Chapter 14

22 2 0
                                    

Chapter 14

Lia

Nasa lugawan ni Kuya Gary kami ngayon ni Mitch. Ansarap ng binebentang lugaw ni Kuya Gary, sa halagang 20 pesos lang may masarap na lugaw ka na, may kasama pang isang pirasong itlog. Baka makatake two ako nito. Well kung tinatanong niyo naman kung kamusta si Mitch, ito kumakain, pangatlong beses na nga niyang lugaw yung kinakain niya ngayon.

"Gusto mo pa? " Tanong ko. Kasi naman paubos nanaman yung lugaw na kinakain niya. Tanging iling ang sinagot niya sakin.

After 10 minutes natapos na kaming kumain ng lugaw. At ako na sanang magbabayad kaso pinigilan ako ni Mitch at naunang nag abot ng bayad.

"Oh uuwi na ba tayo? " Tanong niya na halatang busog na busog. Napakagwapong lalaki pero hindi marunong kumain ng prim and proper. Joke. Balahura din akong kumain pag sobrang gutom na gutom.

Sa paglalakad namin nakakita ako ng stall ng nagpriprito ng turon. Dali dali kong hinila si Mitch.

"Kuya Allan anim nga pong turon. " Sabi niya kay kuya na nagtitinda ng turon. Nagbigay na rin siya ng bayad, para siguro di na ako mag alok na ako ang magbabayad. Nagtaka ako kung bat anim, ganun na ba ako katakaw sa paningin niya?

"Kuya yung tatlong piraso po hiwalay yung lalagyan." Bigla akong napatingin sa kanya. Sa kanya nanaman yun. Andaya naman andami dami niyang kinaing lugaw tapos magtuturon pa siya. Pero nakakapagtaka yung katawan niya hindi mataba at hindi rin payat, sakto lang.

"Baka gusto mo pang bumili. Uyy be yourself ah, baka nagugutom ka pa pero pinipigilan mo lang kasi kasama mo ako ah. " Sabi ko na may tonong pang aasar. Inirapan niya lang ako sabay subo ng isang buong turon.

Andami daming pagkain dito sa palengke. Sabi ng mga classmates ko hindi daw safe yung itinitinda dito. Pero minsan lang naman. Wala pa namang napapabalitang namatay sa pagkain ng mga itinitinda sa palengke. Pero joke baka meron na, pinapagaan ko lang yung loob ko heheheh.

"Uyy CR lang ako. Hindi ko na kayang pigilan ang ihi ko. " Sabi niya sabay takbo. Nagkibit balikat na lang ako.

Habang hinihintay ko si Mitch napadako yung isang tingin ko sa isang shop na andaming cute na headband na nakadisplay. Nagningning ng wala sa oras yung mga mata ko. Nung nasa high school ako lagi akong binibilhan ni Mamu ng headband, iba't ibang designs pa, kaya yung mga classmates ko noon laging tinatanong kung saan daw nabibili ni Mamu yung mga ganung designs.
Pumasok ako sa shop na yun, at kaloka may mga damit ding tinda at mas maraming designs ng headband sa loob. Tinitingnan ko yung isang design ng headband ng may magsalita.

"Bibilhin mo ba yan o titigan lang? Kung titigan mo lang yan maari ka ng makaalis." Sabi nung isang matanda. Siguro siya yung may ari.

"Pasensya na po Lola. Pero balak ko po yang bilhin Lola." Sabi ko na lang. Imbes na matuwa siya sumimangot pa siya ng lalo.

"Saan diyan para maibalot ko na at para narin makaalis ka na." Masungit na sabi ni Lola. Kinuha ko yung headband na may kulay blue na ribbon at sinubukang isuot.

"Lola bagay ba sakin?" Pagpapacute ko kay Lola. Yung kaninang nakasimangot ngayon ay makikitaan mo na ng ngiti. Kinuha ko rin yung headband na may butterfly na design at pinakita ulit kay Lola. Nakangiti na siya ngayon sakin at nagthumbs up pa.

"Ang ganda ganda mong bata. Kahit alin naman diyan sa mga paninda ko ang bilhin mo maganda ka parin. " OMG, iba na talaga ang nagagawa ng alindog ko.

"Lola itong dalawa lang po yung bibilhin ko muna ngayon." Sabi ko sabay abot ng bayad sa kanya. Agad agad naman siyang kumuha ng sukli.

"Ngayon nalang ulit ako nakakita ng bata na mahilig sa mga ganitong bagay. Naalala ko tuloy ang apo ko sayo. Parehas kayong maganda at mahilig sa ganyang mga bagay. " Sa mata ni Lola mukha nanaman ako sigurong labintatlong taong gulang.

Rainbow turns into Black n' WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon