Chapter 16
Second day na ngayon ng September. At ngayon ko lang naisip na tatlong buwan na pala ang lumipas mula ng magsimula ang klase. Dito kasi sa school na ito hindi uso ang pasukan na August mas madaming problema daw ang maaring sumulpot pag August ang pasukan, saka hassle din daw.
Matapos ng pagkrukrus namin ng landas ni Angelique last week feeling ko tinotoo niya lahat ng sinabi niya. Kasi naman kinabukasan pagpasok ko yung ibang classmates ko na ngiti ang bungad sakin naging pagsimangot na at pag irap. Nalaman ko na lang sa mga kambal na kinakalat daw ni Angelique na sinadya ko daw na banggain siya kaya siya nadapa at sinabihan ko pa daw siya ng masasakit na salita. Sabi pa ni Autumn na umiiyak pa daw siya habang nagkwekwento kaya hindi ko naman masisi ang ibang classmates ko kung bakit sila naniwala kay Angelique agad. Imbes na sabihin ko ang totoo hinayaan ko nalang, feeling ko kasi paninindigan ni Angelique ang kwento niya, kwento niyang hindi naman totoo.
Professor namin ngayon si Prof Villarica. Ito nanaman ang walang humpay na Organic Chemistry. Iniba din ng kaunti ni Prof Villarica ang seating arrangement namin. Katabi ko ngayon si Autumn, nasa likod parin ako, at nasa harapan ko parin si Angelique. Ayaw akong iharap ni Prof kasi daw antukin ako at kung ano ano daw ang ginagawa ko. Mataas daw ang tendency na maistorbo siya pag nasa harap ako.
Habang nagtitake notes si Autumn sa mga sinasabi ni Prof bigla niyang nasagi yung lalagyan niya ng ballpen, ako na sana ang pupulot kaso pinigilan niya ako. Nung ilalagay na sana ni Autumn yung isang ballpen biglang nasulatan niya yung paa ni Angelique. Halos matakasan ako ng dugo sa mukha at kusang lumaki ang mata ko. Patay.
"Sorry Tra-----" Hindi na natapos ni Autumn ang sasabihin niya at biglang nalang hinigit ni Angelique yung buhok ni Autumn.
"Professor. Please forgive me for doing this to her. She's pestering me since day one. And she's getting on my nerves. " Halatang masakit ang pagkakasabunot ni Autumn kay Angelique dahil napapaaray si Autumn.
Napanganga lahat ng kaklase ko. Don't tell me napagkamalan niyang ako si Autumn. Sabagay parehas kami ngayon ng kulay ng damit. Pero hindi man lang niya napansin yung height difference. Pipigilan ko na sana si Angelique pero bigla ulit itong nagsalita.
"Prof Hudson told us that if we encounter problems regarding our environment we should tell it to whoever professor we know. AND THIS LITTLE GIRL IS MY PROBLEM! TO TELL YOU HONESTLY PROFESSOR SHE'S JUST AN IMPOSTOR. LAST WEEK SHE INTENTIONALLY HURT ME AND TOLD ME HURTFUL WORDS THAT EVEN DOGS CAN'T EAT! SERIOUSLY YOUR STUDENTS HERE DON'T HAVE MANNERS!" Sigaw niya.
Pinipigilan na siya ni Clover, isa sa mga friend niya, pero ayaw paawat at talagang sinabunutan pa lalo si Autumn. Si Prof Villarica naman nakatingin lang sa kanya na walang emosyon at tila hindi natutuwa sa nakikita at naririnig niya.
"PROFESSOR PLEASE TAKE ACTIONS TO THIS OR ELSE. " Pagbabanta niya.
"Or else what Ms. Monteclaro? You'll transfer to another school? "Seryosong sabi ni Professor Villarica. Mukhang anytime sisigaw na siya ng pagkalakas lakas. Nararamdamam ko kasing hindi siya kalmado right now.
"Yes Prof Villarica if that's the only thing I can do if you don't take actions to my problem. " Matapang na sabi niya.
"I see. " Sabi naman ni Prof Villarica. Parang nanonood lang ako ngayon ng isang teleserye. Kung normal lang na araw ito sisigaw ako ng "CUT" at magjojoke, pero hindi eh dawit ako dito kahit si Autumn ang sinasabunutan niya ngayon.
"Professor I just want to tell you that your all time favorite student, Ms. Fajardo is not good at all. She can hurt someone she don't like, see what happened to me, knowing that I am just a transferee. Gosh. " Napasinghap naman ang mga classmates ko pati na rin yung mga friends ni Angelique. Si Prof Villarica naman napaevil smirk ng wala sa oras.
"It seems like you're not telling the truth Ms. Monteclaro. Maybe you're the one having grudges to Ms. Fajardo. " Sabi ni Prof habang unti unting lumalapit kay Angelique na hanggang ngayon ang higpit parin ng hawak sa buhok ni Autumn.
"What are you talking about Prof. I'm just fighting for my rights as a student and I'm telling the truth. Favoritism sucks. I can't believe that even here in college, it exist. " Mataray na sabi ni Angelique na kulang nalang irapan si Prof Villarica.
"Just a simple reminder, before you create a commotion think about your goal first. Choose strategies over commotions. Why? Having strategies will create a natural commotion. Ms. Monteclaro I've expected too much from you. And your gripping Ms. Reyes' hair and not Ms. Fajardo's hair. " Pagkasabing pagkasabi yun ni Prof Villarica namutla si Angelique at unti unting binitawan ang buhok ni Autumn na ngayon naman ay umiiyak na.
"I-m Ss-or-rry. " Utal na utal na sabi ni Angelique habang nakayuko na ngayon. Si Prof naman bumalik sa harapan na may seryosong mukha parin.
"Ms. Monteclaro, Ms. Fajardo is everyone's favorite classmate and student. Because she's true to her words. She's an impostor. Yes I agree with you. Because the moment that you will see her again this day she will greet you with a smile, and she will not let you know that she is hurt for what you told her today. " Nakayuko naman ako. Hindi ko alam kung bat hindi ako masaya sa papuri ni Prof Villarica.
"But for you to be satisfied. We will take actions to your problem. You told me that she intentionally hurt you and blabber things that hurt you emotionall? Okay then I will request to the dean to review the CCTV footage of that scenario. Anyway, where did it happen?" Walang sumagot samin. Tahimik ang lahat, parang may dumaang multo.
"Ms. Monteclaro don't want to answer. Maybe I can ask Ms. Fajardo. Where did it happen? " Dahan dahan akong tumayo. Hindi ko alam yung isasagot ko. I mean hindi ko alam kung sasagutin ko ba yung tanong ni Prof.
"Prof sa may corridor po. Malapit po sa official classroom namin. " Sabi ko ng dahan dahan. Tinanguan na lang ako ni Prof Villarica kaya umupo na ako.
"Okay. I'll inform you Ms. Monteclaro the results of our investigation regarding your problem. I'll tell you personally if Ms. Fajardo is worth the action. Class dismiss. " Sabi ni Prof Villarica sabay labas.
Agad agad namang nilapitan ng mga friends niya si Angelique na ngayon ay umiiyak. Pero after ilang minuto umalis din siya sa classroom.
Nilapitan ko si Autumn at niyakap.
"Autumn sorry ah. Nasaktan ka pa tuloy dahil sakin." Sabi ko habang sinusuklay ang magulo niyang buhok.
"Wala ka namang kasalanan. Umiiyak ako kasi masakit talaga yung pagkakasabunot sakin ni Tracy. " Sabi niya na may tumutulong luha sa mata niya. Lumapit na rin samin yung tatlong kambal.
"Naku yung Tracy namang yun napakaechosera. Bagay sa kanyang mapahiya. Napakasinungaling na bata. Brat." Pagrarant ni Lillie.
Para sakin hindi deserve ni Angelique na mapahiya. Naiintindihan ko naman siya kung bat niya nagawa yun.
"Kung ako sayo Lia, pagkarinig ko palang na sinisiraan niya ako, kinompronta ko na. " Sabi naman ni Laillie.
"Pag kinompronta ko siya mas lala yung sitwasyon at mamaya isipin ng iba na totoo talaga yung mga sinasabi niya. At ayoko talaga ng napapaaway ako. " Madamdaming sabi ko. Sabay sabay naman silang napatampal sa noo nila.
"Ang problema sayo, ang bait mo. " Pagrereklamo ni Ollie.
Habang nagsusuggest sila nang mga pwede kong gawin may lumapit saming tatlong babae na nakayuko.
"Lia sorry." Sabay sabay nilang sabi.
"Bat kayo nagsosorry?" Sa pagkakaalam ko kasi wala naman silang nagawang kasalanan sakin.
"Kasi pinaniwalaan namin si Tracy. Sorry talaga." Sabi ni Kyla na nakayuko ngayon na parang hiyang hiya.
"Okay lang yun. Wala naman kayong kasalanan normal lang na maniwala kayo sa ibang tao. Okay lang talaga yun. Cheer up. " Pag aassure ko sa kanila. Sabay sabay nila akong niyakap at sabay sabay din silang tumakbo palabas ng classroom.
"Bat ba natin kaibigan tong si Lia. Napaka anghel ang ugali tayo napakademonyo." Sabi ni Lillie habang nakapose ng nagiisip.
"Kaya nga natin siya kaibigan, para kahit papano hindi tayo 100% evil." Dagdag naman ni Ollie.
Sabay sabay kaming napatawa at nagdesisyong pumunta nalang sa next class namin. Sa kabila ng lahat iniisip ko at pinagdadasal ko na sana okay lang si Angelique.
BINABASA MO ANG
Rainbow turns into Black n' White
Teen Fiction"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ni Aeron na kinakabahan dahil alam niya ang kayang gawin ni Sky. "Come on Sky. I don't like her , I really don't. Alisin mo siya sa buhay ko. " Iyak ni Tracy na mukha ng baliw ngayon dahil sa gulo gulong buhok...