Chapter 1
Lia
Alas singko palang ng umaga gising na ako excited na kasi akong pumasok. Hep! Hindi dahil sa excited akong maglesson ah excited akong makakita ng kapwa ko estudyante. Namiss ko kasi ang sari saring emosyon na galing sa kanila. Kasi naman nung nagbakasyon kami wala namang nakakatuwang emosyon ang mga tao sa paligid , sa school maraming emosyon. Dala ko na ang backpack kong kulay dilaw sa pagbaba ko papunta kay Mamu.
"Mamu good morning!!!!" Nagulat si Mamu at sa huli napangiti nalang siya.
"Good Morning anak. Mukhang excited kang pumasok ah. 6:15 palang anak nakabackpack ka na"
"Eh Mamu maglilibot pa ako sa school namiss ko ang school. Nung nandun po ako kina Mommy puro mall lang nakikita ko."
Si Mommy ang biological mother ko si Mamu kasi ang umampon sakin nung nasa ampunan ako. Kailan lang ako natagpuan nina Mommy. Hindi ako nagtampo kina Mommy kasi at least binalikan at hinanap nila ako. Happy nga ako na may dalawa akong pamilya.
"Kumain ka na at baka mabawasan ang oras mo sa paglilibot." Natatawang sabi ni Mamu. Andaming foods sa lamesa. Pero ang nilantakan ko ay ang hotdog at bacon na alam ni Mamu na paborito ko. Halos 30 minutes akong kumain. Duh pagkain na yun bat pa ako magpapatumpik tumpik. Pag may pagkain we must learn to value it kaya kain lang dapat ng kain.
After kong maghugas ng pinagkainan ko. Dali dali kong kiniss si Mamu at nagtungo sa kung nasaan ang sasakyan ko.
"Bicy, magagamit na ulit kita yehey!" Si Bicy ay isang bisikleta na gamit ko simula ng ako'y tumuntong sa kolehiyo. Bat pa ako mag kokotse eh diyan lang naman ang school namin 10 minutes pag binike at 20 minutes pag nilakad. Exercise narin to para hindi ako maguilty sa kinain kong tatlong hotdog at limang piraso ng bacon.
Eksaktong alas syete ako nakarating sa school dali dali kong pinarada si Bicy at tumakbo para yakapin si Kuya Berto (sekyu sa school namin).
"Kuya Berto I miss you." Napatawa naman si Kuya Berto.
"Hay naku kang bata ka. Namiss din kita. Haley bumaba ka na at alam kong maglilibot ka nanaman sa school." Kinuha ko na yung pasalubong ko kay Kuya Berto sa yellow ko na backpack at inabot ko ito sa kanya. Napanganga si Kuya Berto.
"Anak ano ito? " Maluha luha si Kuya Berto at dahil dun napatawa ako.
" Hahahaha. Kuya Berto chocolate yan galing kay Mommy, T shirt galing kay Daddy, Belt galing kay Kuya at chocolate ulit galing sakin. Tapos may bigay po si Mommy na pera po para sa inyo. Thank you daw po sa pag aalaga sakin." Niyakap ako ni Kuya Berto at umiyak. Napatawa nalang ulit ako.
"Salamat pakisabi sa pamilya mo. Sige na maglibot ka na." Nag thumbs up ako kay Kuya tapos ngumiti bago tumakbo papunta sa quadrangle. Namiss ko talaga ang school. Nagtatalon ako sa sobrang saya. Napatingin naman sakin ang iilang estudyante na nandito na sa school. Nginitian ko nalang sila. Nagpatuloy ako sa paglalakad at napadpad sa corridor. Dun ko lang naisip na 7:30 na dahil andami ng tao. Lahat sila nginingitian ako. Andaming emosyon yipee.
"Oh mga miss na mukhang sasali nanaman sa beauty contest kamusta na? " Nakapamewang kong sabi. Imbes na mainis sila nginitian nila ako ng pagkatamis tamis.
"Hehehe Lia naman. Sorry na." Sabi ni Stacey na nakayuko. Niyakap ko nalang silang tatlo. Inabot ko sa kanila ang tissue na dali dali nilang kinuha sakin.
" Dapat simple lang tayo. Chicks na kayo." Ngumiti sila. Binato ko yung chocolates na dala ko saka tumakbo.
"PAG DI NIYO YAN KINAIN MAGTATAMPO AKO. SAKA NA KAYO MAGDIET!" Pahabol na sigaw ko. Saktong 8:00 nag ring yung bell. Flag Ceremony nanaman. College na ako pero di parin ako nagsasawa na kantahin ang Lupang Hinirang. Andaming bagong mukha. Malamang sa malamang may nga bagong lipat. Pagkatapos ang walang humpay na pagkanta sa Lupang Hinirang pinapunta kami sa designated classroom namin. Dumaan muna ako sa garden at uminit ang ulo ko sa natagpuan ko. Sina Kuya Jerson may binubully nanaman. Hindi nila ako nakita dahil bukod sa nakatalikod sila eh ang tatangkad din nila. Waaah bat kasi ganito ang height ko. Mukha babangasan na nila si Kuya for the second time kaya kinalabit ko na si Kuya Jerson.
"Ayyy bata!" Gulat na sabi ni Kuya Jerson na siya namang nakaagaw ng pansin sa mga kasamahan niya. Tumingkayad ako para sana pitikin siya sa noo pero di ko talaga siya abot. Napapout ako bigla kaya walang nagawa si Kuya Jerson kundi yumuko at nagpaubaya na magpapitik sakin.
"Bat ka nanaman andito. First day na first day naman oh! "Busangot na sabi niya. Tiningnan ko muna si Kuya na napagtripan nila at nakita ko may dugo yung labi niya. Napailing nalang ako.
"Kuya Jerson naman lubayan mo na si Kuya. First day na first day naman oh." Panggagaya ko sa kanya.
"Aish. Sige na. Magpasalamat ka may bubwit na humarang sakin kung wala malamang sa hospital ang bagsak mo. Alis na tayo. At Lia pumunta ka na sa classroom mo." Sabi niya bago umalis. Nakita kong patayo si Kuya. Dali kong kinalkal yung backpack ko saka ko hinugot ang band aid na may design na sunflower at isang chocolate.
"Kuya ito kunin mo. Sorry pala sa inasal nila I hope you'll have a great day. Disregard yung nangyari sayo ngayon bye." Kumaway ako sa kanya at ngumiti saka iniwan na tulala habang hawak ang chocolate at band aid. Infairness pogi si Kuya.
"KUYA ANG POGI MO PALA! " Pahabol na sigaw ko bago tumakbo.
BINABASA MO ANG
Rainbow turns into Black n' White
Teen Fiction"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ni Aeron na kinakabahan dahil alam niya ang kayang gawin ni Sky. "Come on Sky. I don't like her , I really don't. Alisin mo siya sa buhay ko. " Iyak ni Tracy na mukha ng baliw ngayon dahil sa gulo gulong buhok...