Chapter 4
Second day of class palang pero nastress na ako sa pagpasok. 7:20 na ako nagising. Hindi na ako kumain ng breakfast dahil 7:45 ang start ng unang class ko. Wala akong balak magmadali pero kasi yung first professor ko eh ang pinakaterror sa lahat ng professor na nameet ko. Kapag late ka paandaran ka lang niya ng mga salita niyang "Ms. / Mr. You're too early for your next class." At ang magagawa mo nalang ay ang lumabas ng tahimik.
Dali dali kong pinatakbo si Bicy. Alam kong kawawa na si Bicy pero kasi 5 minutes na lang at malalagot na ako. Nang ipapark ko na sa gilid si Bicy biglang may dumaan na sports car na sobrang ganda. Pero hindi ito oras para mapanganga ako.
"Anak dalian mo malapit nang magstart ang unang klase mo." Hindi ko na nagawang sagutin si Kuya Berto basta kumaway nalang ako sa kanya. Bawi nalang ako bukas. Lakad takbo ang ginawa ko. Andami nanamang bumabati sakin pero ngiti na lang talaga ang kaya kong gawin.
Si Kuya Gio kasi. Pero okay lang pala.
Bakit ba kasi nasa third floor ang klase ko ngayon buti sana kung may elevator. Dali daling pag akyat ang ginawa ko. Hindi na ako magtataka kung pagpasok ko mamaya eh mahimatay ako. Isang minuto na lang at nasa pinakadulo pang pasilyo ang aming klase. Marahil iisipin ng mga tao sa paligid ko ngayon na kasali ako sa marathon dahil tagatak na ang pawis ko.
5...4....3....2....1
Boom sakto ako. Hihikain ata ako kahit wala akong hika dahil sa pagod. Yung mga classmates ko naman tulala at parang nakakita ng multo. Uy bago yun ah. Kasi pag nakikita ako ng mga classmates ko ngiti agad ang ibubungad nila sakin. Naagaw ng pansin ko yung tatlong kambal na may itinuturo sa likuran ko. Hindi ko alam kung bakit parang slow motion ang nangyari pagtingin ko sa likuran ko si Prof Calbario ang sumalubong sakin na nakataas ang isang kilay. Si Prof Calbario ang prof ko sa Biological Techniques. Love niya ako sa labas ng classroom pero sa loob pasensyahan na trabaho lang.
"Magpasalamat ka umabot ka sa oras at naunahan mo ako ng ilang segundo Ms. Fajardo." Suplada nitong sabi.
"Prof Calbario, ngiti ka naman diyan. Aga aga prof naman eh. " Sabi ko saka nagpout.
Dahil walang makakatanggi sa cuteness ko. Ngumiti na lang si Prof Calbario sabay iling at may kasama pang pagyuko. Hala nahiya si Prof.
Umupo na ako dahil ayoko ng masermonan pa. Gusto ko ng magpalit ng damit dahil nararamdamam ko na ang lagkit ko na. Nagulat ako ng mapansin kong nasa harapan ko si Angelique. Nagkibit balikat nalang ako at sinubukan kong makinig sa sinasabi ni Prof Calbario. Last school year napanindigan ni Prof Calbario ang surname niya. Bagsak ako sa kanya at talagang kalbaryo sakin ang pinagawa niya para pumasa ako.
Pagkatapos ng isang oras. Pumunta ako sa CR at nagpalit ng damit. Ayoko ng bumalik sa classroom na yun pero ayoko namang bumagsak for the second time around. Oo siya ulit ang guro namin nakakasabog ng utak. Paglabas ko ng cubicle nakita ko si Angelique na nagsasalamin. Ang ganda niya talaga para talaga siyang dyosa.
"Hi. " Bati ko sabay ngiti pero hindi niya ako pinansin.
"Uhmmmm. Gusto mo sabay tayong maglunch later?" Pag aaya ko. Baka kasi nahihiya lang siya kasi new student.
Binaling niya yung tingin niyang bored na bored sakin.
"You know what, try to be sensitive. Some people don't like you being around. And some people don't like to hear that voice. Stop asking me none sense questions. It is so annoying. You're not being friendly you're being annoying. So please stop. " Ang mataray na sabi niya tapos lumabas ng padabog at may kasama pang pagbangga sakin. Hindi niya ba alam na maliit lang ako muntik na tuloy akong mapaupo.
Napatulala ako ng wala sa oras. Ganun ba talaga pag galing sa international school straight English ang salita. Ang talino talaga niya.
Naintriga ulit ako sa mga bagong lipat na kasama niya. Kung siya ganyan kaganda malamang yung mga kasama niyang lalaki mala Adonis din ang kagwapuhan. Tapos nangangamoy sosyal din.
Bumalik na ako sa classroom namin at nagtiis nanaman ng isang oras habang nagdodoodle ng mga pangalan na pumapasok sa isip ko. Pag nakikita ng tatlong kambal ang drawings ko nagagandahan sila. Nagpapadrawing din sila sakin. Ewan ko ba sa tatlong yun may defect ata ang mga mata. Pero pag nababaliw naman ako tinitingnan ko din yung mga drawings ko tapos ijujudge ko kung maganda nga ba o talagang pinagloloko lang ako ng mga kambal na yun.
At maniwala kayo o hindi nagbalak na akong magshift ng course. Okay lang naman kina Mamu at Mommy pero pag nagfafinal decision na ako bigla akong uurong. Hindi ko talaga kaya.
Nagdiwang ang lahat ng tumunog ang bell. Tumayo na din ako. Pasakit talaga si Prof Calbario. Papaalis na ako ng may humawak sa balikat ko. Paglingon ko nakita ko nanaman ang mga nagkakacrush kuno sakin na may dala nanamang pagkain.
"Diba sabi ko naman na wag niy---. "
"Pinaghirapan ko yan! " Sabay sabay nilang sabi. Napaawang ang bibig ko.
"Pinagloloko niyo ba ako. Kayo magtratrabaho? Imposible." Pang aasar ko sa kanila pero napakamot nalang sila ng batok nila."Nagserve ako ng mga pagkain sa mga customer sa restaurant ng pinsan ko. " Nahihiyang sabi ni Nathan na nakapagpangiti sakin.
"Nagcashier ako sa cafe ni Mama. Gulat nga siya baka daw may lagnat ako o may malalalang sakit." Pagdugtong naman ni Tyler.
Sinundan naman na ng iba ang pagsasabi ng kanilang ginawa para makakita ng pera.
Tumuntong ako sa upuan at pinat isa isa yung ulo nila.
"Good job tayo diyan mga boys. Proud ako sa inyo. Salamat ah. Nakakatouch kayo. See nakakasarap ng feeling yung may binili kang bagay na galing sa sarili mong bulsa at alam mong pinagpaguran mo. Galing." Bumaba ako ng upuan at yinakap sila isa isa.
Hindi ako paasa ah. Simula palang sinabi ko na sa kanila na ayaw ko pang pumasok sa isang relasyon. Nung una ayaw nilang makinig sakin pero kalaunan tinanggap din nila. At nagpapasalamat ako na hindi sila nagbubugbugan. Nararamdamam ko na yung iba sa mga kaharap ko ngayon hindi na ako crush gusto nalang akong pasayahin.
Isa isa silang nagpaalam sakin.
Palabas na ako ng classroom ng makita ko nanaman si Angelique na nakaupo parin at nakaearphones habang nakapikit. Tumakbo na ako palabas baka kasi hinihintay niya ulit akong lumabas.Tinamad na akong pumunta sa cafeteria kaya dumiretso na lang ako sa garden. Nagulat ako ng may lalaking nakaupo at nagdradrawing.
"Hi. Pwedeng makiupo?" Nang lumingon siya nagulat ako ng makita ko ulit yung lalaking binubully nina Kuya Jerson kahapon.
"Sure." Nakangiti niyang sabi.
Ang pogi niya talaga.
BINABASA MO ANG
Rainbow turns into Black n' White
Teen Fiction"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ni Aeron na kinakabahan dahil alam niya ang kayang gawin ni Sky. "Come on Sky. I don't like her , I really don't. Alisin mo siya sa buhay ko. " Iyak ni Tracy na mukha ng baliw ngayon dahil sa gulo gulong buhok...