Chapter 11
"So I'll group you guys into 5 with 4 members each. I'll tell you the catch when the groupings are all settled. I'll be the one to group you." Sabi ni Prof Gonzaga.
Uwian na dapat namin pero tuwing Thursday and Friday ng hapon 1 hour before the uwian may pakulo sila. Activities para maging strong daw yung samahan namin. College na kami pero sa tuwing naggaganito kami feeling ko bumabalik ako sa pagka high school. Okay lang naman sakin yung ganito pero mas better sana kung 30 minutes lang.
Sinabi na ni Prof Gonzaga yung groupings. Kagroup ko ngayon yung dalawang kambal si Lillie at si Ollie. Si Laillie nahiwalay nasa kabilang group. Kagroup din namin si Autumn. Close ko din si Autumn dahil may project kaming ginawa together nung 1st year College kami.
"So this isn't a contest. Ang tanging involve lang dito is sharing, listening, at understanding. I'll give each one of you a mystery picture and you'll share to your groupmates what comes to your mind the first time you saw that picture. I'll remind you again, you just need to share,listen, and understand. " Sigurado ako marami nanamang iiyak sa pakulo ni Prof Gonzaga. Hindi sa pagmamayabang pero hindi ako umiiyak sa ganitong activities kahit pa may nakakaiyak na background song. Siguro I am choosing to listen nalang than to express my emotions.
Nung binigyan na kami ni Prof ng pictures hindi ko muna binuksan, gusto ko yung mabibigla ako at talagang mapapaisip ako on the spot.
"You can now share to your classmates the things that came to your mind when you saw those pictures. " Pagkasabi ni Prof ng ganun nagvolunteer si Ollie na maunang magshare.
"So ang binigay sakin ni Prof na pictures ay itong pagkarami raming librong punit punit. Siguro alam ni Prof na hindi ako nag aaral. " Pagbibiro ni Ollie. Napatawa naman ako ng mahina at nagthumbs up kay Ollie.
"Hindi ko alam kung bakit ayokong mag aral. Hindi ko alam kung bat nahihirapan akong buklatin yung libro. Natatakot kasi ako na baka pag binuklat ko yung libro at nagseryosong magbasa, baka kasi makalimutan ko kung ano ang mga nasa paligid ko. Natatakot ako na iwan yung happiness ngayon. Iniisip ko , kaya ko namang mapasaya si Mommy, si Daddy, si Laillie, si Lillie na at the same time napapasaya ko rin yung sarili ko. Grades won't define me. Happiness will do. " Napangiti kaming lahat sa sinabi ni Ollie.
See tama nanaman ako sa isang realization ko sa life. At hindi lang kami ang may ganyang mindset madami kaya kami hallerr.
Sumunod naman si Lillie na halatang excited sa sasabihin niya."So sakin naman itong pictures ng unknown na tao. May nakalabel sa first na tao na "Most Trusted Buddy". Sa pangalawang unknown na tao naman ay "The Person You Can't Loose". At yung last naman ay "The Person That Can Make You Happy". Ang ganda naman sa kanya. Pang bonggang speech talaga sa kanya.
"So ang "Most Trusted Buddy" ko ay si Ollie. Alam na alam niya kung paano ako huminga, kumurap, umutot, at kung ano ano pa. Siya yung Human Diary ko. Alam niya kung kailan ako first na uminom ng alak. Alam niya rin kung kailan yung first kiss ko. Alam niya rin kung kailan yung first na panonood ko ng p*rn, na kung saan may time pa na nanood kami ng sabay ng p*rn. Kaya imposibleng hindi siya ang Most Trusted Buddy ko. " Pinagsasapak siya ni Ollie. Pulang pula din yung mukha ni Ollie na alam mong hiyang hiya sa pinagsasabi ni Lillie.
"Tumigil ka na Ollie. Dapat nga proud ka pa. Duh. So, next topic yung "The Person You Can't Loose". Si Justin Kiel. Chos. Actually si Laillie yan. Si Laillie ang bunso saming kambal. Prinsesa namin siyang dalawa ni Ollie. And I can't loose her kasi madaming pera yun. Palaging nag iipon eh. " Pabirong sabi ni Lillie. Nahahalata ko talagang sobrang special sa kanilang dalawa si Laillie kahit na palagi nila itong binubully.
"And lastly "The Person That Can Make You Happy". Ito naman ay ikaw Lia. Tuwing sobrang down ako tapos bigla kitang makikita na patalon talon na parang bata at nakangiti, nawawala yung stress at pagod ko. Meron pa nga one time sobrang lungkot ko kasi naiwan ko yung project ko kay Prof Calbario. Pero bigla mo akong niyakap. Gulat ako nun pero that time kala ko nasa heaven ako tapos nakalimutan ko agad yung pagiging malungkot ko. Hindi na ako nagtataka kung bakit andaming nagkakandarapa sayo. Kung lalaki ako liligawan din kaya kita. Perfect catch ka na kasi. " Natouch naman ako sa sinabi nitong si Lillie. Kaloka.
BINABASA MO ANG
Rainbow turns into Black n' White
Roman pour Adolescents"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ni Aeron na kinakabahan dahil alam niya ang kayang gawin ni Sky. "Come on Sky. I don't like her , I really don't. Alisin mo siya sa buhay ko. " Iyak ni Tracy na mukha ng baliw ngayon dahil sa gulo gulong buhok...