Layla's POV"Isa.....dalawa.....tat--Ay, resibo na pala."
Agad kong tinapon sa gilid yung naiwang resibo sa wallet ko habang kasalukuyan kong binibilang ang natitira kong budget. Two thousand nalang ang budget ko.....at wala pa rin akong trabaho!! For sure magagalit nanaman sina Mama kapag nangulit uli ako ng pera sa kanila! Pero anong magagawa ko? Alangan namang mamatay ako sa gutom dahil sa pagkaubos ng pera! Hindi naman libre ang mga bagay at pagkain dito sa syudad!
Matapos tuluyang mabilang ang natitira kong budget, mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ko dito sa hapagkainan kahit na may natitira pa akong kinakain na tinapay. Buti nalang nakahanap pa ako ng pang-umagahan sa bag ko. Yung biscuit na FITA. Kahit bitin, at least nagkalaman naman ang sikmura.
Mabilis akong naligo at nagbihis ng simpleng T-shirt at pantalon. Pagkatapos pinuyod ang mahaba kong buhok. Sinuksok ko lang ang dala kong pera sa bulsa ng pants ko pagkatapos lumabas na ng apartmen ng walang anumang dala kung di sarili ko. Pagka-lock ko ng pinto ng apartment, tuluyan na akong umalis para mamalengke.
Sandali nang malalagpasan ko ang pinto ng mahal kong kapitbahay, wari'y napatingin muli ako sa pinto ng apartment niya sa di malamang dahilan. Ganun na ba ako naging mainit pagdating sa kaniya?.......
Or di lang ako maka-move on sa pag-alis ni Nanay Pisang? Hmm...baka nga.
Pagkababa ko sa apartment, habang naglalakad sa koridor ng ground floor ng apartment, agad kong natanaw si Teng na nagdidilig ng halaman na naka-display sa harap ng apartment niya.
"Teng!" Malakas kong pagtawag dahilan para agad itong mapalingon sa direksyon ko. "Goodmorning Teng!" Muli kong pagbati dito at tuluyang nakalapit sa kaniya.
Binaba muna nito ang hawak na pangdilig bago tuluyang humarap sa akin. "Good morning din Lin. San lakad natin? Parang tatambay lang sa kanto ang pormahan natin ah." Mapang-asar nitong sabi sa akin at mapanglait na tumingin sa suot ko.
Agadang napakunot ang noo ko. "Anong kala mo sakin? One of the tambays dyan sa kanto? Tigilan mo nga ako Teng!" Wariy naiinis kong sabi at napanguso.
"Hahaha! H-hindi Lin! Hindi ikaw yung tambay!" Natatawa nitong wari na nagbigay sa akin ng kaguluhan. Huh? Ano bang sinasabi niya?
"Ikaw yung manang na nagtitinda sa mga tambay! Hahaha!"
Parang agang aga nasira na agad tuluyan ang araw ko. Wagas din makapang-asar 'tong si Teng e! Porket ganito lang ang suot ko tinatawag na niya akong manang! Tsk! "Wag ka ngang judgemental Teng! Masyado lang kasi mataas ang standards mo sa fashion kaya ganyan ka makapagsalita sa akin!"
Sandali pa itong tumawa bago tuluyang naka-rekober. "Yun na nga. That's why I have the rights to judge you for having a good fashion sense. Ang manang mo Layla Shin, a.k.a Lin." Parang pag-aannounce pa nito sa mukha ko. Na nagdulot lang sa akin na mapairap.
"Tsk. Bahala ka diyan Teng!" Padabog lang akong nilagpasan siya upang makaalis na. Baka mamaya mabugbog ko na ang baklang 'to kapag tumagal pa ako sa mga panglalait niya! Tsk!
Pero hindi pa ako nakakalayo nang bigla niya uli akong tinawag para magdulot sa akin na mapalingon sa kaniya. "Ano nanaman?!" Pagsungit kong sagot dito.
"Lin, naramdaman mo bang umuwi si Zeroto kagabi?....hindi ko kasi siya nakitang dumaan."
Tila napataas naman ang isa kong kilay matapos niyang magtanong sakin tungkol kay Zero. Napagpasyahan ko nalang na tawagin yong si Zero. Ayaw kong magpaka effort na banggitin ang buo niyang pangalan. Di niya naman deserve ang efforts ko. Tss.
![](https://img.wattpad.com/cover/145756036-288-k996109.jpg)
BINABASA MO ANG
Living with Death Nextdoor [ON-HOLD]
ParanormalHighes Rank Achieved: #21 in Paranormal #66 in Horror What if Death takes a break from taking lives and decided to experience real life? Wala na ba talagang mamamatay ngayong wala na ang life taker? Pero paano kung bigla mo siyang maging neighbor ne...