Chapter 3: Hell like Hunger

485 46 42
                                    

Third Person's POV


Sa kalaliman ng gabi, isang grupo ng mga lalaki ang nag-sasaya at nag-iinom sa harap ng isang sari-sari store.


"Pare! Mukhang nakadilehensiya tayo kay misis ngayon ah! Hahaha! "


"Naku pare! Kung hindi mo pa babanatan iyang si Isay, hindi maglalabas eh! "


Masaya nilang tinagayan ang isa't isa matapos maubos ang iniinom. Nagpatuloy sila sa pag-iinom at pag-uusap.


"Tama lang yan pare! Huwag mong hahayaang maging under ka ng misis mo! Ipakita mo na ikaw ang boss! "




~Klink! ~



Tunog ng mga baso nang pinagtama nila ito. "Tama! Hinding hindi ko yon hahayaang mangyari! Hahaha! "

Sandali pa silang nagsaya sa pag-iinom nang bigla namang nakaramdam ng pagtawag ng kalikasan ang isa sa kanila. "Pare! Jijingle lang ako!" Pamamaalam nito at tumayo.

"Naku baka mahuli ka ni Isay ha! Doon ka sa tago! Hahaha!" Pag-bibiro pa ng mga kainuman nito bago tuluyan siyang umalis. Naglakad ang lalaki patungo sa di malayong gusali at sa sulok nito ay ginawa ang balak.



Sandali pa, nang matapos itong makapagbawas habang sinasarhan ang zipper ay napalingon ito sa gilid kung saan may nakita siyang nakatayong tao sa di malayong distansya.



Tila pinaningkitan pa nito ng mata nang hindi maaninag ang mukha nito dahil sa suot nitong purong kaitiman. May suot din itong itim na cap na naging dahilan para tuluyang matakpan ang mukha nito.

Nagtaka naman ang lasing na lalaki nang nanatili lang itong nakatayo habang nakaharap sa direksyon niya. Hindi nito maiwasang mageksena. "H-hooyy.... Anong tinatayo mo diyan, ha?" Sigaw nito dito at halata ang pagkalasing dahil sa boses. Pero lalo itong nagwala nang hindi pa rin kumibo ang taong sinisigawan nito, kaya ito na mismo ang lumapit habang pagewang gewang pang naglalakad.

"Ano bang tinitingin mo diyan? Gusto mo bang banatan ki--" napatigil ito sa pagsasalita nang masilayan niton biglang may umilaw na mapula mula sa ilalim ng cap na suot ng tao.

Wari'y dalawang nagniningning na pulang liwanang ang nagmumula sa mga mata nito na naging dahilan para mapatigil ito at matakot. Ngayon, tila napapaatras ito sa takot nang magsimulang maglakad ang nakaitim na lalaki papalapit sa kaniya.

"H-huwag kang lalapit..... Huwa--Ahh! "

Bigla itong natalisod sa pag-atras na naging dahilan para matumba ito patihaya. Tuluyan itong napaupo sa kalsada habang patuloy ang paglapit dito ng lalaking may mapupulang mata. Sa paglapit nito, itinaas nito ang isang kamay na may hawak na itim na notebook. Wari'y binasa nito ang naka buklat na pahina.

"Raul Verano. Male, 29 years old. Name of spouse, Isay Verano. Has no child..... "

Habang may hawak itong notebook sa kabilang kamay, bahagya din nitong iniangat ang kabilang kamay na nagdulot ng paglabas ng maiitim na usok at parang hinihigop iyon ng kamay nito.

"A-anong sinasabi mo?... S-sino ka ba? Bakit mo ako kilala?! " tarantang sambit ng lasing na lalaki halata ang sobrang pagkatakot.

Hindi ito nagsalita at pinanatili ang kamay nitong naka-angat hanggang sa maging isang mahabang bagay ang kaninang hinihigop na mga itim na usok. Naging isa itong malaking itim na Scythe.

Living with Death Nextdoor [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon