Chapter 3
Kakatapos ko lang kumain at nagbrobrowse ako ngayon sa aking laptop. Nakakapagod talaga pumasok. Pero worth the pagod naman. Ang saya saya ko today kahit na hindi naging mabait sakin si Angelique. Gusto ko pang makilala yung ibang bagong lipat pero natatakot ako baka kasi ayaw din nila sakin. Sabi kasi ni Mamu kahit na gaano ka kabait sa isang tao kung ayaw ka nila ayaw talaga.
Nagulat ako ng tumunog ang cellphone ko at tumugtog ang paborito kong kanta.
[🎶This is gospel for the fallen ones
Locked away in permanent slumber
Assembling their philosophies
From pieces of broken memories🎶]~Mommy Calling~
Wala na akong balak patapusin ang ringtone ko at agad agad sinagot ang tawag ni Mommy. Miss ko na rin naman siya.
[Hi anak. How's your first day of school. ] Bungad ni Mommy na halatang pagod pero pinipilit na pasiglahin ang boses niya.
"Mommy you're stress again. Papangit ka diyan. Btw okay lang po yung first day of school ko po. Mommy bat ganun, halos lahat ng estudyante ngayon ayaw sa school pero para sakin Mommy para itong Enchanted Kingdom." Narinig kong napatawa si Mommy kaya napangiti ako.
Sa wakas magaan na ang damdamin ni Mommy. I can hear something real now from my Mommy.[Anak dito ka nalang kaya mag aral. Okay lang naman kay Fely at Gabriel.]
Ilang beses na akong pinipilit ni Mommy pero hindi ko talaga kayang iwan si Mamu. Napabuntong hininga na lang ako.
"Mommy sorry po. Ayoko po talaga Mommy. You know I love you po pero malulungkot po si Mamu. Promise po dadalasan ko nalang po ang pagdalaw diyan. Sorry Mommy."
[ Okay lang anak. Naiintindihan ko naman anak.] Alam kong dismayado si Mommy pero hindi ko talaga kaya.
"Mommy si Kuya Gio po? Tapos si Daddy po? Pakausap naman ako Mommy please" Namimiss ko na rin kasi sila. Kung pwede lang talaga kaming tumira lahat sa isang bubong ni request ko na.
[Anak si Kuya Gio mo he told me na tatawagan ka nalang daw niya. Alam mo naman yun pagdating sayo ayaw ng madalian na usapan. Si Daddy mo naman nasa company nanaman may emergency meeting anak eh. ]
Nakarinig ako na tinatawag na si Mommy. Magrereview nanaman siguro siya ng documents."Sige na po Mommy kailangan na po kayo Mommy. I love you po. I miss you. Please Mommy take care of yourself."
[Yes baby I will. Wait for your Kuya Gio's call ha. I love you, I miss you and take care also anak. Don't worry I'll tell your Dad na tumawag ka. I'll end this call na. ]
At ang huli ko nalang na narinig ay ang indikasyon ng cellphone na ito na tapos na ang tawag. Napabuntong hininga ulit ako.
Alas dose na pero wala paring tawag mula kay Kuya Gio. Naghintay pa ako ng 30 minutes, at biglang tumunog ulit ang cellphone ko. Kuya Gio talaga wrong timing kung kailan papikit na ako. Sinagot ko na agad yung tawag dahil inaantok na ako.
"Kuya, I miss you. " Bungad ko sa kanya at biglang nawala ang antok ko.
[I miss you, my princess. Sorry late ng nakatawag si Kuya. May tinatapos pa kasi akong presentation. Papatulog ka na ba? ] Halata din ang pagod sa boses ni Kuya.
"Okay lang po Kuya. Did you eat na po? " Actually nag aalala na ako sa kanila pagod na pagod sila sa pagtratrabaho. Nagpapasalamat ako na nakakatulog pa ako ng ilang oras sina Mommy baka hindi na nga nakakatulog.
[Yes princess kumain na ako. Namimiss ka na ni Kuya. I want to hug you right now para mabawasan yung stress at pagod ko.] Napangiti ako kahit na kailan lang kami nagkakilala sobrang love na love ko na siya at alam kong ganun din si Kuya.
"Hugs you virtually. Kuya alam mo ba may bago akong classmate. Ang ganda niya kuya tapos ang talino pa." Pagmamalaki ko kay Angelique.
[Kinulit mo nanaman? Oh baka bestfriend mo na agad yun? Ang liit liit ng prinsesa ko pero ang kulit kulit.]
Si Kuya 6 footer, matangkad siya pero magkamukha kami kaya mahahalata na magkapatid kami at masasabi mo ring Kuya ko talaga siya." Hindi ko pa siya friend eh. Nahihiya pa po siya siguro kasi duh first day of school po. Tapos alam mo Kuya si Kuya Jerson po may binubully nanaman po. Pero umurong din po siya kasi pinagsabihan ko po."
Napahalakhak si Kuya sa kwento ko. Si Kuya Gio at Kuya Jerson Ay magbarkada nung nandito pa sa Pilipinas si Kuya Gio. Kahit na mas matanda si Kuya Gio pag magkasama sila para lang silang magkapatid.
[Pati yung ugok na Jerson na yun napapatiklop mo paano pa kaya ako. Princess, pasabi kay Jerson miss ko na yung kabulastugan niya.]
"Kuya talaga. Proud ka nanaman sakin. Love mo talaga ako. Pero sige po sasabihin ko po kay Kuya Jerson yun pag nagkasalubong po ulit kami. "
[Kamusta lecture mo? May nagturo na ba sa first day mo?] Napasakap nalang ako sa mukha ko.
"Kuya naloloka ako sa Organic Chemistry namin. Wala po akong maintindihan sa tinuturo po ni Prof Villarica. Pag nagtuturo po si Prof Villarica feeling ko po nakikita ko po yung mga words na Compounds, Saturate, at Unsaturated. Pero wala po talaga akong naiintindihan kahit isa mula po sa kanya. Hindi ko naman po sinasabing hindi siya magaling na guro per---."
[Prinsesa dito ka nalang kaya mag aral.] At ito nanaman ang pangungumbinse sakin. Ilang beses ko kaya itong tatanggihan.
"Kuya ayoko po talaga. Gusto ko po dito kina Mamu. Hindi ko naman po sinasabing ayaw ko kayong kasama pero po gusto ko pong makita po ako ni Mamu na grumaduate. Gusto ko pong nasa tabi niya lang po ako." Napabuntong hininga na lang ako at nararamdamam kong hinihila na ako ng antok.
Pagtingin ko sa orasan 1:30 na pala. Napahaba pala yung usapan namin ni Kuya.
[Okay prinsesa pero dalaw ka dito ng madalas ah. Miss na kita. ] Tanging opo nalang ang nasagot ko.
[Prinsesa tulog ka na maaga ka pa bukas ay este mamaya pala. Pero don't end the call yet ha. Kuya wants to hear his princess' snore.] Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko pero nasisiguro kong masaya ang tulog ko sa huling narinig kong sabi ni kuya.
[I love you Princess. I love you. I love you.]
BINABASA MO ANG
Rainbow turns into Black n' White
Teen Fiction"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ni Aeron na kinakabahan dahil alam niya ang kayang gawin ni Sky. "Come on Sky. I don't like her , I really don't. Alisin mo siya sa buhay ko. " Iyak ni Tracy na mukha ng baliw ngayon dahil sa gulo gulong buhok...