[18]: Hi crush

483 20 3
                                    




SOPHIE'S POV

After knowing that sir Simon is getting marry soon, it breaks my heart dude, I can't take it anymore, charot syempre hindi naman sa broken ako masakit lang huhu.

It has been 3 days ago nang malaman ko na ikakasal pala siya, all I thought may pag asa ako sa kanya pero hanggang doon na ang yon, akala ko lang.

Well okay lang naman, I'm happy pa nga na ikakasal siya, sa babae. Akala ko kasi lalaki lang talaga ang gusto niya eh, pero some part of me naman telling na sana ako na lang huhu.

"Hoy," Kinalabit naman ako ni Junior. Tinignan ko naman siya ng masama, ano ba to nage-emote tayo dito eepal pa tong junior na 'to.

Ah anyway kung tinatanong kung ayos na ba siya? Ay sobrang ayos na naghihinayang nga ako eh, tsk.

"Bakit?" Irita kong sambit. Bakit kasi 'to nandito sa campus, istorbo eh.

"Iniisip mo siguro yung kasal ni tito no?" Asar niya pa, naningkit naman mata ko at piningot ang tenga niya.

"Ikaw bakit hindo sinabi sa akin na ikakasal na siya huh?" Pinalo-palo niya naman ang kamay ko para matanggal pero hindi ako nagpatalo at mas lalo kong hinila ang tenga niya paitaas.

"Eh nakalimutan ko eh---aray ko naman!" Reklamo niya pa. Pinigilan ko naman ang hindi matawa dahil sa mukha niya na ngayon ay namumula na. Itinaas ko pa lalo na nagpahiyaw sa kanya.

"SOPHIE MASAKIT NA!" Sigaw niya. Doon ko na binitawan ang tenga niya nang sigawan niya ako dahil nagsitinginan na ang mga estudyante na nasa paligid namin.

"Swerte mo babae ka, kung hindi nakatikim ka na sa akin!" Galit niya pang sabi. Nag make face naman ako at hindi nagpasindak.

"Ah talaga? Eh isipin mo na lang na lalaki ako, ano? Tara suntukan tayo bilis! Tayo!" Matapang kong sabi. Napatingin naman siya sa akin.

"Seryoso ka? Baka mabali buto mo?" Natatawa niyang sambit. Tinaas ko naman ang kilay ko sa kanya. Ah ano 'kala niya sa akin? Mahina? Huh!

"Ah minamaliit mo'ko huh, pwes." Hindi ako nagdalawang isip na suntukin ang ilong niya. Hindi niya inaasahan yun kaya hindi niya agad nasangga yun. Agad na namula ang buong mukha niya, napahawak siya sa ilong niya at agad siya naluha.

"Oh ano?" Natatawa kong tanong sa kanya, yumuko ako para mapantayan ko siya. "Sarap no?"

"Humanda ka sa akin!" Tumawa naman ako, agad ako kumaripas ng takbo at iniwan siya, baka ano pang gawin nun sa akin eh mahirap na.

Tuluyan ko na nga iniwan si Junior at pumunta na sa classroom. Pero bago ako makarating ay nakasalubong ko si Shaira sa hallway na nakavolleyball outfit pa.

"Saan ka galing? Hinanap kita sa room pero wala ka naman!" Bati niya sa akin.

"Diyan lang, bakit?"

"Hihiramin ko sana mga notes mo para makahabol naman ako sa lessons natin." Pagod na sambit niya. Bigla tuloy ako naawa, laki nga ng improvement ng katawan niya eh, sabagay tuloy-tuloy kasi ang training nila ngayon para sa laro nila.

"Kawawa ka naman, quit ka na kasi!" Biro ko sa kanya.

"Sinimulan ko na eh, nasa gitna na ako doon pa ba ako aalis? Tsk."

"Hindi ka naman galit no?"

"Hindi."

"Osya hali ka na, baka umiyak ka na niyan eh."

"Pwet mo iiyak."

Naglakad na kami papunta sa room hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar niya sa akin hay nako, sa huli siya parin mapipikon niyan.

"Oh ba't ka huminto?" Tanong niya sa akin ng huminto ako tapat ng pinto ng classroom namin. Nginitian ko naman siya nang may maalala ako.

"Hindi pala ako kumokopya ng lectures." Napakamot naman ako sa ulo ko. Nakita ko naman kung paano nag-iba ang timpla niya, bumuntong hininga siya at pinakalma ang sarili niya saka ngumiti.

"Alam mo minsan nakakabwisit ka." Nakangiti niyang sambit. "Pero dahil mabait ka, friends parin tayo."

"Hehe."

*PIIIIIIT

Nagulat naman kaming lahat sa malakas na tunog ng pito. Si Shaira naman ay agad na naging alerto nang marinig iyon, napatingin naman ako kung sino ang may gawa nun.

"Push up!" Utos ni sir Simon kay Shaira. Oo guys, sa kanya lang naman nanggaling ang malakas na pito na 'yon.

Nawalan naman ng lakas si Shaira nang marinig ang utos sa kanya at walang ginawa kundi ang sundin ang utos niya. Bumaba naman siya para gawin ang inutos nito sa kanya.

"Rest time niyo na nga saan-saan pa kayo pumupunta." Sabi sa kanya ni Sir. "Gusto niyo talaga mapagod ng husto no?"

"Ah sir, nanghingi lang siya ng lectures sir." Biglang sabat ko. Ang jusko 'di ako pakabog sa beki na 'to kahit crush ko 'to.

"Hindi ikaw ang kausap ko." Mataray na baling niya sa akin. Wow hindi ba pwedeng makisabat? Baliw swerte ka crush kita kung hindi nako.

Tumayo na si Shaira at walang paalam na umalis. Nang makaalis siya ay muli akong tinignan ni sir Simon at inirapan ako, ay taray! Akala mo hindi ikakasal eh no? Kaloka.

"Swerte ka crush kita!" Agad akong napatakip sa bibig ko. Napatingin naman siya sa akin na may halong pagtataka, bigla tuloy akong pinagpawisan nang walang sa oras.

"Ano sabi mo?" Tanong niya sa akin na nakataas ang kilay. Napalunok naman ako, huhu ano ilulusot ko? Dapat talagang putulin tong dila ko eh, taksil!

"Sorry, pero I don't like you." Ouch. Ouch. Grabe grabe.

"Huh? Hindi naman ikaw yung tinutukoy ko sir eh! Assuming?" Kailangan kong bumawi ansakit kaya nang sinabi niya sa akin huh!

"Eh sino pa ba?" Mataray parin niyang tanong. Sakto naman na dumating si Junior na nasa likuran niya.

"Hahaha! Syempre sir yung pamingkin mo na nasa likod!" Napalingon naman siya kay Junior. Si Junior naman ay walang alam sa nangyayari.

"Hehe wag kang assuming sir!" Tinignan niya naman ako nang masama nang sabihin ko yun, aba hindi ako masisindak diyan ano kala mo sa akin sir!

Kinawayan ko naman si Junior na halatang naguguluhan sa nanguyayari.

"Hi crush hehe." Sambit ko pa. Mas lalong kumunot ang noo ni Junior habang si sir Simon naman ay mukhang napahiya, hehe bakit ang sarap sa feelings?

"Umuwi ka na!" Baling niya kay Junior. Magsasalita pa sana siya pero pinandilatan siya ng mata ni Sir. Walang ginawa si Junior kundi ang umalis pero bago siya tumalikod ay tinignan niya ako na halatang naguguluhan sa ginagawa ko.

"Bye crush!" Muling hirit ko pa.

"Nasa eskwelahan ka! Wag kang lumandi dito!" Sambit ni sir sa akin bago pumasok sa loob ng classroom. Wiiiieeeh ano ka ngayon hahaha!

My Beki CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon