Chapter 13

13 2 0
                                    

Chapter 13

Aeron

Kabababa lang ni Lia sa tricycle, kaso nagulat ako nang may sumunod sa kanya. Nasa mga mid 30's siya. Kutis mayaman at kasalukuyang nakataas ang kilay sa akin ngayon. Napalunok ako ng wala sa oras. Ito ang Mommy ni Lia. Bat di ko naisip na hindi agad siya papayagan na sumama sa isang bagong kaibigan at sa palengke pa ang tagpuan.

"Mitchhh! " Sigaw ni Lia na patalon talon habang papunta sakin. Kinawayan ko na lang siya.

"Ikaw ba yung bagong kaibigan ng anak ko? " Taas kilay na tanong ng Mommy ni Lia. Parang nawalan ako ng boses. Buti na lang sumigaw yung utak ko na WALA NAMAN KAYONG GAGAWING MASAMA , kung hindi iniwan ko na si Lia at tumakbo palayo at pinagpatuloy na lang ang trabaho ko.

"Opo. Pasensya na po kayo hindi ko po nasundo man lang yung anak niyo po sa bahay niyo po. " Doble doble ang paggalang ko ngayon na sobrang nakakapanibago.

"Kinukwento naman sakin ng anak ko na pinilit ka lang niya na sumama sa trabaho mo. Iho pakiusap ko sayo kung maari sana iwasan mong magalusan o kung ano mang pwedeng mangyari sa kanya na hindi maganda. Hindi ko kasi napaalam sa kuya niya na may pupuntahan siya ngayon na kasama ang bagong kaibigan niya. " Hindi na nakataas ang kilay ng Mommy niya pero nakasimangot parin siya.

"Mamu naman. Hindi naman masamang tao si Mitch bat ganyan po yung tingin niyo sa kanya. Saka po yakang yaka ko po ito Mamu. Wag ka na pong mag alala. " Sabi ni Lia sabay yakap kay Mamu niya. Napaiwas ako ng tingin. Naiinggit kasi ako pag nakakakita ako ng mga mag ina na sweet sa isa't isa.

"Opo Ma'am. Makakasigurado po kayong babantayan ko po yung anak niyo po. "

"Oh sige iho, mauna na ako. Pakibantayang mabuti si Lia. Salamat. " Sabi ng Mommy ni Lia na sa wakas ngumiti na sakin. Pagtingin ko kay Lia ayun tulala na habang nakatingin sa entrance ng palengke.

"Iho bago ko makalimutan kunin mo itong pera. May pera naman si Lia pero nararamdamam kong madaming bibilhin yun at pangkain niyo na ring dalawa. " Sabay abot sakin ng isang libo.

"Naku Ma'am wag na po. Libre ko nalang po si Lia. May natira pa naman po akong baon kahapon po. " Sa tanang buhay ko isang babae lang ang pinayagan kong manlibre sakin at yun ay si Nanay. Never nga akong nagpalibre kay Tracy eh.

"Sige na iho tanggapin mo na. At saka wag ng Ma'am ang itawag mo sakin, Tita na lang. Pasensya na kung nasungitan kita kanina. Bago lang kasi yung pangalan mo sa pandinig ko at lalaki ka pa. Kaya hindi ko mapigilang mag alala. At iho, hindi ko pa pinapayagang magpaligaw si Lia ah. Sige na mauna na ako marami pa akong gagawin sa bahay." Ngumiti na lang ako kay Tita. Sumakay na si Tita sa tricycle at hindi na inabala si Lia na ngayon ay nasa isang maliit na tindahan ng gulay. Napakamot naman ako sa ulo ng maalala ko yung sabi ni Tita tungkol sa panliligaw something.

"Tara na muna sa trabaho, mamaya ka na diyan. " Sabi ko sabay hila sa braso ko. Pagkarating namin sa bagsakan ng mga isda nagningning ang mga ni Lia at halos magdive na sa isang batya ng isda.

"Bulilit tayo diyan dun ka muna sa gilid. " Sabi ko kaya napaatras siya.

"Oh Eron, sino yang kasama mo? Pinsan mo? O baka naman kasintahan mo? Ganda niya ah. " Pang aasar ni Mang Lucio. Si Mang Lucio ang isa sa pinakamatagal na nagtratrabaho dito sa palengke at parang tatay na rin ang turing ko sa kanya.

"Kayo naman Mang Lucio. Kaibigan ko po. Nagpumilit na sumama sakin. Mukhang ilang beses nga lang po siyang nakakapunta po dito sa palengke, mall po kasi ang palengke niyan. " Napatawa naman si Mang Lucio, paglingon ko kay Lia, kinakausap na niya si Mang Ambo. Si Mang Ambo naman ang kapatid ni Mang Lucio.

"Mang Ambo kunin ko lang po itong bulilit na ito. "

"Ay Eron kaibigan mo pala si Lia. Napakabait na bata ayy. Sa katunayan binigyan niya ako ng tsokolate. " Sabi ni Mang Ambo na tuwang tuwa na parang bata. Pagtingin ko naman kay Lia ayun nakangiti siya. Ngumiti na lang ako kay Mang Ambo at hinila si Lia.

"Magtakip ka ng ilong mo mabaho. At diyan ka muna sa mga pwesto ng gulay. " Sabi ko sabay abot ko sakanya ng paborito kong panyo.

"Bigyan mo yung mga kasama mo ng chocolates. Para naman magkaroon sila ng more energy." Sabi niya sabay abot sakin ng isang supot ng iba't ibang chocolates. Pagkatapos niyang ibigay sakin pumunta na siya sa mga pwesto ng gulay.

Binigyan ko lahat ng mga kasama ko ng chocolates. Tuwang tuwa sila at tinatanong kung kanino galing. Imbes na ako na yung sumagot si Mang Ambo na ang sumagot.

Isang oras akong nagbuhat ng banyerang isda. Madaming order ngayon ah. Nagpahinga muna ako ng ilang minuto at nagpalit na ng damit ko. Nakakahiya naman kasi kay Lia.

Hindi naman mahirap hanapin si Lia kasi nakita ko siyang nasa pwesto ni Aling Meding at tumutulong sa pag aayos ng gulay. Si Aling Meding naman ay tuwang tuwa at halata mo ang kislap sa mga mata niya.

"Aling Meding kinukulit po ba kayo ng bulilit na ito? " Naagaw ko ang pansin nila. Napatawa naman si Aling Meding sa tanong ko.

"Aeron ang bait ng kaibigan mo. Alam mo bang tinulungan niya din akong magbenta kanina, pati customers ko tuwang tuwa sa kanya. Ang bait bait na bata. " Sabi ni Aling Meding habang pinipisil ang pisngi ni Lia.

"Mabait po talaga yan kaso sobrang kulit at sobrang daldal din po. Buti po hindi niyo pala napagkamalang high school po yan. " Pang aasar ko kay Lia. Napatawa naman si Aling Meding at kinurot naman ako ni Lia.

"Kala ko nga Grade 7. Dalhin mo ulit siya dito ah. Siya na lang ang dalhin mo dito kaysa dun sa isa mong babaeng kaibigan na napakaarte. " Sabi ni Aling Meding na tinutukoy si Tracy. Kilala din nila si Tracy, at dahil brat yun, kulang na lang ipagtabuyan nila si Tracy pag pumupunta dito.

"Sige po Aling Meding kunin ko na po si Lia. Di pa po yan kumakain. At opo dadalhin ko po siya dito po sa susunod. " Hinila ko na ngayon si Lia, pero ayaw sumama. Hindi daw siya gutom, maaga pa daw. Haay pinaandaran pa ako ng palusot niya.

Bago siya sumama sakin yinakap niya muna si Aling Meding at binigyan ng madaming chocolates. Yung totoo, may factory ba siya ng chocolate sa bag niya. Nakita ko namang naluha si Aling Meding. Siguro naalala nanaman niya yung nag iisang anak niyang namatay. Sinuot naman ni Aling Meding kay Lia yung bracelet niya.

"Salamat po Aling Meding. Babalik po ako ah. " Sabi niya. At tumingkayad siya para halikan sa pisngi si Aling Meding, saka siya tumakbo palayo. Nginitian ko na lang at kinawayan si Aling Meding na kasalukuyang nagpupunas ng luha niya ngayon.

Halos lahat ng madadaanan naming pwesto kinakausap niya. Buti na lang at halos kilala ko lahat ng tao dito kaya pinapakilala ko na lang siya. Yung iba naman halos ayaw ng paalisin si Lia. Andami dami din nilang binibigay kay Lia. Lahat sila tuwang tuwa kay Lia. Andaming nagrerequest na pabalikin ko siya at tanging ngiti na lang ang tinugon ko. Nararamdamam ko na pagtumakbo ito bilang presidente mananalo siya.

Naramdaman ko yung pagod ng maupo kami sa isang kainan ng lugaw. Mas nakakapagod ang pagbabantay kay Lia kaysa ang pagbubuhat ng kilo kilong isda at gulay. Para akong nag alaga ng sampung makukulit na bata. Jusko po.

Rainbow turns into Black n' WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon