Chapter 14: Pressures Worth Giving Up

254 17 0
                                    

Layla's POV

Inayos ko na ang mga natapos na paperworks. Pinatas ko ito sa tabing side ng table ko. Pinalagutok ko muna ang pagod kong mga daliri, bago muling humarap sa computer.



"Ok, let's find some pictures for baklang Teng."



Una kong chineck ang E-mail account ni boss. Naghahanap ako ng picture mula sa profile niya...pero wala? Huh? Ba't ganon?


"Siguro hindi talaga siya mahilig magpa-picture?"



Pero kung ganon nga ang case, paano ko maikukuha si Teng ng picture? Hayst.




Tumayo ako, at tumungo palabas ng office. Bumungad sa akin ang ibang abalang mga workers, pero nahagilap ko si Mr. Piloso na naka-break. Umiinom ito ng kape habang nagmamasid sa mga workers. Nilapitan ko ito.



"Mr. Piloso!"



Agad kong nakuha ang atensyon niya, at taasang kilay niya akong sinalubong. Napapansin ko din na lagi na siyang masungit sa akin. Dahil ba 'to sa biglaan kong pag-angat as secretary ni boss?



"Ms. Secretary... what is it?" May pagka-sungit yung boses niya. I guess may problem nga siya sa pagkaka-promote ko.



"Uhm...gusto ko lang po itanong...may fb account po ba si boss Feil?" Magalang kong pagtatanong. Pero nagulat ako nang humalakhak si Mr. Piloso sa di malamang dahilan.




"Hahahahaha! You're hopeless, Ms. Liwanag!"



"P-po?..." Napakunot ako sa pagkalito. Anong ibig niyang sabihin?



Nakakagulat siyang suminghap, at biglang nagbago ng mabilis ang ekspresyon. Naging seryoso na ito habang sandaling hihigop ng kapeng hawak niya. Ok?...hindi ko talaga alam ang nangyayari. Tinanong ko lang naman kung may FB account si boss Feil. May weird ba don?



Kung hindi ko makuhanan si boss ng picture sa email account niya, then surely kung may FB siya, marami siyang picture don. Talino ko right? Hehe.



Inabangan kong magsalita siya. Pero muli niya akong tinarayan ng tingin. Sa mga titig niya, hindi ko maiwasang mapaghinalaan siyang bakla. Sa mga matataray at masusungit na lalaki, napagkakamalan ko silang bakla. I dunno why...feel ko lang.





"You really don't know?" Muli akong naguluhan sa ibig niyang sabihin.



Napangiwi ako. "H-hindi po...kung ano man po 'yon...pwede po bang sagutin niyo nalang ang tanong ko kung may FB siya o--"




"Of course, wala!"



Nagulat ako sa biglaan niyang pag-sigaw, at sa sinabi niya. Walang FB si boss Feil?...bakit? Is this about being a boss? But I would guess, diba dapat sila pa ang may active na social life? Mapa oral man 'yan...media... he's a leader! He should have at least!




At kahit isang picture dapat meron siya! Dahil ayaw kong umabot sa punto na kaylangan ko na talaga siyang nakawan ng litrato! Kainis naman kasi itong kapitbahay namin! Sinabi pa kay Teng yong tungkol kay boss! Argh!




Living with Death Nextdoor [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon