Chapter 22
Patulog na kami ngayon ni Mamu. Sabay kaming nag dinner kanina, nagtataka nga si Mamu kung bat daw ngiting ngiti ako. Sabi ko na lang ikwekwento ko sa kanya later, pero hanggang ngayon di ko parin kayang magdaldal dahil kinikilig parin ako. Imposible ding makatulog ako ngayon dahil sa dami ng iniimagine ko. Kaya pumunta nalang ako sa room ni Mamu. Ikwekwento ko nalang sakanya yung nangyari baka sakaling kumalma ang puso ko. Naabutan ko siyang naglalaptop. Siguro dahil yan sa business niya.
"Mamu pwede ba akong tumabi sa inyo matulog? " Tanong ko. Magiliw namang ngumiti si Mamu at inaya ako sa tabi niya. Sinara na rin niya yung laptop niya. Mukhang walang makakatulog saming dalawa ah.
"Mamu may crush ako. " Paguumpisa ko. Kinikilig talaga ako.
"Sino naman ang maswerteng lalaking yan at crush siya ng prinsesa namin. " Sabi naman ni Mamu. Kaya hinugot ko yung phone ko sa bulsa ko at hinanap yung pictures namin ni Sky Hunter.
"Siya po Mamu. Ang pogi niya diba. Mamu matalino din yan tapos mabait din po Mamu. At sa pagkakaalam ko po sobrang yaman pa po niya. " Napakunot naman ng noo si Mamu.
"Lia bat kayo magkasama nitong lalaking ito? Crush mo ba ito o boyfriend mo na. " Pang uusisa ni Mamu sakin. How I wish na boyfriend ko na siya.
"Mamu kasi kanina sa event may humabol saking mga zombies, hindi ko naman po natatandaang sumali po ako sa game na yun, pero hinabol po nila ako. Tapos po sa sobrang hopeless ko nakita ko po yung sasakyan niya at sakto namang bukas ito kaya sumakay na ako. " Mahabang paliwanag ko. Tumango tango naman si Mamu at mukhang magbabato ulit ng ibang tanong.
"Hindi ba siya nagalit? Anak kung may sumakay sa kotse ko ng walang paalam mula sa akin magagalit ako. Isang tingin ko palang diyan sa lalaking yan mukhang suplado na, imposible namang hindi yan nagalit. " Syempre hindi ko na sasabihing iniwan niya ako sa tulay. Mababad shot si Sky Hunter kung ganun.
"Tinanong niya lang po ako kung bat ako nandun. Tapos pilit niya po akong pinapaalis sa kotse niya. Pero dahil sobrang cute ko po nagsorry po ako sakanya at sabi ko nalang po na sasamahan at tutulungan ko po siya sa gagawin niya po. " Mukhang sobrang bait ni Sky Hunter ngayon sa paningin ni Mamu.
"Naggrocery kami Mamu. Kinikilig ako Mamu alam mo ba iyon. Pero Mamu mukhang naoffend ko po siya sa isang tanong ko po kaya po iniwan niya ako. Pero Mamu niligtas niya po ako sa dalawang lasing na kumaladkad po sakin. " Huli ko ng marealize na dapat hindi ko pala inadd yung part ng dalawang lasing ng mapaupo si Mamu.
"ANO?! MAY KUMALADKAD SAYONG LASING?! BAT DI MO AKO TINAWAGAN AGAD! " Pag hyhysterical ni Mamu.
"Mamu sorry po nawala na po kasi sa isip ko. Pero niligtas naman po ako ni Sky Hunter tapos po nanood pa po kami ng mini concert tapos po siya po yung bumili ng mga ice cream na dala ko, siguro po way niya po yun para magsorry sa pang iiwan niya po sakin. Saka po okay naman ako Mamu di naman po ako nasaktan." Mahabang paliwanag ko. Mukhang kalmado na si Mamu at nag iisip na yan kung papaano susuklian si Sky Hunter.
"Napakabait naman pala ng crush mo anak. Crush mo lang yan ah hindi boyfriend. Pag tinanong ka niyan kung pwedeng manligaw pumayag ka pero dalhin mo dito sa bahay ng makilatis." Sabi ni Mamu. Buti umaabot sa imagination ni Mamu na aabot kami sa ligawan stage ni Sky Hunter. Sa imagination ko kasi hanggang magkaibigan lang kami.
"Mamu imposibleng ligawan ako niyan. " Pambabasag ko kay Mamu.
"Bakit may girlfriend na ba yan? Sabagay napakagwapong bata at halata mong hindi basta basta. Pero malay natin magbreak sila ng girlfriend niya at ligawan ka niya. Ayieee. " Pang aasar naman ni Mamu sakin.
"Mamu wala naman akong nababalitaang girlfriend niya, pero kasi Mamu may pagkasuplado siya at halatang tutok na tutok sa goals niya sa buhay, kaya ganun. " Simula kasi ng mabalitaan kong, sa sarili nalang niya siya umaasa bumaba yung level ng imagination ko at umabot nalang hanggang friendship.
BINABASA MO ANG
Rainbow turns into Black n' White
Ficção Adolescente"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ni Aeron na kinakabahan dahil alam niya ang kayang gawin ni Sky. "Come on Sky. I don't like her , I really don't. Alisin mo siya sa buhay ko. " Iyak ni Tracy na mukha ng baliw ngayon dahil sa gulo gulong buhok...