Chapter 21

19 2 0
                                    

Chapter 21

Lia

Ngayon tinititigan ko yung ice cream na tinapon ni Sky Hunter sa basurahan. Unti unti itong natutunaw. Kung sana sinabi niya saking ayaw niya eh di sana hindi ko na siya binilhan. Hindi ko naman pera yung pinambili ko, pera yun ni Mamu na pinaghirapan niya. Pag tingin ko sa kanya naglalakad siya ngayon papuntang sports car niya. Sinundan ko na lang siya kasi pagabi na at natatakot na akong magcommute. Pero sa katunayan nalulungkot parin ako sa ginawa niya.

Nung nakita niyang nasa likod niya ako,  tiningnan niya lang ako ng walang emosyon.

"Is it my responsibility to drive you home? " Tanong niya. Magcocommute nalang ako. Mukhang kasalanan ko rin naman kung bat siya nabad mood. Tumango nalang ako at umalis na.

Kala ko naman pipigilan niya ako. Pero narealize ko wala pala ako sa K drama world.

Ngayon naghihintay ako ng taxi. Unti lang kasi ang dumadaang tricycle dito at hindi ko gustong sumakay ng jeep. Kaya taxi nalang. At ang super duper na nakapagpalungkot sakin, nagstart na ang mini concert na gusto kong puntahan. Kahit man lang sana IV of Spades yung makita ko okay na ako.
Habang naghihintay ako ng taxi biglang may tumabi saking dalawang lalaki na sa tingin ko ay lasing.

"Miss liit. Mukhang nahihirapan kang maghintay ng taxi dito ah. " Sabi nung lalaking humihithit pa ng sigarilyo at binuga pa sakin yung usok ng sigarilyo niya.

"Ayaw sumagot pre. Sama ka samin miss. Dun maraming taxi na dumadaan." As if sasama naman ako sa kanilang dalawa. Maaamoy mo sa hininga nila na talagang lasing sila. Aalis na sana ako ng pinigilan nila akong dalawa. Hindi naman ako natatakot pero may konting kaba akong nararamdamam.

"Pre ang kinis nito. Kutis mayaman pre. Tiba tiba tayo dito. " Pilit nila akong hinihila, sinipa ko yung mga paa nila pero tila hindi man lang sila naapektuhan sa sipa ko. Dapat kalma lang Lia. Kalma makakauwi ka rin.

"Miss sumama ka nalang kung ayaw mong masaktan. " Nagpupumiglas ako at kinagat yung kamay nung isang kuya. Kumabog yung dibdib ko ng hindi parin nila ako binibitawan. Pagtingin ko sa paligid ko wala ng masyadong tao. Nahila na nila ako sa sulok. Lia kaya mo yan kalma.

"Miss wala ka ng magagawa. Tama na. " Nagpupumiglas parin ako. Nagulat ako ng itaas nung isang lasing yung kamay niya at mukhang sasampalin na ako. Napayuko nalang ako.
Pero dumoble ang kabog ng dibdib ko ng biglang may magsalita.

"Slap her and you'll die. " Kilalang kilala ko yung boses na yun. Iyon naman ang nakaagaw ng pansin sa dalawang lasing.

"Bakit tol syota mo ba ito? Ito naman pahiram lang ng isang gabi. " Sabi naman ni Kuya. Actually nabitawan na nila ako. Gusto kong tumakbo papunta kay Sky Hunter pero parang naglue yung paa ko.

"Sige na pre isang gabi lang. " Paguulit ng isang kuya. Tiningnan lang sila ng blangko ni Sky Hunter.

"Oh yang tingin mo pre, kalma lang tayo. " Tumakbo na ako sa tabi ni Sky. Hindi na nila ako pinigilan at mukhang takot na takot sa tingin ni Sky Hunter. Nagulat ako ng hinawakan ni Sky Hunter yung braso ko.

"I'm true to my words. " Sabi nalang ni Sky Hunter sa mga lasing saka ako hinila palayo sa kanila. Gulat ako hindi man lang kami pinigilan ng mga lasing.

Nakayuko lang ako habang sumusunod sa kanya. Hindi ko ring kayang magdaldal. Mamaya sigawan niya ako. Ng nasa tapat na kami ng kotse niya bigla niya akong nilingon.

"Hop in." Halos manlamig ako sa sinabi niyang yun. Gusto kong tumakbo palayo, pano ba naman kasi nakakatakot yung boses niya.
Sumakay na siya pero ako hindi pa. Kung noon gustong gusto kong sumakay sa sports car ngayon hindi ko gusto. Binuksan niya yung bintana ng kotse niya at tiningnan lang ako ng walang emosyon. Kaya wala na akong nagawa kundi sumakay nalang.

"Ibaba mo nalang ako sa may tapat ng convenience store na yun. " Sabi ko pero parang wala siyang narinig at nagpatuloy lang sa pagdradrive. Nagulat ako ng huminto kami sa venue ng mini concert.

"Anong ginagawa natin dito? " Tanong ko nanaman pero hindi nanaman niya ako pinansin. Basta bumaba nalang siya. Napakamot nalang ako sa ulo tapos bumaba na rin.

Open field ang venue ng mini concert. Andami ring tao, buti nalang hindi pamilyar sakin yung mga mukha ng karamihan dito. Kung hindi baka machismis ako na kasama ang campus heartthrob. At saktong IV of Spades ang nagpeperform. Pero sa sobrang dami ng tao hindi ko na makita yung pagmumukha nila.

"Sky Hunter uwi na tayo." Sabi ko pero hindi man lang niya ako binalingan ng tingin. Tumalon talon ako pero wala talaga akong nakikita kaya napapout nalang ako. Nagulat ako ng hilahin ako si Sky Hunter sa isang sementadong bench.

"Stand there. " Utos niya sakin. Sinunod ko nalang siya at inalalayan niya naman ako. Kinikilig ako mamsh parang nawala lahat ng kaba ko sa nangyari kanina at napalitan ng kilig.

"So this is our last song. To all the lovers out there this is all for you. " Sabi ni Unique.

Kung hindi ako nakatungtong ngayon sa bench nagtatalon na ako. Kasi ang tinugtog nila ay yung favorite song ko na Mundo. Nung nasa may bandang chorus na tumingin ako sa adonis na katabi ko ngayon.

[ 🎶🎶Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo'y magiging ikaw.🎶🎶]

After ilang minutong pagtitig ko sakanya bigla siyang tumingin sakin ng wala nanamang emosyon.

"Gusto mo rin bang maging tahanan at mundo ko?" Pang asar na tanong ko. Pero tiningnan niya lang ako sabay sabing.

"No. " Napakakill joy nitong adonis na ito. Pero pano siya mag yeyes sakin di nga niya ako kilala. Mamaya magpapakilala ako.Hindi ko na siya tiningnan at inenjoy nalang yung music. After nilang matapos magperform pinababa na ako ni Sky Hunter dahil ihahatid na daw niya ako sa bahay. Magproprotesta pa sana ako pero tiningnan niya nanaman ako ng masama.

Kala ko diretso na kami sa bahay pero tinigil niya yung sasakyan sa tapat ng 7/11 at bumaba nang walang pasabi. Hindi ko na siya sinundan baka bibili lang ng iinumin niya. Pagkabalik niya inabot niya sakin ang isang malaking supot. Pagtingin ko may tatlong ice cream na nakacup at limang ice cream sandwich.

"Sa akin lang to? " Tanong ko. Tumango naman siya at inistart ang sasakyan. Dumaldal nanaman ako. Kasi super natuwa talaga ako. Baka way niya ito para magsorry sakin. Sweet.

"Ako nga pala si Lia Anastacia Fajardo. " Sabi ko habang ngumunguya ng ice cream sandwich.

"You haven't eaten your dinner yet and you're now eating ice cream." Sabi niya. Na hindi man lang pinansin yung pagpapakilala ko. Pero concern siya sakin. Kakilig.

"Sorry pala kanina kung naoffend kita. Sorry naging insensitive ako. " Sabi ko as usual tiningnan niya nanaman ako. Siguro nagagandahan siya sakin kaya palagi niya akong tinitingan.Naalala ko bigla na dala ko pala yung phone ko, kapapadala ni Kuya Gio sakin tong phone last week. At parehas na kami ngayon ni Mitch ng phone.

"Picture tayo. " Sabi ko pero tiningnan niya ako ng masama.

"Sige na kahit di ka na ngumiti." Sabi ko. Nagulat ako ng pumayag siya na nag arte pang naiinis. May dalawang pictures na kami. Pero sa dalawang yun hindi man lang siya nakangiti.
Habang naglalakbay kami dinadaldal ko naman siya, at wala man lang akong nakuhang isang sagot sa kanya, pero okay lang. Ng makarating na kami sa tapat ng guard tiningnan niya ulit ako.

"Salamat sa ice cream at sa pagligtas sakin. Babawi ako sayo pag nagtagpo ulit tayo. " Tinanguan nalang niya ako. Bumaba na ako at kumaway sa kanya. Hindi man lang siya nagbabye sakin. Pero whatever knight in shining armor ko parin siya. Ngiting ngiti akong pumasok sa subdivision. Kilig overload.

Rainbow turns into Black n' WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon