Chapter 19

16 2 0
                                    

Chapter 19

Kiel

I'm sure that this girl is insane. She's talking non stop. We're heading to there house and she's asking too many questions. She's like a ten year old kid.

"Kiel ipakilala mo naman ako sa isa mong friend na si Sky Hunter Madrigal. Please. Crush ko kasi siya. " The heck! Buti nalang at nakatigil kami ngayon because of that red traffic light. Of all people kay Sky pa siya nagkaroon ng crush.

"No Lia." Ginamitan niya nanaman ako ng pout niya para pumayag ako. Pero I can't. Sky is too dangerous for her.

"Kiel sige wag na. Pero Kiel nagugutom pa ako. " Napatingin ako sa kanya. Like she ate 20 cupcakes all in all, then we ate dinner na rin. Hindi pa ba siya busog dun.

"Lia what kind of appetite do you have?  You're impossible. I'll just drive fast para dun ka na sa bahay niyo kumain." She's pouting again. I wanna pinch her cheeks again. Thanks to that green traffic lights for stopping me to do it.

"Kiel ibaba mo na lang ako mamaya dun sa harap ni Kuya guard ah. " Napakunot naman ako ng noo.

"Sa tapat ng bahay niyo na kita ibababa. " I can't stop being protective over her. Pag may nangyari sa kanya ako ang makokonsensya.

"Ayoko, baka makita ka ni Mamu sasabihin niya manliligaw kita. Kaya hindi pwede." I just nodded.
Kala ko titigilan niya na ako pero nagpapatuloy lang siya sa pagdadaldal.

"Kiel magtagalog ka nalang pag naguusap tayo. Naloloka kasi ako pag nag eenglish ka. " Tinanguan ko na lang siya. Magtatagalog na rin ako ngayon from now on.

"Kiel ano palang gagawin natin sa 2000 na bigay ni Prof Hudson? " Tanong niya. Why... I mean bakit pa niya ako tatanungin, she can have it.

"Sayo na lang. Pambili mo ng pagkain. " Sumimangot naman siya na parang I've done something wrong sa kanya.

"Ibabalik ko ito kay Prof Hudson. Sasabihin ko na lang na nilibre mo ako ng pagkain. Ayokong kunin to kasi mamaya allowance pala ito ni Prof Hudson binigay lang sa atin pangkain. " Tumango na lang ako. As if I can argue with her words.

Nung ibaba ko na siya sa gate tapat ng subdivision na tinitirhan niya. Andami dami niya paring sinasabi.

"Kiel thank you sa foods. Babawi ako sayo next time. " Sabi niya sabay yakap sa akin. I want to push her away pero on the second thought wag na pala.

Bumaba na siya sa kotse ko at kumaway sakin. I became an idiot for 5 seconds kasi kumaway din ako pabalik sa kanya, this car is tinted for damn's sake Justin Kiel. Napailing nalang ako at napangiti at nagdrive papunta sa tambayan namin.



Lia

Ngayon na nagaganap ang event na A Time for a Change. After isang linggong paghahanda natapos din namin ang booths namin. Andaming booths na nagkalat sa school at andami ring tao ngayon. Hindi lang estudyante ng school namin ang nandito meron din sa ibang school.

Kung tinatanong niyo naman si Kiel, successful naman yung naging food tasting namin kasi yung dalawa lang na pumasa sa taste niya ang kinuhanan niya ng cupcakes para ibenta nila. Tapos yung 2000 pesos na bigay ni Prof Hudson binalik ko na sa kanya, pero binigay niya sakin ulit reward ko daw.

Patapos na ako ngayon sa task ko. Task ko ang magbenta ng Mamon Cupcakes. Paubos na nga yung tinda namin pero ayaw paawat ni Lillie at pinapagawa si Laillie at Autumn ng more cupcakes. Si Angelique naman nagbigay nalang ng pera para pang prize tapos hindi na tumulong dito. Sayang di niya maeexperience yung saya na dulot ng event na ito. Mas masaya mamayang gabi kasi totoong artista at sikat na banda ang magpeperform. Pupunta si Moira, Alex Gonzaga, Anne Curtis, IV of Spades,  Ben&Ben, Autotelic, at ito ang bongga meron ding Boyce Avenue. Diba napaka yaman ng school namin. Kaloka. Hindi naman compulsary ang pagpunta sa mini concert pero gusto kong pumunta.

Tapos na yung task ko at ibig sabihin pwede na akong maglibot libot. Inuna kong puntahan yung booth ng Block A.

"Lia hotdogs oh. " Pag aalok ni Janine sakin. Isa sa mga friend ko na matalino.

"Salamat Janine. Magkano ito. " Infairness ang sarap ng binebenta nilang hotdogs ah. Parang kalevel ng tender juicy.

"Libre ko na yan sayo. Tagal na din kitang hindi nakakabond eh.  Namiss kita. " Sabi niya na may kasamang kindat.

Yinakap ko siya at nagthumbs up. Niyaya niya rin ako sa thrilling games nila pero umayaw ako.  Ayoko ng naprepressure ako. Mahina ako sa ganyan. After kong chumika kay Janine pumunta na ako sa Block B.

"Annyeong haseyo Markus. Pabili naman ako ng tatlong dumplings. " Sa lahat kasi ng tinitinda nila dumplings lang ang gusto ko.

Ayoko ng sushi hindi ko bet. Si Markus dating nagkakacrush sakin. Pero noong sinabihan ko siyang mag explore ayun nakilala niya si Stacy at girlfriend niya na ngayon si Stacy.

"Ito Lia. Libre ko na yan sayo." Napapout naman ako. Mukhang walang mababawas sa pera ko ngayon.

"Salamat Markus. Alam mo bang pati si Janine linibre din ako. Imbes na gumastos ako, eh baka makatipid pa ako ngayon ah. " Pagjojoke ko.

Napatawa naman si Markus sakin. Inaya din niya ako sa thrilling games nila pero inayawan ko rin. Chinika niya ako kung ano daw pwedeng iregalo kay Stacy sa nalalapit niyang birthday. Sabi ko make up kit nalang, kasi yun yung hilig niya. Halos iwan niya yung booth nila at bumili na ng make up kit mabuti nalang dumating yung team leader nila at napigilan siya.

After nun dumako na ako sa 4th year College. Andaming foods. Inuna ko syempre yung kina Kiel. Actually yun din pala yung booth ng program ni Prof Hudson. Nagbabantay ngayon sa booth nila ay si Ate Lindsey. Nagulat ako ng inabutan niya ako ng isang box ng cupcakes. Bigay daw ni Kiel sakin. Kinakantyawan pa nga ako ni Ate Lindsey at tinanong kung nililigawan ba ako ni Kiel. Sinabi ko nalang na sinamahan ko siya mag food tasting at reward ko yung mga cupcakes na iyon. Tumango tango nalang si Ate Lindsey at halatang hindi convinced.

Dumako ako sa booth ng Block A na 4th year Bio. May chocolate fountain sila mga mamsh. Walang nanlibre sakin ngayon kasi konti lang ang kilala ko sa Block A at wala pa sila. Pero may pera naman ako kaya gora. Andami dami kong binili from Stick O to marshmallows lahat yun kinuhanan ko. Buti nalang mura lang yung mga tinda nila. Habang kumakain ako napatingin ako sa thrilling games nila. Run for your Life ang title. Parang pang halloween ang tema. Nagulat ako ng may kumalabit sakin. Pagtingin ko isang Block A 4th year student.

"Ikaw ba si Lia Anastacia Fajardo? "Tanong niya ng nakangiti. OMG baka may ibibigay sila saakin.

"Opo ako nga po. " Ngiting ngiti kong sabi. Nginitian lang ako ni Kuya at umalis na. Baka kukunin na niya yung prize ko.

Habang hinihintay ko yung prize ko tiningnan ko muna yung harap ng thrilling games nila na mukhang pang halloween, bigla nalang akong nagulat ng may lumabas na dalawang zombie. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

"Run. " Sabi nilang dalawa. Wala naman akong naaalalang sumali ako sa thrilling games nila.

Wala na akong nagawa kasi sinimulan nila akong habulin. Ng mapadaan ako sa booth namin tinatawanan ako ng tatlong kambal. Gusto kong humingi ng tulong pero di ko alam kung anong uunahin ko. Hindi na rin ako makapag isip ng matino.

Pagtingin ko sa likod nakita ko sila na malapit na sakin. Halos malaglag yung puso ko ng may makita akong dalawang tao na duguan sa may malapit sa gate. Nagulat ako ng huhulihin din dapat nila ako. Apat na sila ngayon. Nakalabas na ako ng campus pero patuloy parin nila akong hinahabol.

Tinitingnan na kami ng ibang estudyante pero ayaw nilang tumigil sa paghabol sakin. Pagod na rin ako at unti nalang maiiyak na ako. Multo ang kintatakutan ko sa lahat at ito ang kayang makapagpaiyak sakin.

Hopeless na ako. Pero nagulat ako ng makakita ako ng sports car. Sabi ko na nga ba may connection talaga kami ng sports car. Ito ang sasagip sakin ngayon. Nakapark siya sa tapat ng coffee shop. Sasakay ako dito sana hindi pa ito nakalock. Halos magpaparty ako ng mabuksan ko ito
.
Pero natigilan ako ng makakita ako ng isang adonis na mukhang may ari ng magarang sasakyan at kasalukuyang nakatingin sakin ng masama.

"Pogi" Yun nalang ang nasabi ko.

Rainbow turns into Black n' WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon