Chapter 9

12 2 0
                                    

Chapter 9

Nasa classroom namin ngayon si Prof Hudson. Wala naman kaming subject sa kanya. Hinihintay na lang namin yung announcement niya para makauwi kami. Sa katunayan nakatunganga lang ako dito, lumilipad din yung utak ko. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng kumain ng dinner at matulog.

"So class are you okay with it? " Tanong ni Prof Hudson. Hindi na ako sumagot kasi alam ko namang "Yes Prof" ang isasagot ng mga classmate ko.

"So before I go, may I talk to the transferees here and Ms. Fajardo. Okay class dismissed." Napatampal ako sa noo ko ng wala sa oras. Kala ko uwian ko na hindi pa pala.

Nag unahan yung mga classmates ko sa paglabas. Naiinggit ako, sana nakikipagsiksikan din ako ngayon. Si Prof Hudson naman kasi. Love ko everyday si Prof Hudson pero this day is the exception.

Nang kami nalang nina Angelique ang naiwan nag start naman kaagad si Prof Hudson.

"So the five of you who are transferees, are you enjoying your stay here? " Pagtatanong ni Prof Hudson. Alangan namang sabihin nilang hindi. Syempre, oo yung isasagot nila kahit napipilitan sila.

"Yes Professor. Definitely. For me I love how the students here welcome those who transferred in this school. I also love how the professors are teaching here. The money that our parents are paying are worth it. " Taas noong sagot ni Angelique sabay pakita nanaman ng killer smile niya. Wait nga bat ba ako kailangan ni Prof dito eh mukhang yung mga transferees lang ang iinterviewhin niya.

"Okay then. Please enjoy our school and kindly call the attention of any professor you encounter if ever you feel uncomfortable in your environment. And we assure you that we will take actions to that. " Pagkasabing pagkasabing ni Prof Hudson ng ganun lumingon sakin yung isa sa mga transferees na kailan lang lumipat at inirapan ako ng 360 degrees. Ngumiti na lang ako.

"You may now go. And thank you for sparing me some of your time. " Pag aanunsyo ni Prof Hudson. So ako tinawag lang para makinig? Kaloka ah. Kailangan lang pala ni Prof Hudson ng audience para madeliver niya ang pagwewelcome sa mga transferees.

Naglalakad na ako papuntang pintuan ng bigla ulit magsalita si Prof Hudson.

"Ms. Fajardo I'm not dismissing you yet." Pagpapaalala ni Prof Hudson na siya namang nakaagaw ng pansin sa mga team ni Angelique.

Dinapuan pa nga ako ni Angelique ng tingin niya pero after 2 minutes siguro umirap lang siya at pinagpatuloy ang pag alis. No choice sinundan na din siya ng mga friends niya.

Naunang lumabas si Prof Hudson kaya sinundan ko nalang siya. Marami pang estudyante sa corridor marahil may hinihintay yang mga yan.

"3rd year College ka na Lia ayaw mo pa ring tumino at mag aral ng mabuti?"  Panimula ni Prof Hudson.

Alam ko na ang dahilan kung bat niya ako pinatawag. Pipilitin niya akong isali sa program niya na "Give knowledge to those who are in need". In short may mag tututor sa lahat ng estudyanteng sumasailalim dito. Pangalan palang ng program ni Prof pang insulto na. Kaloka.

"Ayoko Prof. " Pakanta ko na sagot sa kanya. Actually last year pa ako kinukulit ni Prof Hudson pero ayoko talaga.

"Paalala ko lang sayo may Prof Calbario ka at Prof Castilliogne. Baka hindi ka grumaduate dahil sa dalawang yan. Ayaw mo kasi? Kaya mo namang mag aral mag isa, eh bat hindi mo ginagawa?" Naasar na sabi ni Prof. Napatawa nalang ako sa tila pagrarant niya.

Sa iba nakakainsulto yan pero sakin hindi. Natutuwa pa nga ako kasi nakikitaan ko siya ng emosyon.

"Prof yakang yaka ko yan." Pag checheer ko kay Prof kasi for the tenth time failed nanaman ang mission niya sakin.

"Ikaw liit pag nagnalaman kong bumagsak ka nanaman this sem sa dalawang professor na yan sapilitan na kitang ipapatutor. " Napatawa ulit ako. Stress na stress ang mukha ni Prof habang kausap ako.

"Prof alam mo yung nakakalungkot sa pag aaral? " Madamdaming tanong ko. Bigla kasing pumasok sa isip ko yung emosyon na nakikita ko sa mga 1st year College.

"Ano? Yung magsisi na hindi pumasok sa program ko? " Sarcastic na sagot niya.

"Hindi Prof. Nakakalungkot isipin na nasusukat ang talino at abilidad ng isang estudyante sa kung anong kaya nitong gawin sa school. Yung ibang estudyante nag aaral Prof hindi na para sa sarili nila kundi para matanggap sila ng lipunan na kinabibilangan nila. Yung iba naman sumuko ng mag aral kasi kailan lang nila nadiskubre na mas may naibibigay na saya ang paggawa ng mga bagay na hindi nila naranasang gawin dahil nag aral sila. Nakakalungkot din isipin na ang mga ibang professor hindi nakakaramdam ng hirap ng ibang estudyante. And the worst case na super duper super nakakalungkot yung ibang estudyante ginugusto nalang na wakasan ang buhay nila kaysa harapin yung hindi nila pagpasa." Mahabang pahayag ko. Hindi ko napansin na tumigil na pala kami sa paglalakad. Si Prof ayun inaabsorb yung mga sinabi ko.

"Eh bat mo piniling wag mag aral ng mabuti. Nakita mo na bang mas kaya kang bigyan ng kasiyahan ng pagiging makulit mo? " Walang emosyon na saad ni Prof. Pero nararamdamam kong nabother siya sa sinabi ko.

"Pag nag aral ako Prof hindi na yun para sa sarili ko. Para na yun sa iba. Gusto ko pag nag aral ako dahil yun sa gusto ko hindi yung dahil sa gusto ng ibang tao. Mukhang selfish Prof, pero nararamdaman ko pong pag pinilit ko ang sarili ko mas magkakaroon ng masamang resulta na maaring makaepekto sa iba. Pag gusto ko talaga aware akong may ibang tao na maaring maapektuhan. " Feeling ko tuloy hindi na tungkol sa pag aaral sa school ang naging sagot ko.

Dahan dahan namang napatango si Prof. Naglakad na ulit siya at hindi na ako kinausap. See ang amazing ko talaga.

"Pag kinakausap kita mas naliliwanagan ako sa mundo. Tinuro din ba yan ni Kuya? " Btw kapatid siya ni Dada kaya ganyan niya ako kausapin. Sa labas lang ng classroom ah. Pag sa loob na ng classroom di ko na siya kinakausap o ginugulo.

"Realization ko yun life. Pero turo sakin ni Dada kung paano magcome up sa ganong realization. Kaya mas amazing si Dada sakin. " Magiliw kong sagot. Pagtingin ko sa paligid ko iilan nalang pala ang estudyante.

"Hatid na kita kina Ate. " Pag aalok ni Prof.

"No thanks Prof dala ko si Bicy. Magtatampo yun sakin pag di kami sabay umuwi ngayon. " Biglang kinurot ni Prof yung pisngi ko. Kaloka si Prof ah pati pisngi ko pinagdidiskitahan.

"Nagpapasalamat ako kina Kuya at inampon ka nila. Ang bait mo na. Ang cute cute mo pa. " Sumosobra na ako sa papuri mula dito kay Prof ah.

"Sige na aayusin ko pa yung mga gamit ko. Mauna ka na at baka gabihin ka pa. " Tumango na ako at ngumiti at may kasama pang thumbs up.

Papalabas na ako ng gate ng makasalubong ko ang makisig na lalaking si Mitch.

"Uy Mitch tagal na nating hindi nagkikita at naguusap ah. Di ka na madalas pumunta sa garden pag vacant mo. " Sabi ko ng may halong pagtatampo. Nakapout narin ako.

"Ikaw talaga. Marami kasing trip ang mga kaibigan kong RK. Gala dito kain doon. Lagi nila akong inaaya tuwing vacant at pag lunch time. " Sabi niya na may kasamang kurot nanaman sa pisngi.

"Andaya mo talaga. Pero syempre joke lang. Okay lang naman sakin. "
May sasabihin pa sana siya ng may tumawag sa kanyang ohlala na isang poging mestisong nilalang.

"Wait lang ah. " Paalam niya sakin.

Nag usap sila nung isa pang pogi. Baka kasama rin siya sa Quadro at baka siya yung tinutukoy ni Kuya Berto na palaging may hawak na libro na sa katunayan meron pala siyang dala ngayong libro. Binaling niya sakin yung tingin niya kaya nginitian ko naman siya. Pero bigla ulit kinausap si Mitch.

"Ah alis na kami bulilit. May lakad pa kasi sila at sinasama nanaman ako. See you sa garden when I see you. Ingat ka palagi ah. " Ngumiti na lang ako at nagthumbs up. Nagbabye pa siya ulit sakin bago sumakay sa sports car na magara.

Lagi akong nakakakita ng sports car ah. Sign kaya ito ni Lord na magkakaroon ako ng sports car ?  Kaloka ah.

Rainbow turns into Black n' WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon