Chapter 5
Hindi na ako nagpabebe umupo na ako sa tabi niya at nilabas ang mga kakainin ko sa lunch ko. Plural talaga dapat kasi andami kong pagkain ngayon. Naalala ko na pinabaunan pa pala ako ni Mamu ng carbonara na maraming bacon.
Napatigil ako sa pagbubukas ng baunan ko at napatingin kay Kuya pogi na hanggang ngayon ay nagdradrawing parin.
Binuksan ko yung bigay ni Nathan, at hanep may fried chicken, may barbecue, may spaghetti, at mash potato pa. Magkano kaya naging sweldo ni Nathan sa pinagtrabahuhan niya. Kinuha ko yung mash potato dahil favorite ko ito at yung natira binigay ko kay Kuya pogi.
"Ano yan? " Nagtatakang tanong niya na parang ngayon lang nakakita ng pagkain na galing sa ibang tao.
"Pagkain. Masama naman yung kakain ako tapos ikaw hindi." Tinigil niya yung pagdradrawing niya at tumingin sakin.
"Hindi ako gutom. " Pagsisinungaling niya pero after 3 minutes after ng pagsisinungaling niya tumunog yung tiyan niya.
"Kunin mo na. Galing yan sa pagod ng isang tao. Masarap naman yan at walang lason yan. "
Unti unti niyang kinuha at kumagat sa fried chicken.
"Bat ka andito sa college department bata. Hindi niyo pa ba pasukan. Ang alam ko sabay ang pasukan ng College at High School sa school na ito. Inaabangan mo nanaman ba yung masasapak ng mayabang mong kuya?" Pagtatanong niya na naging dahilan kung bakit ako nabitin sa pagsubo ng carbonara.
"Una sa lahat hindi na ako bata. At lalong lalong hindi ako High School student. 3rd year College na ako. Pangalawa, hindi ko Kuya si Kuya Jerson barkada lang siya ng biological Kuya ko. Sobrang close nila ni Kuya at kahit close sila hindi ko namang misyon na kunsintihin ang maling gawain ni Kuya Jerson. Alam mo pogi si Kuya Jerson pumapangit nga lang pag nakikipagsapakan na. " Napangaga siya sa mga pinagsasabi ko. Ang daldal ko talaga.
"Kala ko Grade 7 or Grade 8 ka. Hahahaha. Height mo kasi." Haay hindi ko namang kasalanang maliit ako ah.
"Mana yung height ko kay Mommy. Si Daddy at Kuya Gio ang matatangkad talaga. 6 footer silang parehas."
"Bat ka pala andito. Sa garden mo pa talaga balak kumain eh malamang yung cafeteria wala namang masyadong tao. " Tanong niya at tila hindi pinapansin na papaubos niya na yung fried chicken.
"Maingay dun. Mas gusto ko dito mas magandang titigan si Mother Nature. Eh ikaw wala ka bang friends at mag isa ka lang dito sa garden? Bat ka pala nandito sa garden? Inaabangan mo ba si Kuya Jerson? Reresbakan mo yun? "
"Bat ako pupunta ng cafeteria eh wala naman akong bibilhin dun. Meron akong tatlong kaibigan hindi nagtugma yung schedule namin kaya wala akong kasabay kumain ngayon. Nandito ako sa garden kasi may drinadrawing ako. At wala akong balak resbakan yung Kuya mo. " Mahabang paliwanag niya.Tapos na siyang kumain at nagliligpit na. Inabot ko yung coke na bigay sakin ni Tyler. Buti hindi na siya tumanggi at malugod na tinanggap ito na may kasama pang ngiti na makalaglag panty.
Biglang pumasok sa isip ko yung kwentuhan nina Ollie tungkol sa bagong lipat hindi kaya isa siya dun?
"Don't tell me kasama ka sa apat na kinababaliwan ng bawat estudyante ngayon sa campus? " Tanong ko habang may carbonara pa sa loob ng bunganga ko. Pasensya na naintriga lang talaga ako at pag naiintriga ako nawawala yung manners ko heheheh.
"Yup. Kala ko hindi mo yan itatanong ah." Nakangisi niyang sabi.
Tama nga yung kambal may itsura nga ang apat na bagong lipat. Hindi ko pa nakikita yung dalawa pero sigurado ako na pogi din sila. Itong si Kuya na katabi ko ngayon makapal ang kilay, matangos ang ilong, may brown na mata, may dimples, maputi ang pantay pantay na mga ngipin, moreno, at matangkad (mga 5'9 siguro ang height niya). Tall, dark and handsome ika nga nila."Bat pa kayo lumipat dito eh ang sosyal na nga ng dati niyong school. Pang rick kid na. "
"Sila ang rich kid. Actually pinapaaral lang ako ng mga kaibigan ko. Hindi ko kasi kayang maging scholar kasi mahina ako sa pag aaral. Sabi ko sa kanila wag na nila akong isama sa school na lilipatan nila pero wala mapilit sila." Yayamanin ang mga friends niya ah. Pwede rin kaya nila akong gawing scholar tutal parehas lang naman kami ni Kuya na mahina sa pag aaral.
"Ang bait nila sayo ah. Nga pala anong pangalan mo? " Kanina pa kami naguusap pero hindi ko pa alam ang pangalan niya.
"Jonn Aeron Mitch Valencia, Pogi for short." Sabi niya sabay tawa ng malakas. May amats din to eh.
"Kuya Mitch nalang itatawag ko sayo. Ang sagwa kasi ng Kuya Pogi. By the way ako si Lia Anastacia Fajardo. Nice to meet you. " Sabi ko sabay abot ng kanang kamay ko na malugod niya namang tinanggap.
"Hoy Lia bulilit wag mo akong tatawaging Kuya. Nagmumukha akong 23 years old dahil sayo. Hindi nahihiglights ang pagkagandang lalaki ko." Hindi ko na kinaya at humalakhak na rin. Ang funny niya. Lakas talaga ng amats ni Kuya.
"Friends na tayo ah Mitch. " Pag pumayag siya eh di may kaibigan na ako sa Quadro.
"Yes bulilit. " Oh diba nagfailed man ako kay Angelique. Kay Mitch hindi.
"May part time job ka ba? " Tanong ko. Kasi duh imposible namang tambay lang siya. Siguro naman may pamilya siya.
"Oo, kargador ako ng banyerang isda sa palengke. Minsan gulay gulay din ang kinakarga ko. " Nagningning ang mga mata ko. Pangarap ko kasing magkaroon ng negosyo sa palengke pero ayaw ni Mamu. Madumi daw sa palengke. Sa katunayan ilang beses palang akong nakakapunta sa palengke kadalasan kasi supermarket ang pinupuntahan namin ni Mamu.
"Wow talaga! Isama mo ako minsan pag nagkargador ka ulit ha. Alam mo bang gusto kong magkaroon ng business sa palengke pero ayaw nina Mamu. Mitch isama mo ako ah. " Ginamitan ko pa siya ng pleading voice ko pero tawa lang ang naging tugon niya.
"Sige bulilit. Iinform kita kung kelan kita pwedeng isama. " Nagtatalon ako sa harap niya. Wala ng hiya hiya duh.
"Bukas dadalhan ulit kita ng lunch."
"Wag na bulilit every Tuesday lang kasi magulo ang schedule namin so every Tuesday lang tayo magkakatagpo dito."
Nalungkot naman ako. Pero syempre hindi lang naman pwedeng lunch lang kami magkita diba. Hinalungkat ko yung bag ko at hinanap ang talaan ng schedule ko.
"Patingin ng schedule mo? " At nilabas naman niya ang cellphone niyang napakaganda. Iphone ang tatak men na may patayo na camera.
"Bigay din nila sakin yan. Di ko nga alam gamitin eh. Ibabalik ko na sana kaso ayaw nilang tanggapin.
Napakagalente ng mga kaibigan nito. Kaloka. Chineck ko na yung schedule niya at Thursday lang talaga kami hindi magkikita. Sinabihan ko na rin siya na tuwing vacant niya punta siya sa Garden.
Nagkwentuhan pa kami hanggang sa nagring yung bell.
"Babye Mitch bukas ulit. " Sabi ko sabay tungtong sa upuan at pat ng ulo niya.
"Bye bulilit. Ingat ka. " Sabi niya with matching pisil pa ng pisngi ko na siguradong mamumula. Saka siya nagtatakbo.
BINABASA MO ANG
Rainbow turns into Black n' White
Teen Fiction"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ni Aeron na kinakabahan dahil alam niya ang kayang gawin ni Sky. "Come on Sky. I don't like her , I really don't. Alisin mo siya sa buhay ko. " Iyak ni Tracy na mukha ng baliw ngayon dahil sa gulo gulong buhok...