Chapter 23

15 2 0
                                    

Chapter 23

After ng pag uusap namin ni Mitch sa garden na kung saan pinagpipilitan niya saking imagination ko lang yun at pagsagot ko naman ng pout sa kanya at walang humpay niyang pagpadyak ayun muntik pa akong malate sa first subject ko ng hapon. Hintayin niya. Bukas ipapakita ko sa kanya yung picture namin ni Sky Hunter.

Ngayon nasa classroom parin ako. 5 na pero imemeet pa namin si Prof Hudson siguro magpapasalamat lang siya dun sa pagparticipate namin sa event. Dahil gusto kong dumaldal tumabi muna ako sa tatlong kambal na ngayon ay yamot na yamot na rin sa paghihintay kay Prof.

"Ang tagal ni Prof Hudson no. " Sabi ko. Sabay sabay naman silang tumango ng nakasimangot.

"Alam mo bang may files na pinapasort sakin si Prof Calbario, hindi lang basta basta pagsosort dapat daw alphabetically arrange. Tapos pinapainsert din sakin yung ibang data sa enrollment form ng mga estudyante. Tapos mukhang late pa ako makakauwi ngayon. " Pagrereklamo ni Lillie. Yan naman ang disadvantage pag assistant ka ng mga professors.

"Dahil may ginagawa ka sakin mo naman pinasa yung responsibilidad mo bilang team leader nung event. Gagawa ako ng final financial report ng nagastos natin sa event. At gusto mo pang pulido ang pagkakagawa . Alam mo namang napakahina ko sa Math Lillie. Tapos sakin mo pa pinapacheck kung complete ba lahat ng parts ng tent na hiniram natin. Kaloka. " Pagmamaktol naman ni Ollie. Inirapan nalang siya ni Lillie. Nagrereklamo si Ollie pero sa totoo lang may kapalit yan hindi mabubuhay si Ollie na walang kapalit ang tulong na ginagawa niya pero saakin hindi siya nagpapabayad kasi love daw niya ako.

"Buti nga kayo excuse sa paggawa ng requirements. Kakatapos lang ng event pero andami palang natambak na requirements sa atin last week. Alam niyo bang may kailangan tayong iresearch sa Organic Chemistry at Histology, tapos may binigay ding module si Prof Calbario na kailangan nating sagutan to be pass tomorrow. Tapos sa Biostatistics naman may sasagutan din to be pass tomorrow din with  matching quiz pa bukas. " Pagrereklamo naman ni Laillie. Syempre chill lang ako nakakapangit ang stress.

"Ikaw lang naman ang stress sa requirements. Tingnan mo si Autumn at Lia kalmang kalma. " Sabi ni Lillie. Sinimangutan naman siya ni Laillie.

"Syempre si Autumn baka tapos na niya yan. Wait Lia tapos mo na lahat ng requirements?  Weh? " Bigla naman siyang binatukan ni Lillie.

"Bakit wala ka bang tiwala kay Lia pagdating sa mga ganyan? Malay mo sinipag siyang mag aral." Pagtatanggol sakin ni Lillie. Si Laillie naman hindi alam kung tatango ba siya o iiling sa tanong ni Lillie na nakapagpatawa sakin.

"Ako nang bahala sa inyo. Sinagutan na ni Jacqueline yung module na bigay ni Prof Calbario tapos yung workbook naman sa Biostatistics sinagutan ko ng nung isang araw at pinacheck ko kay Jacqueline sabi niya tama daw lahat. Tapos sinabi niya pa yung iququiz natin sa Biostatistics madali lang naman. Tapos yung mga ireresearch naman tapos ko na rin. Pakopyahin ko nalang kayo at turuan ko nalang kayo ng iququiz natin sa Biostatistics." Sabay sabay nila akong yinakap at sinabihang the best daw ako.

Si Jacqueline ang pangalawang pinakamatalino sa Block A kaya okay na okay sila. Hindi ko sinabihan si Jacqueline na sagutan niya yung module ko basta kinuha niya nalang sakin at binigay na may sagot na. Hindi ko sana tatanggapin pero nagpumilit siya kaya tinanggap ko na rin. Bawal tanggihan ang blessing guys. Tapos naginsist din siyang ibigay sakin yung iququiz sa Biostatistics. Pero sabi ko nalang pointers to review nalang ang ibigay niya sakin, pumayag naman siya.
Naputol ang paguusap namin ng dumating na si Prof Hudson. Pabalik na ako sa seat ko pero kailangan ko munang daanan yung seats nina Angelique at Clover. Kala ko normal na akong makakapunta sa seat ko ng may pumatid sakin. Napasinghap ang mga classmates ko. Lia sikapin mong wag mapahiya sa lahat. Kaya ang ginawa ko bago ako bumagsak sa sahig nagformulate na ako ng steps ng sayaw at dun nagtawanan ang mga classmates ko.

"Ms. Fajardo what are you doing?" Tanong ni Prof Hudson. Pagtingin ko sa kanya nakakunot ang noo niya.

"Prof Hudson sumasayaw po may bigla po akong naalalang dance step. " Nakakunot parin yung noo ni Prof Hudson, pero yung mga classmates ko nagtatawanan parin. Tama si Prof Villarica, strategy over commotion talaga

"Okay seat down Ms. Fajardo and continue your dance later when I dismiss you all. " Nginitian ko nalang si Prof Hudson at nagthumbs up ako sa kanya, saka umupo sa seat ko. Muntik ka na dun Lia.

"So guys I just want to great you congratulations for the success of your booths. And as of now your Block have the highest sales and income in the whole 3rd year College Bio. We are just waiting for the initial financial report of Block A to declare the winner. " Nagpalakpakan naman kaming lahat. Kahit hindi kami yung winner at least naging successful yung booths namin.

"And thank you very much for participating in this year's September event. I hope you will continue that good work. Thank you so much. " Nagsimula nang mag ingay ang mga classmates ko. Yung iba parang umiiyak, yung iba humahalakhak. Nabaliw nanaman sila ay.
"So thank you for sparing your time to listen to me today. Thank you guys. Class dismiss. " At dun na nagtatalon yung mga classmates ko at nagsiksikan palabas ng pinto. Medyo nagpahuli akong lumabas mamaya maipit lang ako masira pa ang alindog ko.

Bago ako lumabas tumingin ako sa classroom namin at andun parin pala si Angelique and friends na nakatingin sakin ng masama at nakaevil smirk. Si Clover ang pumatid sakin kanina. Alam ko no. Sa kanya lang kasi ako malapit that time and hindi ako nagkakamaling shoes niya yung nakita kong pumatid sakin. Buti nalang nagawan ko ng paraan para hindi ako masaktan at mapahiya ng bongga.

Nang nasa labas na ako ng building nagtatalon at kumakanta ako ng Mundo by IV of Spades nagpupulot na rin ako ng candy wrapper na nakikita kong nakakalat. Yung mga katulad kong estudyante andaming reklamo tungkol sa polusyon at makalat na paligid pero hindi naman nila madisiplina ang sarili nila. Haay buhay.

Malapit na ako sa gate pero may nakita akong pinagkainan sa tapat ng classroom ng 1st year College Bio pinulot ko ito. Pero nagulat ako ng biglang may humila sakin at iginilid ako. Kasabay nun ang magkasabay na pagbagsak ng paso mula sa itaas. Pinakawalan ako ng lalaking sumagip sakin saka tumingin sa taas. Tumingin na rin ako sa taas at sakto namang nakita ko ang pag alis ni Angelique kaya napabuntong hininga nalang ako at pinagpag ang damit ko.

"Okay ka lang? " Tanong ni Kuya Savior. Ang gwapo ng boses ah. Pagtingin ko kay Kuya,  shocks ang pogi din ng mukha. Pero loyal parin ako kay Sky Hunter.

"Okay lang ako. Ikaw okay ka lang ba? Pasensya ka na ah muntik ka pang mapahamak dahil sakin. " Tiningnan niya lang ako ng walang emosyon. OMG baka ito yung nakasama ko nung event at hindi talaga si Sky Hunter. Pero duh hindi naman sila magkamukha at sinasagot niya yung mga tanong ko kaya hindi siya yun.

"Okay lang. Next time be careful. Kung hindi pa kita nahila baka basag na ang maliit mong ulo ngayon. " Nginitian ko na lang siya. Tumango nalang siya sakin sabay alis.

"Salamat. Ako nga pala si Lia Anastacia Fajardo ikaw anong pangalan mo? " Tanong ko. Napatigil naman siya pero hindi man lang ako nilingon.

"Cloud Nimrod Silvano. " Sabi niya,  kaano ano kaya siya nung tatlong kambal. Well tanong ko nalang sila bukas.

Infairness pogi talaga siya.

Pero kahit anong pilit kong wag isingit sa isip ko ang ginawa ni Angelique hindi ko magawa. Hindi ko akalaing kaya niyang umabot sa ganung pambubully. Ayokong ireport kasi mas lala lang ang sitwasyon kaya no, no. Hahayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin sakin. Pero wag naman yung umabot pa ako sa hospital. Kaloka na siya ng super duper super kung ganun.

Rainbow turns into Black n' WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon