Chapter 18
"Guys quiet! " Sabi ni Lillie na tumatayong leader namin ngayon for the event na inarrage ng school.
"So guys we all know na every September may program tayo. For 1st year and 2nd year ay acquintance party and for 3rd year and 4th year naman will be mini concert. Palagi naman nating nakikita na every ganitong event may booth ang 3rd year at 4th year college. Ngayon pala hindi na estudyante ang magpeperform sa mini concert kundi artista at sikat na mga banda. " Mahabang paliwanag ni Lillie.
Andaming nagkalat na booths sa paligid ng school namin pag ganitong event for September. Umaabot din ang mga booths sa labas, andami kayang courses na inooffer ang school na ito kaya ganun, technically pwedeng lumabas pag ito ang event ng school.
"So guys alam kong nagdiriwang na ang inyong mga utak dahil ang akala niyo wala tayong gagawin at iienjoy lang ang event na ito. By the way ang title pala ng event na ito ay 'A time for a Change'. So nais ko lang pong sabihin na wag kayong magsasaya. Dahil may sariling booths po ang Biology Department. Hiwalay po ito sa 4th year College. " Sa sinabing yun ni Lillie kaagad itong umani ng negative comments sa mga classmates ko. Napapout nalang ako, kala ko naman makapagpapahinga naman ako. Hindi pala.
"At ito pa. Hindi magkakasama ang Block A, B, at C. Hiwalay hiwalay ng booths. Bale may dalawang booths dapat ang magawa each Block. One for food and another for thrilling games. So ang Block A ang food na ibebenta nila ay hotdogs and thrilling games naman nila ay Minute to Win it. Sa Block B naman ang food nila ay Korean foods at ang thrilling games nila ay Don't Step the Red Lines. So ano sa atin? " Naglipana ang iba't ibang suggestions. Halos madadali lang ang sinusuggest nila.
Nagtaas ng kamay si Angelique at tumayo kahit hindi siya inacknowldege ni Lillie.
"For food let's try Japanese Food and for that thrilling games we must try the Uno Game. " Napatango naman si Lillie at sinang ayunan naman ito ng ibang classmates namin.
Nagtaas naman ng kamay si Ollie na confident na confident sa sasabihin niya.
"Mahirap gumawa o maghanap ng Japanese Foods at syempre ang karamihan ng estudyante ngayon gustong matikman ang Korean Foods. And siguro may ibang suggestion pa for thrilling games. " Sabi niya sabay tingin sa place ni Angelique na ngayon ay inis na inis.
"Okay any more suggestion? " Tahimik lang ang mga classmates ko na parang naghihintay nalang ng approval ni Lillie para sa suggestion ni Angelique.
"Lia baka meron ka namang naiisip diyan." Pagkasabi nun ni Lillie napatayo ako ng wala sa oras.
"Ha ako?! " Tumango si Lillie at ngiting ngiti. Napaisip tuloy ako. Naku pahamak talaga itong si Lillie.
"For food bumili tayo ng Mamon then gawa nalang tayo ng pang frosting para magmukhang cupcake. Less gastos, more tubo, marunong namang gumawa ang iba dito ng frosting. Mamon Cupcakes. At for thrilling games naman mag Maze Run tayo para talagang may thrill okay lang naman siguro kahit walang maze, sa execution nalang tayo bumawi. Para less pagod, by station na lang tayo then may kailangan sagutan yung mga group members para makamove sa next station. " Late ko ng narealize na dapat ang sinagot ko nalang ay "WALA" ng makita ko si Angelique sakin na ang sama ng tingin. At iniirapan naman ako ng mga friends niya.
"So guys anong tingin niyo? " Napatampal nalang ako sa noo ko ng andaming umagree. Lagot nanaman. Babawiin ko na sana yung sinuggest ko at maghahain ng negative effects nito pero biglang nagsalita si Lillie.
"Okay guys settled na tayo sa Mamon Cupcakes and Maze Run. Iaassign ko na lang kayo sa mga gagawin niyo for preparation at sa actual scenario. Magbayad ng contribution guys ah. Tapos ang place pala natin is sa quadrangle, pero papakiusapan ko nalang si Prof Milano na magkakaroon tayo ng stations around the campus for our Maze Run. Yung prize ako na palang bahalang mag isip. So guys okay na. Enjoy your vacant. " Pag eend ni Lillie. Dali dali akong lumabas ng classroom dahil baka mamaya sampalin na ako ni Angelique sa pagsasabi ko nanaman ng suggestion. Kaloka.
BINABASA MO ANG
Rainbow turns into Black n' White
Teen Fiction"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ni Aeron na kinakabahan dahil alam niya ang kayang gawin ni Sky. "Come on Sky. I don't like her , I really don't. Alisin mo siya sa buhay ko. " Iyak ni Tracy na mukha ng baliw ngayon dahil sa gulo gulong buhok...