Chapter 2

26 9 0
                                    

Chapter 2

Second subject na ako pumasok sa classroom namin. Buti nalang at wala pa yung prof namin. Organic Chemistry ang subject namin ngayon. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit Biology ang nakuha kong course. Siguro sadyang mahal ko lang ang buhay ng bawat living things dito sa mundo. Pagkaupo ko pa lang sa aking upuan may tatlong babae na lumapit sakin at ngumiti.

"Kamusta kayo. Ang gaganda niyo parin. Biruin niyo classmates ko parin kayo hanggang ngayon." Sabay tawa ko. Nakitawa narin silang tatlo sakin. Actually triplets ngayon ang kaharap ko. Si Lillie, Ollie, at Laillie. In short sila ang LOL. Mababait naman sila at matatalino pa sobrang blessed na blessed sila.

"Bat ang cute cute mo pa rin. Naiinis na rin ako sa height mo. Unang tingin mukha kang Grade 7." Banat ni Ollie. Kadalasan ng classmates ko ganyan din ang sinasabi sakin. Yung mga previous professor ko naman binibiro nila ako na baka anak daw ako ng dwende. Hindi ko kasalanang maliit ako sadyang matangkad lang sila.

"Oo nga Ollie. Balita ko pala may mga bagong lipat ngayon."  Sabi ni Lillie na nakaagaw ng pansin ko.

"Yup! At mukhang hindi pa nalalaman ng ating munting prinsesa. Hindi mo pa ba naiinterview ang mga bagong lipat na yun? " Nagtatakang tanong ni Laillie.

Andami kayang bagong lipat. Haaay ewan ko sa mga kambal na ito. Pero baka artista yung mga bagong lipat na yun.

"Andami kayang bagong lipat ngayon. First day na first day."
"Pero artista ba ang mga yun?  Classmates natin? "

Naintriga tuloy ako. Malay mo pwede kong pakiusapan na isali ako sa showbiz. Pero baka sa Goin' Bullilit lang ako pumasa.

" Hindi sila artista pero sikat sila sa kilalang international school. Yung babae classmate natin. Maganda, kutis porselana, pero mukhang suplada. Hindi namamansin. Tapos yung tatlong lalaki 4th year College na. Yummy sila mga be. " Mahabang paliwanag ni Ollie na halatang kinikilig.

Interesado ako sa mga bagong lipat na ito. Sana maging friends ko sila. At classmate pala namin yung isa.

Kaya lumingon lingon ako para makita ang dyosa na tinutukoy nila. Pero napakunot ako ng noo ng mapansing wala namang bagong mukha dito classroom namin ah.

" Pinagloloko niyo naman ako eh. Wala namang bagong estudyante. Wala namang dyosa." Napapout ko na sabi. Napatawa silang tatlo. Baka naman pinagtritripan lang ako ng triplets na ito.

" Cutie sumama siya sa prof natin kanina. Lumabas pero baka pabalik na yun siguro kasama ni Prof Villarica." Tumango nalang ako.

Nagdadaldal parin sila pero ako nakatunganga at nag iisip kung paano nanaman ako mangungulit ng tao. Nabalik ako sa huwisyo ng hindi na ako pinapalibutan ng triplets at nagsalita si Prof Villarica. Pero wait may kasama siyang dyosa. Totoo nga ang ganda niya para siyang modelo ang tangkad niya pa. Magmumukha nanaman ako nitong kinder.

"Morning class. Before we start our formal class you have a new classmate. Actually hindi dapat siya sa Block C pero late enrollee siya. Kindly introduce yourself miss."

"Tracy Angelique Monteclaro. I'm a former student of Smith International School. Hope we can get along." Pagpapakilala ni Angel sabay ngiti at labas ng kanyang pantay pantay at mapuputi na ngipin. Ang ganda niya. Sobraaa.

"Thank you Ms. Monteclaro. You can choose any spot you want." Utos ni Prof. Pinili niyang umupo sa harap ko. Wala na natabunan nanaman ako. Nagmukha nananaman akong rebulto dito sa likod. Bat ba naman kasi dito ko piniling umupo. Aisssh.

Halos sumabog ang utak ko sa pinagsasabi at pinagsusulat ni Prof. Villarica sa harap. Andami nanamang inaantok na mga classmates ko pero si Angel nagtetake notes. Matalino din pala siya.

Ang tanging naririnig ko nalang kay Prof. ang buntong hininga niya. Mukhang babagsak nanaman ako sa subject na ito. Bat kasi ganyan sila magturo. Pero syempre thankful na rin kami at nagtuturo si Prof yung iba kasi hindi sila nagtuturo quiz agad tapos magtatanong bat daw kami bumagsak. Parang tinanong lang din nila kung mamatay kami sa paglalason. Kaloka.

After 2 hours tapos na din ang klase namin. Gusto kong magwala sa saya. Tatayo na sana ako ng biglang magsalita si Prof Villarica.

"Hindi ko nakita si Ms. Fajardo. Naextend nanaman ba ang bakasyon ng batang iyon? " Napatawa ang mga classmates ko at sabay sabay na lumingon sa pwesto ko. Dahan dahan akong tumayo at kumaway kay Prof.

"Miss niyo nanaman po ako Prof Villarica. " Pagbibiro ko at napailing nalang ng wala sa oras si Prof.

" And why are you staying there. Akala ata ng batang ito na kasing tangkad niya si Stephen Curry. Huy kasing height mo ata si Dora. " Napakamot ako ng batok at bumunghalit ang tawanan nanaman ng mga classmates ko. Nagpeace sign nalang si Prof sakin sabay lakad palabas.

" Sir kasing tanda niyo na po si Rey Valera pero nakakapagjoke pa kayo ng parang kay Vice Ganda. Iba din Sir." Sabi ko at tawanan nalaman sila. Pati si Prof napatawa na rin.

Nagaayos ako ng gamit ng may mag abot sakin ng iba't ibang klase ng pagkain. May free lunch at merienda na ako nito. At may humabol pang chocolates. Nagningning ang mata ko. Pagtingin ko sa mga taong nag aaot sakin ng pagkain napailing ako. Mga nagkakacrush daw sakin. Pero deadma dapat friends lang.

"Salamat dito. Hindi niyo talaga ako hahayaang mangayayat. Pero teka pera niyo ba ang pinangbili dito o pera nanaman ng magulang niyo? " Tanong ko.

Kadalasan kasi manliligaw sila pero di naman nila pera gamit nila. Pera ng magulang nila.

"Ehh.. Lia- kasi... " Nauutal na sabi ni Nathan.

"Pera ng magulang namin yan pasensya na Lia." Sabat ni Tyler. Napabuntong hininga na lang ako.

"Kukunin ko ito ngayon. Pero next time wag niyo akong bibigyan ng ganito kung hindi niyo pinaghirapan ang pinangbili dito. Ang mga magulang niyo naghihirap para may maipakain sa inyo hindi para may maipakain sa mga gusto niyo. Wag na kayong uulit okay?! " Mahabang paliwanag ko. Napatawa sila ng sabay sabay.

"Yes cutie! " sabay sabay nilang sabi. Linagay ko na sa backpack ko yung pang merienda ko at papaalis na ng mapansin kong hindi pa tumatayo si Angel. Kaming dalawa nalang ang nandito sa classroom dahil umalis na pala ang mga asungot na lalaking nagkakacrush kuno sakin.

"Angel, di ka pa lalabas? " Tanong ko pero tinitigan niya lang ako na para bang papatayin niya ako kaya napaatras ako. Pero binawi niya agad ang tingin niya sakin saka ngumisi.

"I'll go outside if you go first I don't like being with other people." Napaawang ang bunganga ko.

Nagulat ako ng tumunog ang cellphone niya at dali dali niyang sinagot.

"Yes Sky.  I'll be there. I'm sorry. Someone is too slow to move kaya medyo nalate akong lumabas. Yes Sky. Bye. See you. " Sabi niya dun sa kausap niya.
Bigla siyang tumayo kaya napaatras ako ang tangkad niya kaya. Dali dali siyang lumabas. Pero sa paglabas niya sa pintuan ng classroom namin may sinabi siya nang mahina pero dinig ko parin.

"Pabibo. Stupid Kid."  Nagsisi akong tinawag ko siyang Angel mukhang hindi siya anghel.

Rainbow turns into Black n' WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon