Chapter 12
Kabababa ko palang mula sa pagpapalit at pagkuha ng cellphone ko sa kwarto ko ng maamoy ko yung niluluto ni Mamu for dinner. Nakakagutom sobra.
"Mamu ano po yang niluluto niyo? " Tanong ko habang tinitikman yung brownies na gawa niya kanina.
"Chopsuey nak. Mag gulay din tayo, puro ka karne. Papagalitan ako ng Kuya Gio mo pag nalaman niyang araw araw kitang pinapakain ng bacon. " Napapout nalang ako. Close si Mamu at Kuya Gio. Para rin silang mag ina tuwing magkasama sila.
Nung nagtrabaho na si Kuya sa ibang bansa andamin dami niyang binilin kay Mamu na bawal para sakin. Minsan nga napapaisip ako kung kuya ko ba talaga siya o tatay.
"Nga pala anak baka maya maya tumawag si Kuya Gio mo sa Skype. Tinext niya sakin kanina. Miss na daw niya yung cute mong mukha. " Pagpapaalala sakin ni Mamu. Last akong tinawagan ni Kuya, eh isang linggo ng nakakaraan, pero tinetext niya naman ako araw araw.
Naisip ko na kalikutin nalang yung laptop ni Mamu. Ang alam ko may bago siyang business, online. Para na rin hindi ako maboring habang naghihintay ng pagkain at tawag ni Kuya. Pagtingin ko sa gallery puro mukha ko simula bata ako hanggang sa magkamuwang na ako sa mundo. May pictures din kami nina Mommy dito. Meron pa yung picture na kaming apat si Mamu, si Mommy, si Kuya, at ako. Ang saya saya namin diyan. Nakakalungkot nga lang wala sa picture si Daddy at Dada.
Nagulat ako ng umupo sa tabi ko si Mamu."Mamu di ka pa po tapos magluto?" Tanong ko habang nagiiscroll parin sa gallery.
"Hindi pa nak. Niluluto ko pa yung kanin tapos may pinapakuluan akong soup."
Sa dami ng pinapakain sa akin ni Mamu laging nagtataka si Kuya kung bat daw hindi ako tumataba. At kung may tumataba man daw sa akin yun ay ang pisngi ko. Pagbibiro naman ni Mamu, baka daw madami akong bulate. Kadiri.
Nasa kalagitnaan kami ng pagtingin ng pictures ng biglang tumawag si Kuya. Bumungad samin yung napakapogi niyang mukha pero halatang walang sapat na tulog dahil sa malulusog na eye bags.
"Kuya I miss you po. Hindi mo na ako madalas tawagan. Di mo ba ako namimiss. " Pagpapacute kong sabi. Napatawa naman silang dalawa ni Mamu.
[Prinsesa, namimiss ka syempre ni Kuya. Alam mo namang in demand ang kapogian ni Kuya kaya andaming binibigay saking work. ] Kung kanina sabay silang napatawa ni Mamu ngayon naman sabay kaming napakamot ng ulo ni Mamu.
"Opo kuya napakapogi mo po. Ikaw ang pinakapoging lalaki sa paningin ko. Asan po pala kayo ngayon kuya?" Saka ko lang narealize na grabehan yung pambobola ko ng sumimangot si Kuya. Pero totoong pogi yung kuya ko ah.
[Nasa office ako prinsesa. Mama andyan pala kayo. Kamusta na po kayo? Sumasakit po ba yung ulo niyo po sa prinsesa po natin? ] Binaling ko ngayon yung paningin ko kay Mamu na nagniningning ang mata na makita si Kuya.
"Anak ok naman ako dito at ang prinsesa natin makulit pa rin naman pero hindi pa naman niya pinapasakit ang ulo ko. " Sabi ni Mamu sabay yakap sa kin.
[Mama sabihin niyo lang sakin kung may problema kayo diyan especially po pag financially, or pag may babayaran po si Lia sa school po. ] Sina kuya rin ang nagbayad ng tuition ko this school year. Sabi naman ni Mamu okay lang pero nagpumilit si Kuya at Mommy.
"Okay pa naman kami at wala pa namang binabayaran si Lia sa school. Asan nga pala si Mommy mo? " It's either may meeting si Mommy o nagpapahinga.
[May meeting po Ma. Pero sabihin ko pong tumawag po siya sa inyo. ] Napahikab si Kuya at sabay kaming nagtinginan ni Mamu.
"Kuya magpahinga ka rin mukhang pagod na pagod ka na sa paningin ko po. Ayoko po ng nagkakasakit ka kuya. "
"Oo nga anak. Kumain ka rin ng mabuti. Ilang minuto lang naman ang pagkain kaya ireward mo na yun sa sarili mo ah. Ikaw nakafocus ka nanaman sa work mo. " Pangaral ni Mamu. Napangiti na lang si kuya.
[Prinsesa, Ma, okay lang po ako. Opo magpapahinga po ako mamaya tapos kumakain rin naman po ako. Wag na po kayong mag alala .] Tumango na lang si Mamu na halatang nag aalala kay kuya.
[Ma, Prinsesa trabaho na po ako. Tawag po ako ng madalas sa inyo para po hindi po kayo mag alala.]
"Anak ah wag mong pababayaan ang sarili mo. Magpahinga at kumain. Wag kang masyadong nagpapastress nakakapangit yan anak. Sige anak ingat ka diyan. " Napatawa nalang si Kuya.
[Oo Ma. Ma yung prinsesa natin alagaan mo Ma ah. Tapos po mama pag gusto niya pong kumain ng mga unhealthy foods po wag niyo pong payagan.] Tumango nalang si Mamu. Sus hindi naman ako matitiis ni Mamu. Pagnagpacute lang ako sa kanya papakainin niya na ako ng maraming foods, especially bacon.
"Kuya I miss you talaga. Ingat ka po diyan. And take care always. I love you super duper super. " Sabi ko sabay kiss sa screen ng laptop.
[Opo prinsesa. I miss you din. Kuya wants to hug you badly. I love you, sobra.] Kiniss din ni Kuya yung screen.
[Ma, pakamusta po at payakap ako kay Papa. Sige po. Ingat po kayo diyan. ] Sabi ni Kuya sabay patay ng tawag. Si Mamu naman tumayo at halatang nalungkot sa bilin ni Kuya. Ganyan talaga ang epekto pag nababanggit si Dada.
Inihain na ni Mamu yung dinner namin at tahimik kaming kumain. Wala kasing word na pwedeng lumabas ngayon sa bunganga ko. At halatang ang lungkot ng atmosphere. Haay.
Kakatapos lang ng first subject namin at vacant namin ngayon. Sa pagkakaalam ko pati si Mitch vacant din niya ngayon. Dumiretso na ako sa garden. Wala naman kasi akong pupuntahang iba. At mas nakakarefresh dito. I love you Mother Nature.
Sa pagmumuni muni ko biglang may gumulat sakin at halos mapabalikwas ako. Alam kong si Mitch yun kaya sinamaan ko siya ng tingin at ayun tawa siya ng tawa may papadyak padyak siya. Umupo na lang siya sa tabi ko na parang walang nangyari.
"Nagtagpo ulit tayo ah bulilit." Pang aasar niya. Inirapan ko nalang siya. Pero bigla niyang hinawakan yung dalawang gilid ng labi ko at inestrech at tila pinipilit akong ngumiti. Pero syempre para maasar ko siya sumimangot ako.
"Bulilit di mo naman ako bati, sayang naman aayain sana kita bukas para samahan ako sa palengke. Sige wag na lang. " Nawala yung balak kong pang aasar sa kanya at sumiksik sa gilid niya.
"Bati na tayo Mitch hehehe. Ikaw naman syempre nagjojoke lang ako. " Pero umurong siya palayo sakin. Parang nabaliktad yung senaryo ah. Pero sumiksik ulit ako sa tabi niya.
"Okay lang naman bulilit. Wag mo nalang akong samahan. Okay lang talaga. " Kiniliti ko siya. At nung tiningnan niya ako ng masama yumuko na lang ako. Kunwari nagtatampo na lang ako. Umalis ako sa pagkakasiksik sa kanya at lumayo konti. Tiningnan ko siya at nakatingin naman siya sakin kaya nagpout nalang ako.
"Nakakainis naman. Bat hindi ko kayang magalit sayo. Ganyan din ba yung nararamdamam ng mga kaibigan tuwing may ginagawa kang masama?! Feeling ko tuloy walang kayang magalit sayo. " Sabi niya sabay kurot ng pisngi ko. Bat ba palaging yung pisngi ko yung pinagdidiskitahan nilang lahat.
"Sama ako bukas ah. Please please. " Sabi ko with matching puppy eyes pa.
"May magagawa pa ba ako. Paalala ko lang sayo 5 A. M. dapat andun ka na at wag kang magsusuot ng pang sosyal, alam mo naman sigurong madumi ang palengke. Wag kang magshoshorts ah. Naku pag nagsuot ka bukas ng short ihahatid agad kita pauwi." Kulang nalang itake note ko yung reminder ni Mitch. Kaloka ah.
Halos mapanganga ako nung naisip ko na 5 A. M. dapat andun na daw ako. Patulog palang ata ako nun ah. Pero okay lang ang gumising ng maaga para naman iyon sa pagkatagpo ko ng new environment.
"Sige. " Sabi ko sabay thumbs up. Ang problema ko na lang ay kung paano ako magpapaalam kay Mamu.
"Oh time na pala. Kitakits tayo bukas bulilit. Hintayin na lang kita sa tapat ng palengke." Sabi niya sabay takbo.
BINABASA MO ANG
Rainbow turns into Black n' White
Teen Fiction"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ni Aeron na kinakabahan dahil alam niya ang kayang gawin ni Sky. "Come on Sky. I don't like her , I really don't. Alisin mo siya sa buhay ko. " Iyak ni Tracy na mukha ng baliw ngayon dahil sa gulo gulong buhok...