Sunday! Yes, sunday! May laro ngayon sila Shaira, at yes SUNDAY dapat rest day 'yan eh, ewan ko ba bakit sunday ginawa laro nila.
Dahil sa school lang naman namin gagawin yung laro nila pwedeng-pwede ako pumunta atsaka ni-invite ako ni Sir Simon eh. *nagdalagang pilipina*
Pag dating ko sa covert court ng school ay nakita ko na naghahanda na ang team ni Sir. Kumaway naman ako kay Shaira na nagjojogging kasama yung teammates niya, kumaway din siya pabalik.
Umakyat na ako para humanap ng mauupuan nang marinig kong tinatawag ang pangalan ko.
"Sophie!" Nahagilap ko naman sila Julie, Randall, at Sid na kumakaway sa akin at pinapakita ang bakanteng upuan sa tabi ni Julie.
Tatakbo na sana ako palapit sa kanila nang may bumangga sa likuran ko. Magmumura na sana ako pero nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ito.
"Sorry, dear." Mahinhin niyang sabi at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
It's PATTY LIM everyone!
Ngumiti na lang ako nang kaunti at pumunta sa pwesto nila Julie.
"Gulat na gulat mukha mo huh." Natatawang bungad ni Julie sa akin.
"Hindi ko naman ini-expect na pupunta siya!"
"Syempre susuportahan niya yung fiancé duh."
Hindi naman ako nakapagsalita. Aray huh pinaalala niya pa sa akin na ikakasal na bebe ko, charot!
*piiiiiiiiittttt*
Tunog nang pito na tanda na magsisimula na ang laro any time. Nagsigawan naman yung mga tao na nanonood at halatang excited na maglaro.
Dumating na sila Shaira na suot suot ang jersey nila. Kumunot naman yung noo ko.
"Hindi na ba libero si Shaira?" Tanong ko kay Julie dahil sa suot niyang jersey na katulad nang iba at hindi pang libero.
"Hindi na haha." Tawa niya pa.
"Anong nakakatawa do'n?"
Sumeryoso naman mukha ni Julie.
"Wala trip ko lang." Hindi ko na lang siya pinansin at nakisigaw na lang din kasama ang crowd.
Pagkatapos makipag-kamayan nila Shaira sa kanilang kalaban ay tinawag na sila para pumunta na sa kanilang mga posisyon.
***
3rd set na! Isang set na lang at panalo na ang team ni Sir. Ubos na ubos na boses ko bes! Pati siguro yung kay Sir panay sigaw eh! Akala mo siya yung naglalaro, aba sige sana alagaan ka nang maayos ni Ma'am Patty *huhu
Ayan na at papalo na ang teammate ni Shaira na si Shobe...at boom nalusutan yung blocks nang kalaban pero nasalo naman pero mali pagkakasalo at papunta sa bleacher yung bola—
*bug!
Dahil sa bilis nang pangyayari ay hindi ko nasangga ang bola na papunta sa direskyon ko at tinamaan ang mukha ko, sapul na sapul!!
Nagtawanan naman yung mga tao, at, at, at!! Nakita ko si Sir Simon na tumawa din! Walang hiya! Bakit ang gwapo kahit ang bakla niyang tumawa, bakit?!
Napahawak naman ako sa ilong ko ang sakit naiiyak na ako, bakit sa mukha pa kasi tumama.
Nag-sorry naman yung babae na nakatama sa akin pero tango na lang yung nasagot ko dahil naluluha na ako sa sakit eh.
Nagpatuloy na ang laro at umalis muna ako para mag cr. Pagkatapos ko sa cr ay agad akong lumabas pero nagulat ako nang pumasok si Ma'am Patty at nginitian pa ako.
"Hi, diba ikaw yung girl natamaan ng ball? How are you feeling now?" Tanong niya pa. Ewan ko ba kung nag-aalala ba siya or gusto niya lang magtanong dahil..bored siya? Pfft.
"Ayos na po ako." Nahihiya kong sagot sa kanya.
"Good, sige mukhang nagmamadali ka na din at naiihi na ako, see you if I see you." Linagpasan niya na ako at pumasok sa cubicle. Nagkibit balikat na lang ako at bumalik ulit, pero pagdating ko doon ay tapos na ang laro, panalo sila Sir! OMG
Tuwang-tuwa naman talaga 'tong si Sir, hindi man niya ipakita ay malalaman mo sa mata niya, palaging cold dating niyan eh pero ngayon hindi.
Lumapit naman sila Julie sa akin at inaya ako na lumapit sa kanila.
"Congrats 'insan!" Bungad naman ni Julie kay Sir Simon nang makalapit kami sa kanila.
"Thanks." Bigla naman siyang tumaray nang makita ako. Napataas naman kilay ko sa kanya.
"Grabe naman 'tong si Sir kung tarayan ako akala mo hindi ako kinausap kahapon,—puputak pa ba ako sir?" Asar ko sa kanya. Tinaasan niya naman ako nang kilay at pinandilatan pa ako nang mata.
"Nagkita ba tayo kahapon?" Sabi niya habang nakadilat parin yung mga mata niya.
Tumawa naman ako. "Sir baka lalabas na yang eye balls mo huh."
Magsasalita pa sana siya pero dumating bigla si Ma'am Patty na agad niyang hinalikan sa pisngi si Sir, nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya. Napatingin naman ako kay Shaira na kasama si Junior na inasar pa ako.
Mukhang nainis naman si Sir Simon sa ginawa ni Ma'am Patty pero hinayaan niya lang ito at iniwan na kami kasama ang fiancé niya.
"Ouch!" Umarte naman si Shaira na mukhang nasasaktan nang makalapit siya sa akin. "Ouchy!"
"Tumigil ka nga!" Sabi ko sa kanya.
"Ayos lang 'yan, kay Junior ka na lang kasi! Yiiiiiieeeee!" Asar bigla ni Sid na sinabayan naman ni Randall at Julie. Bigla naman tumahimik si Shaira, si Junior naman napatingin kay Shaira na nag-aalala.
"Tumigil nga kayo! Hindi ko type si Junior at ganun din siya! Mas gwapo parin si Sir Simon!" Pagtigil ko sa kanya. Napa 'ows' naman sila pero hindi ko na sila pinansin at inaya na silang umalis.
BINABASA MO ANG
My Beki Crush
HumorSiya si Sophie Alcantara, aksidenteng nagkagusto sa isang beki na Teacher na katabi lang kanilang room. Mapapansin kaya siya? O magpapansin siya? Inspired by True Events. Date Started: April 16, 2018 Date Finished: January 3, 2020 Photo from pintere...