Chapter 8

15 2 0
                                    

Chapter 8

Nagtatayuan na ang mga classmates ko. Lunch break na kasi namin. Wala ngayon yung mga boys na nagbibigay sakin ng free lunch iba iba kami ng schedule ngayon. Dali dali ko ng niligpit ang mga gamit ko dahil baka mairita nanaman sakin si Angelique.

May naging friends na rin si Angelique at happy naman ako sa kanya. Naging friends niya rin yung mga bagong transfer din na estudyante na kala mo naman sasali ng beauty pageant sa kapal ng make up. Mas makapal pa sa make up nina Stacy. At ito ang big news tuwing makikita nila ako lagi nila akong iniirapan na parang sobrang laki ng kasalanan ko sa kanila. Close din sila kay Angelique. At sila lang yung madalas kausap ni Angelique dito sa room. Halos parehas na parehas din kasi sila ng schedule.

Papunta na ako ngayon kay Kuya Berto. Hindi kasi available si Mitch ngayon. Maglalunch siya with his friends na mga RK. Madalas kaming sabay ni Kuya Berto kumain. Magandang kakwentuhan si Kuya Berto kaya gustong gusto ko siyang kausap.

"Hi Kuya Berto lunch na tayo. " Pag aaya ko sa kanya. Ready na si Kuya Berto kasi bukas na yung baunan niya.

"Kala ko kakain ka ngayon kasama ng bago mong kaibigan? " Pagtatanong niya.

Kilala niya rin si Mitch. Nabanggit ko kasi siya nung tinanong niya ako kung bat madalang na lang kaming kumain ng sabay.

"May lakad po Kuya Berto." Tumango na lang siya at hinanda na ang upuan ko.

Actually dalawa silang guard sa morning si Kuya Berto at si Kuya Caloy. Hindi namin nakakasabay sa pagkain si Kuya Caloy kasi umuuwi siya sa bahay nila.

Pagbukas ni Kuya Berto ng baunan niya kumalam ang sikmura ko. Pano ba naman kasi may inihaw na isda tapos tortang talong. Kwento sakin ni Kuya Berto na lagi daw nagigising ng maaga ang misis nito para maghanda ng babaunin niya at pang agahan na rin niya.

"Oh bigay ni misis. Para daw sayo." Abot sakin ni Kuya Berto. Pagbukas ko ng baunan may boneless na bangus at tortang talong din.

"Kuya pasabi salamat ah. Mabubusog po talaga ako dito. " Tumango si Kuya at magiliw na kumain.

"Bat ba ayaw mo sa cafeteria niyo? Imposible namang wala kang kaibigan at lalong imposible na wala kang pera. Hindi ka ba nahihiya na kasabay mo yung sekyu ng school niyo? " Pagtatanong ni Kuya Berto sa kalagitnaan ng pagkain namin. Napabusangot ako ng mukha sa tanong niyang yun.

"Kuya Berto ayaw kong sumabay sa mga kaibigan ko kasi hindi lang sila makakain ng maayos dadaldalin ko sila tapos iaalok nila sakin yung mga pagkain nila. Kaya ang resulta wala silang masyadong makakain. Tapos po, bat naman ako mahihiyang kasabay kayong kumain. Hindi naman po bawal yun. Makitid nalang po siguro yung utak ng magiisip na nakakababa ng tingin ang pagkain kasama ang isang security guard." Mahabang paliwanag ko. Tumango tango na lang si Kuya Berto na naamaze nanaman sakin.

"Nga pala Kuya Berto nakita mo na po ba yung apat na bagong lipat na galing po sa Smith International School? " Pagiintriga ko. Malay mo may makuha akong impormasyon mula kay Kuya Berto. Malay mo talagang artisita sila nagdidisguise lang.

"Ah yung tatlong lalaki tapos isang babae? Oo nakita ko na sila. Halatang may kaya sa buhay." Imposibleng hindi pa nakikita ni Kuya yung mga yun baka nga nirequest pa nung dean namin na itour sila dito.

"Kamusta naman po sila? " Pasimpleng tanong ko.

"Parang sobrang close naman namin. Itong batang ito talaga. Tahimik lang sila. Sa kanilang apat mukhang isa lang sa kanila yung maamo." Baka si Mitch yun. Baka si Mitch lang ang maging kaibigan ko sa kanilang apat. Sad naman.

"Yung babae maganda. Pang beauty queen pero halata mong ubod ng suplada. Nginingitian niya ako pero hindi ko kayang ngumiti pabalik dahil sa aura niya. Yung masiyahin naman, gwapo. Palangiti tapos lagi akong binabati tuwing papasok at lalabas siya ng school. Yung isang kasama nila mestiso. Tahimik at panay ang hawak sa libro minsan pa nga nagbabasa habang naglalakad. At yung mukhang lider nila nakakatakot ang aura alam mo na agad na hindi siya basta basta, sumisigaw ng karangyaan ang batang yun. Nakakatakot siya sa totoo lang. Pero siya ang pinakagwapo sa lahat." Mahabang paliwanag ni Kuya Berto. Oh diba andami kong napulot na balita mula Kay Kuya Berto.

Hanggang sa pagupo ko sa classroom inaabsorb ko parin lahat ng sinabi ni Kuya Berto. Mukhang si Mitch lang talaga ang magiging kaibigan ko sa kanila. Baka pag inaapproach ko yung palabasa ng libro hindi ako pansinin at baka pag inapproach ko naman yung leader nila baka ipahintay ako sa kanto at bugbugin. Haaay. Napakabrutal ko talagang mag isip.

Naputol ang pagmumuni muni ko ng dumating ang prof namin sa Biotatistics . Hindi ko alam kung bakit may subject kaming related sa Math. Dapat Science lang ang focus namin. At ang matindi pa ang professor namin dito ay hindi ko ganun nakakausap dahil sobrang nakakatakot siya. Lagi niya akong pinagsasabihan ng life lessons at lagi niya akong pinapagalitan. Para siyang nanay. Pero sa totoong buhay wala talaga siyang anak at asawa. Kaloka.

"Good afternoon class." Pasosyal na sabi niya. Wala kaming nagawa kundi bumati pabalik kahit na tila nakaglue na yung bibig namin.

"I can see new faces today. And I will not bother to let you introduce yourself because I am sure that you already know each other. Without further a do I'll give you a pre test for me to know if you have some stock knowledge on your previous lesson regarding statistics. " Andaming gustong umangal pero wala na kaming nagawa ng magsulat na si Prof sa board ng pagkarami raming numero.

Hindi ko naman alam kung paano sagutan ito. Kung kay Prof Villarica at Prof Calbario pwede akong magsagot ng word na "SORRY" dito kay Prof Castilliogne hindi pwede. Pilit ko na lang inalala yung mga tinuro sakin at talagang napilitan akong ilagay kung ano ang sa tingin kong tamang sagot.

After 20 minutes pinapass na sa amin yung mga papers namin. Chineck niya rin ito ng agaran.

"So most of you can't remember your previous lessons about statistics. And I'm quite impress that one of our transferees aced this pre test. Ms. Monteclaro three mistakes." Andaming napabaling ng tingin sa kanya. Pero nakaupo lang siya at hindi man lang liningon ang mga nagpapansin kong classmates. Ang talino niya talaga. Girlfriend material.

"But what surprised me the most. Someone got a perfect score." Intergalactic ang utak naman nun.

"Ms.  Fajardo are you sure you answered this on your own? " Nagtatakang tanong ni Prof Castilliogne.

"Yes po ma'am. Hehehe." Tinaasan niya ako ng kilay na parang nagdududa.

"Well congrats you got a perfect score." Pagkasabing pagkasabi ni Prof ng ganun naglipana ang kantyawan ng mga classmates ko. Ako naman pangiti ngiti. Hindi ko nanaman alam kung bat naging tama ang mga yun.

"Professor Schiter told me that you're good in Mathematics. And he maybe correct. Keep it up."

Naging love ako ni Prof Schiter ng makitaan niya daw ako ng galing sa Mathematics. Pinagyabang pa talaga ako ni Prof Schiter katouch.

"Ms. Fajardo gather your things and sit here in front. So class read chapter 1 and 2 of your book. And next meeting we will have a graded recitation. Class dismissed. " Bloody hell.

Papunta na ako sa next class namin pero paglingon ko nakita ko si Angelique na ang sama ng tingin sakin. Nanaman. Haay buhay.

Rainbow turns into Black n' WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon