Chapter 15
Papunta kami ngayon ni Bicy sa school. Nga pala pagkauwi ko sa bahay noong Sabado sinabi ko kay Mamu na ilagay sa isang bag lahat ng lumang toys ko at may pagbibigyan ako. Nagtaka pa nga si Mamu pero nilagay nalang niya sa isang bag yung mga toys ko. Kahapon dinala namin kayna Mitch yung mga toys. Bumili rin kami ng grocery para sa kanila, kinuwento ko kasi kay Mamu yung lagay nina Mitch. Nakonsensya naman si Mamu sa pag susungit niya kay Mitch nung una nilang pagkikita kaya bilang pambawi bumili siya ng grocery para sa kanila. Hinatid namin kahapon yung grocery at mga toys. Gulat pa nga si Mitch, at ito ah, tinanggihan niya pa nung una. Pero ng makita niyang nagustuhan ni Rainier at Gracielle yung mga dala namin wala na siyang nagawa kung hindi tanggapin ito.
Pinark ko na si Bicy sa designated parking lot niya na gawa ni Kuya Berto at Kuya Caloy. Papasok na sana ako ng mahagip ng dalawang mata ko yung dalawang sports car na magkasunod na dumaan. Nakakapansin na talaga ako sa mga sports car na yan ah. Hindi kaya may ibig sabihin yun. Baka dun nakasakay yung makakatuluyan ko sa buhay. Charot. Pumasok na ako sa school at inalis sa isip ko ang dalawang magarang sports car, mas naloloka lang kasi ako pag naiisip ko na palagi akong nakakita ng sports car.
"Kuya Berto nagkita din po tayo sa wakas. Kamusta na po kayo. Mukhang pumopogi po tayo ah. " Pang aasar ko kay Kuya Berto. Hindi kami madalas magkita ni Kuya Berto nung mga nakaraang araw. May seminar siyang pinuntahan, oh diba bongga. Paseminar seminar na lang si Kuya Berto.
"Ikaw talagang bata ka. Ok lang naman ako, always pogi parin. " Pagmamayabang naman ni Kuya Berto sabay nagpogi pose. Napatampal naman ako sa noo ko ng wala sa oras.
"Opo always pogi po kayo. Hehehe. Hooh anlakas po talaga ng hangin ano po." Napatawa naman si Kuya Berto sa sinabi ko.
"Pumasok ka na at baka malate ka pa. Mamaya first subject mo si Professor Calbario, ayaw nun ng mga late pumapasok sa klase ah. " Buti nalang si Prof Castilliogne ang una kong professor. Pero dahil gusto ko na ring chumika nagpaalam na ako kay Kuya Berto. Nagthumbs up siya sakin at ngumiti.
Dali dali na akong umakyat sa classroom namin. Bubuksan ko na sana yung pinto nang makita kong pinapalibutan ng mga classmates ko si Angelique at mukha natutuwa silang makinig sa kwento ni Angelique. Ayokong pumasok kasi alam kong maiinis lang sakin si Angelique. Nararamdamam ko kasi na kailangan niya ng atensyon at ayaw niya ng naaagawan siya ng atensyon.
Tinitingnan ko lang sila sa may bintana. Halos mapatalon at mapasigaw ako ng may kumalabit sakin. Paglingon ko si Prof Castilliogne na nakataas ang kilay sakin.
"What are you staring there? And why are you here? Are you waiting for me to give you another life lesson? " Masungit na sabi ni Prof Castilliogne.
"Prof ano po kasi..... Naghihintay po ako.....! Opo naghihintay po ako ng lalabas para po magulat ko po sana. Opo yun po. "Buti na lang hindi ako magkanda utal utal. Kung hindi gigisahin nanaman ako ni Prof hanggang sa masabi ko ang napakawalang kwenta kong dahilan.
"Stop those childish act of yours Ms. Fajardo. Let me remind you that you're an 18 years old lady and not a 7 years old kid. Now get inside before I change my mind and I will let you listen to my lecture here. " Ilang tango ang nasagot ko at dali daling pumasok. Pagpasok ko sari saring pagbati ang narinig ko. Yung iba pa nga bumalik na sa dati nilang upuan. Anong tingin nila sakin professor?
Yung kaninang kumpol ng tao sa palibot ni Angelique ngayon ay wala na. At tanging masasamang tingin na lang mula kay Angelique and friends ang nakikita ko. Hindi ko na lang sila pinansin at umupo na lang. Pagkaupo ko naman saka pumasok si Prof Castilliogne.
"Sit down class. As I've said last meeting we will have a graded recitation based on Chapter 1 and Chapter 2 of your book today. Ms. Fajardo, Ms. Monteclaro and Ms. Reyes will not be included in this graded recitation, they will automatically get a perfect score. Why? Simply because they got a high score in my pre test last meeting. And mind you that pre test is not just a simple test it is recorded and graded.So shall we start?" Napabuntong hininga ako ng bongga. Buti na lang hindi ako kasali. Naku kung kasali ako ngayon, senyales nanaman na babagsak ako sa subject ni Prof Castilliogne, hindi ko pa kasi nabubuklat yung libro sa subject niya.
Yung mga classmates ko dali daling nagbuklat ng libro sa pagaasam na makabawi man lang sa pagbagsak nila sa pre test, pero wala na silang takas ngayon, dahil lahat ng nakita ni Prof na nagbuklat ng libro niya ay pinatayo at isa isang tinanong.
BINABASA MO ANG
Rainbow turns into Black n' White
Genç Kurgu"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ni Aeron na kinakabahan dahil alam niya ang kayang gawin ni Sky. "Come on Sky. I don't like her , I really don't. Alisin mo siya sa buhay ko. " Iyak ni Tracy na mukha ng baliw ngayon dahil sa gulo gulong buhok...