Chapter 27
Third Person
Mukhang naging tama nga ang mga salita ni Sky dahil wala pang tatlong minuto nagbukas na ang pintuan ng kanilang tambayan at iniluwa nun ang walang emosyon na si Aeron. Dinamba siya ng yakap ni Tracy na hindi ininda ang mga sugat sa kanyang kamay.
"Aeron sorry ha. I didn't mean all those words kanina. Please forgive me. Sorry Aeron. " Iyak ni Tracy. Tango lang ang naging sagot ni Aeron at dumiretso sa couch na bakante.
"Kung may gusto pa kayong sabihin, sabihin niyo na. Kailangan kong umuwi hinhintay na ako ng mga kapatid ko. " Seryosong saad ni Aeron.
" Why are you becoming like this Aeron? Why are you defending her?! Is she your girlfriend or what? Cause I can't understand why are you becoming like this because of a normal girl!" Pagmamaktol ni Tracy na anumang minuto ay handa nanamang magbasag ng gamit."She's my friend. " Mas napaiyak naman si Tracy sa naging sagot ni Aeron.
"I'm your friend also Aeron. Your bestfriend. Why can't you distance yourself to her? Please choose me this time Aeron. I can't loose you. " Pag iyak nanaman ni Tracy. Si Kiel ay parang walang naririnig dahil patuloy pa rin siya sa pagbabasa ng kanyang pinakamamahal na libro. At si Sky naman ay seryosong nakatingin sa kanyang cellphone na parang iyon ang pinakamahalagang bagay na nahawakan niya.
" Hindi ko siya basta bastang lalayuan. Wala siyang ginagawang masama sa akin. Naging malapit na rin siya sakin. At ano ba Tracy! Tumigil ka na nga sa pagiging selfish at immature at brat." Mas napaiyak si Tracy sa sinabi ni Aeron at akmang tatayo ulit ngunit pinigilan siya ni Sky.
"Do you like her? " Seryosong saad ni Sky. Napalunok naman ng bigla si Aeron at tila tinakasan siya ng dugo dahil sa biglaang pamumutla nito."H-hindi" Kulang nalang ay mabulol siya sa pagsasabi ng kanyang sagot, ngunit ngisi lang ang naging tugon ni Sky dito. Takot siyang tumingin sa mga mata ni Sky ngayon dahil takot siya na baka mabasa ni Sky ang nilalaman ng kanyang utak at puso.
"If you don't like her, then leave her. Easy as that bro." Sabat naman ni Kiel na tila nabalik sa realidad.
"Hindi ko yun kaya." Napakamot naman ng ulo si Kiel at akmang itutuon ulit ang pansin sa pinakamamahal niyang libro.
"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ni Aeron na kinakabahan dahil alam niya ang kayang gawin ni Sky. Hindi niya alam kung bakit niya iyon naitanong pero tila binabagabag siya ng utak niya dahil sa biglaang pagtatanong ni Sky.
"Come on Sky. I don't like her , I really don't. Alisin mo siya sa buhay ko. " Iyak ni Tracy na mukha ng baliw ngayon dahil sa gulo gulong buhok nito at dugo sa kanyang damit na galing sa sugat niya.
"I heard that her family is connected to your family's downfall." seryosong saad ni Kiel. Alam ni Kiel na konektado si Lia Fajardo sa pagkamatay at pagkasira ng pamilya ni Sky. Sadyang ayaw lang tanggapin ng sistema niya na ang inosenteng si Lia ang siyang makakaranas ng paghihiganti ni Sky.
Namayani ang katahimikan ng sampung minuto bago nagsalita si Sky.
"I'll kill her. "Tatlong salitang galing kay Sky ngunit ito ay nagpatayo kay Aeron, nagpangisi kay Tracy, at nagpakabog sa puso ni Kiel. Isa lang ang nasa isip nilang tatlo " That's not impossible. Sky can definitely do that."
"Hindi na napupunta sa maayos na usapan ito aalis na ako. " Nung nasa may pintuan na si Aeron muling nagsalita si Sky na siyang nakapagpatigil sa kanyang pag alis.
"Valencia, for you to know, no one can stop me. " Nanlambot nalang ang mga tuhod ni Aeron at pinilit nalang lumayo sa tambayan nila na ngayon ay tila naging korte ng mga makasalanan.
"You need to clean those blood in your hands Tracy go home now. Just wait for your driver outside he'll be here in a minute. I texted him. "Tumango nalang si Tracy at may bitbit na ngiting tagumpay sa kanyang pag alis. Sa wakas may kasama na siyang bubura sa mundo sa babaeng kinaiinisan niya.
Pagkalabas na pagkalabas ni Tracy biglang nagsalita si Kiel.
"She's innocent Sky. " Sabi niya na hawak pa rin ang libro niya.
"So? " Halos mabitawan niya na ang kanyang libro sa naging sagot ni Sky.
"I just want to say that she's too young to die, it's not her fault that her family killed and destroyed another family." Matalim na tingin lang ang naging sukli ni Sky na tila kinikilatis kung napalapit din ba siya sa bubwit na iyon.
"You're on Aeron's side isn't? Tracy will be broken hearted. You can't stop me Kiel. You can't."
Kung normal na usapan lang ang nangyayari malamang napangiti na siya sa haba ng sinabi ni Sky ngunit ni paggalaw nga ng kanyang labi ngayon ay hindi niya magawa ngumiti pa kaya. Tumayo nalang siya dahil alam niyang wala ng pupuntahan na maganda ang usapan nila. Gusto lang nito na balahan ang matalik niyang kaibigan dahil maaring sa larong ginagawa niya ay sa huli pagkatalo ang kanyang matatamasa. Ngunit tila wala ng balak magpapigil si Sky. Hindi niya naman ito masisisi dahil matagal niya na itong hinintay.
" Sky I'm praying this time to God that he will give you the success you are aiming and wishing. I can feel that you'll regret this. Don't blame me. I gave you my warning signal. " Paalis na rin siya ngunit tila gustong gusto ni Sky na mag iwan ng mga salitang nakakapagpalambot ng tuhod ng mga tao.
" I'll never regrets this Kiel. Never. " Gusto niyang suntukin ang kaibigan niya ngunit alam niyang matatalo siya. Lia's too young to die and suffer. Many people and even angels might cry when she is no longer breathing.
Kiel
Naabutan ko sa labas si Tracy na inip na inip sa paghihintay sa driver niya.
"Did you really text my driver? It's like 5 minutes na that Im waiting here. My cuts are so itchy." Napairap nalang ako. She's ranting for waiting for 5 minutes it's just like she waited for damn 3 hours."Can you please calm down for a while Tracy?" Ngunit inirapan lang niya ako. Halata naman na masakit ang sugat niya. If Im not here maybe she's whining in pain.
"Give me your hands." Pero mukhang umaandar nanaman ang pagkabratinella niya at hindi ako pinansin. Hinablot ko nalang ito at tila nagulat siya dahil dumaing ito.
"I'll just wipe those blood. It's kinda annoying to see your hands covered with blood. " Dahan dahan ko naman pinunasan ang dugo na hindi pa natutuyo. Marami siyang naging sugat at sigurado ako na pahirapan nanaman ang mga kasama nila sa bahay sa paggamot dito.
"He's gonna kill her. Are you happy?" How can I be happy if an innocent sweet girl will die because of her family's fault.
"Maybe. I can't answer that now. I'll just weigh the situation first. " Umirap nalang siya sa naging sagot ko.
"You're being smart again. " Kibit balikat nalang ang naging sagot ko. I know the answer to her question I just can't say it directly to her face because I know Sky was right, she will surely be broken hearted.
"I just want to inform you that, if Sky won't do that as fast as he can I'll be the one to end her life. " Napatigil ako sa pagpupunas ng kanyang sugat. May sasabihin pa sana ako ngunit dumating na ang kanyang driver kaya dali dali siyang tumakbo rito.
Damn! What's with Lia? Is she somewhat connected to trouble.
BINABASA MO ANG
Rainbow turns into Black n' White
أدب المراهقين"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ni Aeron na kinakabahan dahil alam niya ang kayang gawin ni Sky. "Come on Sky. I don't like her , I really don't. Alisin mo siya sa buhay ko. " Iyak ni Tracy na mukha ng baliw ngayon dahil sa gulo gulong buhok...