalo't magkatabi kaming dalawa! Magkadikit din ang braso namin!!!

"Get out." Natauhan naman ako nang magsalita siya, nagtatakang tinignan ko siya.

"Sir?"

"Baba, ayokong gumastos sa iba no." Maarte niyang sabi at mataray akong tinignan.

Nakanganga ako habang pinagmamasdan ang tricycle na umaandar na palayo sa pwesto sa kung saan ako nakatayo.

Putcha! Pinasakay ako tapos pababan lang ako?! How dare that gay?!

Ugh nakakahiya, nakita ko pa si manong na nagpipigil nang tawa kanina! 'Buti na lang at mag-isa lang ako dito kung hindi! Ughhhh lupa kainin mo si Sirr!

My Beki CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon